Andrei's POV
Ano ba 'tong nasabi ko kay Suzzaine. Hiyang-hiya tuloy ako sa kanya. Napaka uncomfortable tuloy ng atmosphere naming dalawa ngayon.
Ilang minuto na rin yung lumipas simula nung nasabi ko sa kanya yung mga lines at hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita saming dalawa.
"Ummmm.....alam mo Suzzaine, kung hindi ka siguro sumulpot kanina, siguro patay na nga talaga ako ngayon." Ayan na hah, nag-open na ako ng topic.
Inayos niya yung buhok niya papunta sa likod ng mga tenga niya tapos ay tumingin na rin siya sa akin.
"Ano ba kasing ginawa mo sa kanila na kinagalit nila?" She asked.
I shook my head in response.
"Hindi naman pwedeng basta ka na lang nilang bubugbugin ng walang dahilan"
" 'Yun nga yung hindi ko maintindihan sa kanila. Kung bakit bigla na lang nila akong hinabol at binugbog."
" Ano yun may deperensya sila sa utak?"
" I don't know" Mahina kong sabi and took a long sigh.
"Ano ba yung nangyari before yung incident?"
*Think...Think...Think*
Aha!
"As long as I can remember, naglalaro kami ng basketball noon sa may school court nina Collin kasama yung mga kaibigan niya. Then, naagaw ko sa kanya yung bola na natural naman sa larong basketball. Nabangga ko siya and then he fell on ground pero hindi ko naman sinasadya yun. Tapos nainis na siya sa akin, kung ano-ano na yung sinabi niya, and then tumakbo ako at doon na nila ako nahabol at nabugbog." I explained trying to resemble the scenario pieces by pieces.
Natahimik rin si Suzzaine ng ilang sandali bago siya nakapagsalita ulit.
"In that case, hindi ko rin malaman kung ano ba talaga yung rason nang Collin na 'yan sa pagbugbog sayo."
"Napakababaw naman kasi nung reason niya kung naagaw mo lang sa kanya yung bola and then nabangga mo siya." "Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko..." I said with a shivering voice. I held my hands on my face and bend my body to my thighs. "Naguguluhan na ako."
Naramdaman ko naman si Suzzaine na lumapit ng bahagya sa akin.
"Don't worry I'm here to secure you, no matter what happens, dahil sa oras na 'to ay kasama na rin ako sa gulo." She uttered.
Meanwhile, I can feel her hands extendedly wrapped on my body.
Collin's POV
D*mn that girl! Sinira niya lahat ng plano ko.
Maayos na sana ang lahat kung hindi lang sumulpot yung bwiset na babaeng 'yon.
"Paano ba 'yan Collin, nakatakas si Andrei?" tanong ni Ravince habang nilalagyan ng beer yung mug ko. Nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari ng pamilya niya. Dito muna kami nagpalipas ng oras matapos kaming habulin ng mga pulis kanina na tinawag ni Andrei.
Luckily, hindi sa prisinto ang bagsak namin.
Ang lakas pa talaga ng loob niya na humingi ng tulong sa mga pulis hah, but he only let the spark inside me grow like an inferno.
"Hindi ko pa alam pero hindi rin magtatagal yung lalaking yun" I said and had a drink with my beer.
"How about the girl?" tanong sa akin ni Tyson.
"It's just simple, I will add her name to my 'to kill list' " I blurted.
Nagkatinginan naman yung tatlo. "What?!" sabay-sabay nilang sigaw.
Brent pat my shoulder.
"Bro, 'wag namang ganyan, maawa ka naman dun sa girl" he pleaded.
Tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa balikat ko. "Kung gusto mo ibalato mo na lang sa amin yun." Sabat ni Ravince. Nagkatinginan ulit yung tatlo tapos lumuhod na lang sila bigla sa harapan ko.
"Tumayo nga kayo diyan, nakakahiya, ang daming tao."
"Please....." then nagpuppy-eyes silang tatlo. Hindi sila cute, they only urge me to say 'no'.
Tumayo na sila habang tumatawa.
"Baliw!" tapos umupo na sila sa mga stools na kinauupuan nila kanina.
Hindi ko alam kung bakit ganito yung mga kaibigan na napili ko. Parang bawat isa sa kanila ay may maluwang na turnilyo.
"E, bakit ba ganun-ganon na lang ang galit mo kay Andrei, hah?" tanong ni Brent. Wow, nagseryoso din sila sa wakas.
"Well, bakit nga ba..." I said while still holding my beer and had a fake thinking gesture. I look at them fiercely at halatang kating-kati na sila sa isasagot ko. "Mmm...Dahil inaagaw na lang niya lahat ng importante sa akin?" I answered them with a question in a sarcastic tone.
Si Andrei lang naman talaga yung mahilig mang-agaw ng lahat ng importante sa akin. Habang ako, lagi na lang nagpaparaya. Until one day, nagsawa na ako sa mga kabalbalang ginagawa niya sa akin and he is the reason why I transformed like this.
Akong nakakita siya yung nakikinabang.
Ako yung nagpagod siya yung humahakot.
Ako yung nage-effort na makuha ang gusto ko pero sa huli sa kanya pa rin ang huling halakhak.
Tsss...
Pwes tapos na ang maliligayang araw niya. I will erase those smiles and turn them into cries. I will let him feel the pain until he become insane.
Hindi sapat ang salita para ipaliwanag ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Nawala lahat ng bagay, tao, atensyon, at tiwala ng iba sa akin dahil sa bwiset na Andrei na 'yan.
Lahat na lang ng tao sa paligid niya ay naloloko niya but not me ANYMORE.
Sa sobrang inosente ng pagmumukha ni Andrei kahit anong gawin niyang kasalanan, malaki man o maliit, ay madali lang siyang napapatawad. Sa sobrang kainosentehan ay mapapatanong ka na lang kung tao pa ba siya.
No he's not...
'Cause he's a DEVIL.
A devil that morphs everything nice for your eyes but stinks from the inside.
Habang ako, makabasag lang ako ng pinggan, wala na akong maririnig sa paligid kung hindi masasamang comments.
But lagi ko na lang ipinapaalala sa sarili ko na lahat ng tao na panig sa kanya ito lang ang masasabi ko:
YOU ARE ALL FOOLS!
Hinahayaan niyong malason ng Andrei na yan ang mga makikitid niyong utak.
Kaya kung may-awa ka pa sa sarili mo, don't mess up with the DEVIL...
Or should I say, ANDREI...
A/N: Ayos lang po ba?Hope you like it po...Please do leave comments po kung may gusto po kayong itanong or isuggest maybe...haha—à Rawmance13