Chapter 11

42 5 2
                                    

Trinity's POV

Hayy mornings..

Wait?!! Nasan ako?? Bakit wala ako sa kwarto ko??

Biglang bumukas yung pinto.

"Cyrus?!! Anong ginawa mo?!!"

"Ano?"

"Bakit nasa kwarto mo ako."

Napasimangot siya.

"Trinity... Dito ka po natulog kagabi."

Parang may biglang pumitik sa utak ko at natandaan ko na yung kagabi. Dito nga pala ako pinatulog ni mama kasi ginabi na pala kami. Hayyy nako!!

"Ayy oo nga pala!!!"

"Hahaha. Tara na nga kakain na daw."

"Sige susunod na ako."

Lumabas na siya ng pinto.

Aisshhh!! Ang bata bata ko pa makakalimutin na ako!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Goodmorning po Tita, Tito."

"Goodmorning. Kain ka na oh."

"Sige po."

Kumain lang kami ng tahimik... Oo tahimik. Kahit isa walang nagsasalita. Si tito naman umalis na. Si tita umakyat na. May aasikasuhin daw siya. Kaming dalawa na lang tuloy ni Cyrus natira dito.

"Trin?"

"Bakit?"

"Ako na bahala gumawa nung powerpoint."

"Sige basta galingan mo!!"

"Oo naman!!"

"Pagkatapos ko kumain uuwi na ako ah?"

"Hatid na kita."

"Jeep tayo?"

"Yoko nga ang init init!"

"Eh di magdala ka ng aircon sa jeep -_-."

"Sige na nga! Oo na magjejeep tayo!!"

"Yehey!! Magbibihis na ako!!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"I'm done!!! Let's go?"

"Tara na nga excited ka masyado sumakay ng jeep eh. Tulungan na kita mukhang bigat na bigat ka yata diyan sa dala dala mo."

"Thankiee."

Tumakbo na ako sa labas.. Ay wait!!!

"Cy wait lang ah!!"

"Sige."

Pumasok muna ako ulit sa loob tsaka tinawag si Tita.

"Tita!!!"

"Oh bakit hija?"

"Babye po!!! Thank you!!"

"Oh sige walang anuman. Mag ingat ka ha?"

"Opo!"

Lumabas na agad ako.

Pagtingin ko kay Cyrus, nakakunot yung noo niya with matching magkadikit na kilay.

"Ang tagal mo."

"Matagal ba yun?" Tumingin pa ako sa relo ko kunyare. "Eh wala pa nga yung five minutes eh."

"Wag ka ng madaldal. Tara na."

"Okay."

Naglalakad na kami ni Cy palabas ng village nila at higit sa lahat wala kaming payong. Ang init!!!!

My Bestfriend, My Boyfriend, My Enemy (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon