┕━»•» CHAPTER 2 «•«━━━━┙
Hindi naman ako na-late sa part-time. Dalawang minuto bago mag-alas-otso'y narating ko ang restaurant. Mabuti madalang ang kumakain kumpara kagabing Valentine's Day. At wala si boss ngayon kaya nakahinga ako nang maluwag.
Sumulpot ang mga kasama ng babae ilang minuto matapos niyang tumawag sa pulis. Halatang mga nakaaangat sa buhay dahil sa kilos at pananamit. Tumulong ang mga ito sa pagkuyog sa snatcher para hindi makatakas. May kumuha rin ng bag sa babae at ibinalik sa matanda.
Sa pagmamadali'y hindi na ako nakiusyuso pa kahit na ilang tropa niyang lalaki'y bumabaon ang tingin sa akin at nakakunot ang noo ng iba. Sinamantala ko ang pagkakataon para tumalikod at humakbang palayo. Hindi ko na hinintay na dumating ang mga pulis. Hindi rin ako lumingon kahit tinawag ako ng babae nang sumakay ako ng big bike.
I just wanted to help the old lady. They no longer need my assistance, so I'd like to remove myself from the situation as much as possible. I wasn't supposed to be there.
End of story.
I don't want to think about it.
Katatapos lang ng shift ko sa restaurant at nakapagpalit na rin ako ng damit. I want to go home and take a long nap. Namamanhid ang mga braso't binti ko. Mabuti na lang at Sunday na. My rest day.
Naupo ako sa pinakasulok ng restaurant at sumimsim sa tinimplang kape. Kinuha ko ang notebook sa knapsack at inilista ang eksatong sahod na makukuha sa Lunes. Binudget na rin kung paano pagkakasyahin sa allowance at gastusin sa susunod na mga araw. Lumagpas naman ng limang libo ang sahod ko for two weeks. At pasalamat na lang sa nakukuhang tip sa mga galanteng nagpapa-reserve at dine in kaya hindi nauubusan pang-gas.
Hindi ako humihingi kay ng ermat at erpat ng pera, maliban na lang kapag sobrang gipit na. Kaya sa tuwing sahod ay nagtatabi ako ng isang libo pangdagdag sa ipon at emergency fund.
Hindi rin naman problema ang tuition fee sa school dahil may scholarship sa varsity at tinutulungan kaming lahat magpipinsan ni Tita Minerva sa pag-aaral.
Si Kaps naman ibinabalik na sa akin kapag may inaabot akong hindi naman kalakihang pang-allowance. Ngayong mag-college na siya'y 'wag ko na raw siya isipin. Hindi ko alam kung anong raket o pinagkakaabalahan niya. Kasi nakikita ko namang hindi siya nabubutasan ng bulsa.
But if we don't get rid of the five-year debt we've been struggling to pay off, I won't be able to breathe peacefully. I will not experience eight hours of sleep in seven consecutive days.
Kailangan ko na yatang bumalik sa pagtanggap ng gigs tutal mag-summer na rin at maraming music fest.
Tiningnan ko saglit ang cellphone, pero inaamag ang notifications. Walang chat o text galing sa kahit sino. Tahimik din ang mga kumag sa group chat at baka natutulog na dahil lagpas ala-una na ng madaling-araw.
Nag-chat ako kay M. Madalas naman naka-on ang Messenger niya kahit naghihilik na siya kaya hindi ako nagtataka ngayon.
Me: Nakauwi ka na?
Dalawa lang ang inaasahan ko. Natutulog na siya o magkasama pa rin sila ni Alvin. Kaya kumunot ang noo ko nang pagka-send ko pa lang ay nag-seen na siya. At kasalukuyang nagta-type ng reply.
Magnet: Tapos na shift mo?
Me: Oo. Y?
Nag-seen lang siya. Inubos ko na ang kape. Maghihintay muna ako ng limang minuto. Kapag hindi na siya nag-reply ay uuwi na ako.
Idinikit ko ang mukha sa braso na nakapatong sa mesa at tiningnan ang screen ng cellphone ko. Pinanood ko ang paggalaw ng oras pero usad pagong kaya sinilip ko na lang ang profile niya sa Facebook.
BINABASA MO ANG
Glimmer in The Dusk (Pereseo Series #2)
Romance[ Pereseo Series #2 ] Steel Verrill Pereseo