Chapter 15

28 1 0
                                    

Trinity's POV

Lumabas na ako sa kubo namin. Baka mabulok ako eh. Kanina pa kasi ako di lumalabas dahil tulog lang ako ng tulog.

Ewan ko ba kung bakit antok na antok ako ngayong araw na to.

Gabi na pala di ko namamalayan.

Si Cy kaya?

Tumingin ako sa paligid at hinanap siya.

Nandun siya nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan yung tubig.

Lumapit ako sa tabi niya at umupo.

"Namimiss mo ba bahay niyo?" Tanong ko.

"Hindi naman masyado."

"Eh bakit parang ang lalim lalim ng iniisip mo diyan?"

"Ha? Hindi ah."

"Sus. Share naman. Bestieess tayo eh."

"Haha. Wala nga Trin. Ikaw talaga oh!" Sabay gulo ng buhok ko.

"GUYS TARA DITO!! MAY SPIN THE BOTTLE OH!" yaya nung kaklase ko.

Agad namang tumayo si Cyrus at hinila ako papunta dun sa mga kaklase ko na nagsspin the bottle.

"Upo kayo guys."

Umupo na kami ni Cy at katabi ko siya.

"Guys may rule tayo! Bago kayo sumagot, pag natapat yung bote sa inyo is iinom muna kayo nito." Sabay turo nung kaklase ko sa hawak niyang bote. Tuba ata laman nun?

HAY NAKO.

"Pano yan nakapasok sa eroplano at sa port?" Tanong ko.

"Simple lang. Sinabi kong suka yan." Sagot nung classmate ko.

"Ha? Di ba nila yan inamoy or ano man?" Sabi ko.

"Hoist hoist! Simulan na nga natin yung laro!" pag iinterrupt nung isa kong kaklase.

Sinimulan na nilang paikutin yung bote.

Habang bumabagal yung ikot ng bote ay lalo akong kinakabahan. Baka mamaya kung ano ano itanong tsaka ipagawa ng mga to sa akin eh.

Ayan na bumabagal na!!

Pinikit ko yung mata ko para di ko makita na tumapat sa akin yung bote. (Ano Connect?)

"Whoooo!!!" Sigawan ng mga kaklase ko.

Unti unti kong dinilat yung mata ko para makita kung kanino tumapat yung bote.

Kay......

"CYRUS! SHOT NA!"

Yep kay Cy tumapat. Ano naman kayang ipapagawa nila or itatanong nila sa mokong na to?

Tiningnan niya muna ako na para bang nagpapaalam, tinanguan ko lang siya na pumapayag ako. Wala eh, sumali kami no choice.

Kinuha niya na yung baso at ininom yung laman nun.

"True or False?" Tanong nung kaklase ko.

"True."Matipid na sagot na Cy.

"Okay... Hmm?? Kayo na ba ni Trin?"

WHAT?!!!

"Hindi." Sagot niya.

"Di kapani paniwala."

"Bestfriends kame. For life."

Parang may kumurot sa puso sa sinabi niya.

"Trin bat ka naiyak?" Tanong ng kaklase ko.

My Bestfriend, My Boyfriend, My Enemy (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon