C A R L O
"Mee, Kamusta na si Nanay Beth?" Tanong ko kang Aimee sa telepono, nasa ospital kasi sila ngayon sa probinsya namin. Bata palang ako sina 'Nay Beth at si 'Tay Robert na ang nag-palaki sa akin, iniwan na kasi ako ng mga magulang ko, at tanggap ko 'yon.
"Inatake nanaman siya sa puso, Carl. At ang sabi ng doktor kailangan na raw operahan ang lola mo sa lalong madaling panahon. Pero wag kang mag-alala Carl, nagpapahinga na ang lola mo dito." Sabi niya, kahit nagpapahinga na ang lola, hindi parin ako mapakali, alam kong kailangan na talaga ni lola magpa-opera pero wala pa kaming sapat na pera para sa sakit niya.
"Salamat, Mee. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka dyan ngayon." Simula kasi nung umalis kami ni 'tay Robert sa probinsya namin, minsan lang naming nakikita sina nanay Beth at ang kapatid kong babae na si Carla, namamasukan kasi kami sa mga Andrada, si 'tay Robert bilang isang Assistant ni Mr. Andrada, at ako naman bilang isang driver niya. Kaya nagpapasalamat talaga ako kang Aimee. Palagi siyang na dyan para sa 'kin at para sa pamilya ko. At Oo, girlfriend ko siya.
"Lahat gagawin ko para sayo, Carlo. Gagawin ko lahat, kasi mahal kita." Sabi niya, kaya gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
"Mahal din kita, Mee." At binaba ko na yung telepono at sinimulan ko ng linisan ang mga kotse ng mga Andrada.
Marami silang mga sasakyan, hindi ko na nga mabilang eh. Pero alam ko na ang kotseng nililinisan ko ngayon ay ang kotse ni Ma'am Agnes. Hindi ko napansin na naka uwi na pala siya, minsan kasi hindi na 'yon umuuwi,tsismis ng mga maid, lagi daw na nasa club si Ma'am Agnes, minsan daw sa drag-racing. Tss. Ugali ba 'yon ng isang babae? Pinag patuloy ko nalang ang pag-lilinis ng kotse niya,napansin ko na may bakas ng dugo ang kotse niya sa may back seat. Bigla naman akong kinabahan. Ano ba ang nangyayare? Bigla kong nakita si Patrick, isa siya sa mga bodyguards dito.
"Pare!" tawag ko sa kanya habang nilalandi niya ang isa sa mga maids dito, napa lingon siya sa direction ko pero halatang nainis siya sa ginawa ko. Lumapit naman siya sa akin at sumandal siya sa kotseng nililinisan ko.
"Oh, pre? Bad timing ka naman eh." Sabi niya at medyo sinuntok niya yung braso ko, hindi naman masakit pero alam kong, napikon talaga siya.
"Naka-uwi na ba yung anak ni Sir Andrada?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin, para bang may tinatago.
"Ah kasi, ano pare eh, wala siya dito." Sabi niya at tumingin siya sa kotse ni Ma'am Agnes, napansin niya at na may dugo sa back seat.
"Ano kasi, ano ah, ay oo! Nasagasaan kasi yung si Agnes kagabi, ewan ko kung bakit siguro ano sa drag-racing ata, alam mo naman yung batang 'yon... Pasaway." Nauutal niyang sinabi sa akin, alam kong hindi lang bastang nasagasan si Ma'am Agnes, kung talagang na sagasaan siya, eh 'bat buo parin ang sasakyan niya? Kagabi nagpadala si Sir Andrada ng mga tao sa Baguio kasi may nangyari daw sa Rest house nila, baka nanakawan, sumama rin si 'tay Robert. Ewan ko, alam kong may sekreto ang pamilyang ito, at 'yon ang dapat kong malaman.
"Sige Pre, una na ako." Sabi ni Patrick at pumasok na siya sa kwarto naming mga lalaki. Marami kasi kaming nagtatrabaho para sa mga Andrada may kwarto para sa mga babae, na halos mga Maid, at isang kwarto rin para sa amin mga lalake, ako lang ang driver ng mga Andrada. At halos mga bodyguards na ang nasa kwarto na 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/38119886-288-k821282.jpg)