NDFP-GRP PEACE TALKS

158 0 1
                                    

Sa kasulukuyan, ipinagpapatuloy ng National Democratic Front ang mga usaping pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebolusyonaryong pwersa nito at ng estado. Kasama sa mga usaping ito ang pagbubukas ng mga kasunduan na siyang tumatalakay sa mga ugat ng armadong pakikibaka at tunggalian; ng DigBay. Ito ay ang mga sosyo-pulitikal na reporma sa ekonomiya at pulitika ng bansa, reporma sa lupa ng mga magsasaka, pambansang industriyalisasyon, at iba pa. 


Sa pagkakataong ma-isakatuparan ang mga kasunduang ito at ang mga nilalamang punto ng mga ito, maaaring magkaroon ng espesyal na kondisyon sa lipunang Pilipino upang mapabilis at umangat sa mas abanteng yugto ang rebolusyon. Sa pagkakataong ma-isakatuparan ang mga kasunduang ito, at magpunyagi ang koalisyon ng mga rebolusyonaryong pwersa sa gobyerno, maiiwasan ang pagdami ng mga operasyong militar habang patuloy pa rin ang paglawak at paglakas ng mga rebolusyonaryong pwersa sa bansa. Maiiwasan rin ang mas marami pang pagdanak ng dugo, at mga kaso ng tortyur, pagkawala, at pagpatay ng mga aktibista at taga-simpatya ng kilusan sa kamay ng mga militar ng kaaway. Mapagtatagumpayan rin ng mga kasunduang ito ang mga karapatang pantao o human rights issues.

Magtatapos na ba ang rebolusyon at ang DigBay sa oras na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng NDF forces?

 Hindi. Gaya ng nabanggit, malaki mang pagkapanalo ito sa ating hanay, hindi pa natatapos ang pakikibaka. Susubukan pang bawiin ng mga imperyalista ang burgesya komprador ang kapangyarihan upang impluwensyahan ang mga alyado nito sa gobyerno nang sa gayon ay mabawi ang mga kasunduang nalagdaan at napagkasunduan, at baliktarin ang mga ito. Kaya patuloy pa rin ang DigBay at ang rebolusyon hanggang sa umabot tayo sa pinakahuling yugto ng DigBay at ang pagtatayo sa wakas ng malaya at demokratikong bayan na may sosyalistang perspektiba.

Kabataan, magtungo sa kanayunan! Paglingkuran ang sambayanan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAGOT SA KAHIRAPAN, DIGMANG BAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon