Four | First Name Basis

68 5 2
                                    

WARNING: Strong use of language.



C A R L O


"WHAT THE FUCK." Bumitaw agad si Aimee at nakita ko kung gaano kabilis pumula ang pisngi niya. Alam ko kung kanino galing ang boses na 'yon. Nakarating na pala sila. Humarap ako sa kanya at naramdaman kong kumapit si Aimee sa braso ko.


"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko sa kanya.


"Really? You're asking me that? Diba dapat ako ang mag tatanong sa inyo niyan?" sambat niya, halatang mataray ang ugali niya dahil napaka-conyo niya.


"Mauna kana Mee, susunod ako." Sabi ko kang Aimee at tumango naman siya, aalis na sana siya ng biglang nagsalita si Agnes.


"Mee? As in Mommy? Patawa! Anong tawag mo sa kanya? Dee? Tsk, ang lalandi niyo! Kaya kumakalat ang jejemon sa mundo eh, daming pauso." Pagtataray niya at umalis na siya, patungo sa bahay namin. Napansin kong tulala si Aimee sa sinabi ni Agnes, kaya nilapitan ko siya.


"Aims..." sabi ko at hinawakan ko ang magkabilang braso niya.


"Siya ba yung tinutukoy mo Carl? 'Yung kailangan mong protektahan?" tanong niya. Yumuko lang ako at tumango ako sa tanong niya. Pagkatapos nung ginawa ko sa ospital, kinuwento ko kang Aimee ang lahat, sa simula hindi siya sumang-ayon pero sa huli  naintindihan niya naman ang sitwasyon... kailangan ni 'Nay Beth ang Pera para sa operasyon niya.


"Carlo, may tiwala ako sayo, alam kong ginagawa mo lang ito para sa pamilya mo, at naiintindihan ko 'yon." Sabi niya, kaya niyakap ko siya.


"Ako na ang mag-sosorry sa ginawa niya kanina." Sabi ko at bumitaw na ako sa yakap namin. "Pagsasabihan ko nalang siya mamaya, Mee." At hinalikan ko ang noo niya.


"Okay lang, bitter siguro 'yon." Ngumiti siya, kaya napangiti narin ako. "Ahh Carl, una na ako, baka hinahanap na ako ni mama."  hinalikan niya ang pisngi ko at nag simula na siyang mag lakad palayo. Kakauwi lang namin ni 'tay Robert dito kahapon, kaya ngayon lang kami nakapag-usap ni Aimee. Nag simula narin akong naglakad patungo sa bahay namin, nakita kong nagtatawanan si 'nay Beth at si Carla, at nakita ko ring kumakain si Agnes habang hawak niya ang selpon niya.


"Oh Carlo, apo. Saan kaba galing bata ka? Hindi ka nakapag-paalam sa tatay mo." Sigaw ni lola nung nakita niyang pumasok ako sa bahay.


"Baka busy." Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Agnes. "Busy siya 'nay Beth, diba Dee?" sarkastong sabi niya habang naka tingin siya sa akin. Kumukulo ang dugo ko, dahil sa babaeng 'yon, hindi ko nga alam kung maaalagaan ko ba siya, napaka-komplikado niyang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imprisoned By DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon