Chapter 13

17 1 1
                                    

Trinity's POV

Ilang araw na rin ang lumipas at ganun na nga ang kinikilos ni Cy, puro kasweetan este kalandian niya. Jk.

Nandito ako sa canteen ngayon, sila Xandie at Lorainne ang kasama ko kase busy si Cy. Ipinaliwanag ko na rin sa dalawang to yung nangyare kay Cy. Pati na rin yung sa akin.

"OH MY GOSH TRIN!! HINALIKAN KA NI CY SA PISNGI?!!"

"Huy wag ka ngang maingay Xandie!" Saway ni Lorainne. "Oh ano ngang nangyare Trin?"

"Panong anong nangyare."

"Tss di pa ba kayo?"

"ANO?"

"Oo nga Trin! Di pa ba kayo? Eh puro kasweetan na ginagawa nung mokong na yun sayo."

"Ha hindi ah!"

"Pero aminin mo gusto mo siya noh?"

"Kinikilig ka pag kasama mo siya?"

Gulo ng dalawang to eh. Presscon ang peg?

"Wait isa isa lang tanong!"

"Ako na first." Pagvovolunteer ni Xandie. "Kinikilig ka ba pag kasama mo siya or pag may ginagawa siyang kasweetan sayo?"

"Medyo." Sagot ko.

"Ako naman." Sabi ni Lorainne. "Napapasaya ka naman ba niya pag magkasama kayo?"

"Oo."

"Gusto mo na siya?" Sabay nilang tanong.

"Oo naman. Ay este ewan ko!" Out of nowhere san ko nakuha yung sagot na yun? AISH!

"Sus deny pa mas lalo kang napaghahalataan diyan!"

"Ewan ko! Ang gulo kase."

"Listen to your heart." Sabi ni Lorainne.

"Oh baka naman pipe yang puso mo at di mo marinig ang sinasabi?" Hahaha baliw talaga tong si Xandie!

"Shungek! Basta Trin listen to your heart! Yan lang ang mapapayo ko sayo. Ewan ko lang kay Xandie. Nakashabu na naman yan eh."

"Hoy hindi ako nagshashabu!!"

"Hahaha tama na nga yan! Tara na!"

Tumayo na kami sa kinauupuan ko pati rin sila.

Ay oo nga pala nagpapabili si Cy sa akin ng kakainin niya.

"Guys wait lang bibilhan ko lang si Cy ng makakain."

Sinundot ni Xandie yung tagiliran ko. "Yieeee caring."

"Caring ka diyan? Inutusan niya lang kaya ako bumili -_-."

"Eh yun naman pala eh."

"Pahiya ka na naman Xandie." Asar ni Lorainne.

"Che. Basta kami ni Trin may lovelife na!"

Natahimik si Lorainne. Sa tuwing pinag uusapan namin ang lovelife eh natatahimik siya.

"Tara na nga." Pambabasag ko ng katahimikan.

Naglakad na kaming tatlo papunta sa room.

Nadatnan naming nakasalampak si Cyrus sa sahig dun sa sulok at ginagawa ang report niya.

"Huy kumain ka muna." Inabot ko sa kanya yung pinabili niyang pagkain.

"Thanks."

"No problem."

"Yieeeeee." Pang aasar nung dalawa. Pinandilatan ko lang sila ng mata at tumahimik na rin sila.

"Tulungan na kita Cy?"

My Bestfriend, My Boyfriend, My Enemy (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon