Arrow 4

23 1 0
                                    

Suzzaine's POV


*Kring...Kring...Kring*


I slowly opened my eyes at tiningnan kung saan nanggagaling yung ingay. Nakatulog pala ako. No...let me rephrase it. Nakatulog pala kami. Yes, kaming dalawa ni Andrei dito sa may couch.


Nakapatong yung ulo ko sa broad shoulder niya habang siya naman ay nakasandal. Pinagmasdan ko muna yung mukha niya bago ako tuluyang tumayo. Wow, ang pogi niya pa rin kahit natutulog. Tuloy, umagang-umaga nagiinit yung diwa ko.


He's a living god...


Buti na lang hindi nasira yung handsome face niya noong binugbog siya nila.....sino nga ulit yun? Carl? Cody? Ahhh...nina Collin nga pala pati yung mga barkada niya. Ano naman kayang ginawa nitong si Andrei para pagbuntungan ng galit nung mga lokong 'yun?


Napakabrutal naman nila. Sa pagkakatanda ko may sinabi si Collin na pwede pa naman daw nilang mapag-usapan yung problema nila pero ano nga ba yung problema nila? Yung tungkol dun sa pagbabasketball nila? Kung 'yun ang babaw naman para ganituhin nila si Andrei.


Pero sa tingin ko meron pang ibang rason kung bakit nila ito ginawa kay Andrei and it only lies beneath the surface.


*Kring...Kring...Kring*


Back to reality, ano ba yung kanina pa nagriring? Galing yata sa bag ko. Tumayo na ako para kalkalin yung bag ko. Medyo inaantok pa ako kaya napahikab pa ako.


Kinuha ko yung bag ko na nakalapag sa sahig na nasa gilid ng couch. Binuksan ko ito at kinalkal yung bagay na kanina pa nagri-ring. Yung cellphone ko lang pala na naga-alarm.


Ang aga naman yata ng na-set ko sa phone ko kahapon.I think mga 5:30 ko 'to sinet para magalarm. Anong oras na ba?

Tiningnan ko yung orasan sa cellphone ko. 6:32 palang pala ng umaga.


Linagay ko na ulit yung phone ko sa bag tapos ay nagyawn ng napakalaki. Maganda daw kasi yung pagyawn para makadaloy ng mas maganda yung oxygen sa brain at para magfunction 'to ng mabilis. Umupo na ulit ako sa couch. Ilang segundo rin yung lumipas bago ako may narealize.


WTF!


Kinalkal ko ulit yung bag ko para kunin ulit yung phone. Binuksan ko 'to para tingnan ulit yung oras. 6:33 na pala ng umaga!

Lumapit ako sa may bintana tapos ay hinawi ko ng bahagya yung kurtina para makasilip kung maliwanag na.

Maliwanag na nga! Whaaaa! Male-late na ako niyan!


Medyo bangag pa ako kanina kaya hindi pa nagsink in sa utak ko yung fact na male-late na pala ako. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Nagpapanick na naman ako. Ang simple-simpleng bagay lang natataranta na ako. Ano ba 'to.


I started climbing the stairs para kunin yung tuwalya sa kuwarto ko tapos ay dumiretso na kaagad ako sa banyo. Hindi pala ako nakapagpalit ng pambahay kagabi. Itong uniform ko pa rin yung suot ko. Mga limang minuto lang ako nagshower tapos binalutan ko na yung sarili ko ng tuwalya. Grabe! Ang lamig ng tubig...Nangnginig tuloy akong lumabas ng C.R.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon