Arrow 1

308 2 0
                                    

Suzainne's POV


"Stop!" sigaw ni coach Ryan. Nagpa-practice kasi kami ngayon para sa darating na Sports Festival. Ako kasi yung representative ng St. Michael Academy   para sa darating na Palarong Pambansa.

"Impressive! Suzainne, mas lalo ka talagang gumagaling at bumibilis habang papalapit ng papalapit yung competition." Sabi ni coach Ryan habang nakatingin sa stop watch niya.

Hingal na hingal naman akong pumunta sa kanya. Halos tumatagaktak na yung pawis ko sa kakatakbo kanina. Inabutan  niya ako ng towel at tubig.

"Siyempre naman , kayo yung coach ko, e" sabi ko habang pinupunasan yung pawis ko.

"Hindi naman lahat dahil sa coach. Minsan dahil rin yun sa capability ng isang athlete at yung determination niya para makuha yung achievement na gusto niya." Sabi niya.

"But without you Sir, hindi rin ako madidiscover pati na rin yung talent ko." Sabi ko with a smile.

Totoo naman iyon, eh. Hindi ako makakapaglaro sa Palarong Pambansa kung wala si Coach Ryan.

Siya kasi yung nag-encourage sa akin na sumali sa mga contests. Yes, I claim it to myself na nangunguna ako sa academics pero lagapak naman pagdating sa extra curricular activities.

So, I decided na i-engage ang sarili ko sa sports.

Athletics

Isang sports kung saan tumatakbo, napapagod, hinihingal, pinagpapawisan,  natututong madapa, at prone din sa injuries.

Hindi ako masyadong inclined  sa volleyball, table tennis, badminton, or sa iba pang sports kaya athletics na lang ang pinili ko.

Well, hindi naman ako nagkamali sa pagpili. Dahil sa pagtakbo ko, malayo-layo na rin ang narating ko.

"Because there's something in you." Sabi ni coach Ryan and put his palm on my shoulders.

 Nagkatitigan kami ng ilang segundo. "You have a hidden potential. You just let it go inside you. Look, there are seven letters that you should do: BELIEVE"

Ang awkward ng atmosphere dahil sa sinabi ni coach Ryan. Parang nawala yung bibig ko dahil sa sobrang kadramahan na nangyayari ngayon. Hindi pa naman ako sanay sa mga dramatic lines.

"Ok coach" Iyan na lang ang nasabi ko kasi wala na akong ibang maisip na sasabihin.

            "Fine. You can go now." Sabi ni Coach Ryan.

            Maggagabi na pala. "Goodbye Sir!" Dumiretso ako sa girl's locker room at kinuha yung gamit ko. Pagkatapos ay nagpalit ako ng uniform.

            Mga tatlong kanto lang naman ang layo ng bahay namin from school kaya naglalakad na lang ako pauwi. Hindi naman masyadong madilim kasi meron namang mga street lights na nakasindi.

            Oo nga pala may binigay sa aking sandwhich si Alexis kanina. Nakalimutan ko namang kainin kanina kasi busy akong nagpapractice.Si Alexis nga pala yung bestfriend ko. Siya yung itinuturing kong totoong kaibigan kasi yung iba kong 'friends' ay friends lang pagkaharap ako pero they stub me when I'm not looking.

            Kinuha ko sa may bag ko yung sandwhich. Sa tuwing matatapos yung practice ko kasama si coach Ryan ay feeling ko lantang gulay. Tinggal ko yung plastic na nakabalot sa sandwhich.

            Mmmmm...mukhang masarap kaya naman binigyan ko ito ng isang Big, Big, Bite.

            Habang nginunguya ko yung kinagat kong sandwhich ay may narinig akong mga pagtakbo mula sa likuran ko. Paglingon ko ay mayroong grupo ng mga lalaki na parang mayroong hinahabol. Hindi ko masyadong makita yung mga mukha nila dahil madilim.

Chasing Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon