SAGOT SA KAHIRAPAN; DIGMANG BAYAN!
Ang karit; ang maso; dudurog sa estado!
Isang Maikling Praymer Hinggil sa Programang Digmang Bayan o DigBay:
Ano ba ang tunay na kahulugan ng "digmang bayan" (o people's war sa Ingles)?
Ang DigBay ay ang matagalang armadong pakikibaka ng mamamayan laban sa pasistang estado na pinamumunuan ng burgesya komprador sa ilalim ng mga amo nitong imperyalista. Ang DigBay ay pinangungunahan ng Bagong Hukbong Bayan at ng rebolusyonaryong partido at gobyerno; at nilalahukan ng daan-daang Pilipino mula sa hanay ng masa, kabataan, kababaihan, at mga magsasaka.
Bakit armado ang pakikibaka?
Dahil mas higit na malakas at armado rin ang mga kaaway mula sa militar ng kasulukuyang estado, nangangahulugan ring rasonable lamang na tumangan ng armas ang mamamayan upang protektahan nito ang sarili at makapag-lunsad ng ating rebolusyon. Kung walang armas ang masang nakikibaka, ito ay maaaring madaling mapuksa ng kaaway o mahirapang maka-abante sa mismo nitong pakikibaka. Sa anu't ano pa man, mahalaga ang papel ng armas sa taktikal at estratehikal na operasyon at konsolidasyon ng pulitikal na kapangyarihan o organisasyon ng rebolusyonaryong kilusan. Ang armas ba ang magpapanalo sa digmaang ito? Hindi. Tanging ang tao; ang masa; ang makapagtatagumpay ng ating mithiin, at ang siyang makabibigo sa kaaway. Ngunit ma-ikukonsidera ring pagpapatiwakal ang lumaban ng walang armas o anumang kahandaan sa harap ng panunupil at mga opensiba ng kaaway. Ang DigBay ay ang pinakamataas na antas ng pakikibaka.
Bakit matagalan ang DigBay?
Dahil naniniwala tayong walang iglap na pagbabago ang posibleng maganap lalo na kung ang tinatamasa natin ay ang sistematikong pagbabago ng istoriko-materyal na istruktura ng pulitika at ekonomiya (at maging sosyo-kultura) ng lipunan. Dahil sa matagalan ring nabuo sa haba ng panahon ang mga binabaka nating istruktura sa loob ng sistema. Higit na mapanganib kung isusugal sa iglapang insureksyon ang direksyon ng anumang rebolusyonaryong pagbabago. Sa programa ng matagalang digmang bayan, kinukunsidera rin nito ang kahalagahan ng pagbubuo, pagpapalawak, pagpapalakas, at pagpapakilos ng mga pulitikal na organo, sonang gerilya, at base upang mas lumawak ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryong pwersa na ginagalawan nito. Sa ganitong paraan, hindi magiging madali para sa militar ng kaaway na gapiin ang mga rebolusyonaryong pwersa, na kung isinalin ang buong pwersang mga ito sa iisang insureksyon lamang, ay iglapan rin at higit na malaki ang malalagay sa delikadong posisyon dahil sa adbentyuristang pagsusugal na ito.
BINABASA MO ANG
SAGOT SA KAHIRAPAN, DIGMANG BAYAN!
Non-FictionAno ba ang tunay na kahulugan ng "digmang bayan" (o people's war sa Ingles)? Isang maikling praymer sa DigBay at ang rebolusyonaryong programa!