Chapter 1Year: 2014
♨ Steel Verrill Pereseo ♨
Tatlong ikot ng pag-jogging sa buong compound ang ginawa ko.
Huminto ako sa tapat ng kawayang bakod na pininturahan ng green at tiningnan ang suot na running watch. Mabilis at malalim ang bawat paghinga ko habang pinupunasan ng bimpo ang pawis sa batok paikot sa leeg at pababa sa braso.
I looked at my stats today.
Distance: 3.67km
Speed: 8.41 kph
Duration: 00:26:18Although I wanted to do two more rounds, the sunbeams were starting to pierce through the leaves of the trees. I woke up at a later time than usual today, past five in the morning.
Sabado ngayon, pero pupunta pa akong palengke para bumili ng mga sangkap sa request ni Kaps (Shield) na pochero sa tanghalian. Magkikita raw silang tatlo nina Kudos at Paris.
Pagpasok sa sala, tinanggal ko ang headband sa noo na proteksiyon para hindi tumulo ang pawis sa mga mata ko. Inalis ko ang earphones at pinatay ang music sa iPod. Saka hinubad ang suot na black dri-fit sando.
Dumiretso ako sa kusina habang pinapalo-palo ang hinubad na sando sa balikat. Sumalubong ang amoy ng pinipritong daing at ingay ng kumukulong mantika.
Nakita ko si ermat na naghihiwa ng kamatis. May naprito na ring itlog at nakahain na sinangag sa lamesa. Naliligo yata si erpat dahil bumubuhos ang gripo sa banyo.
Alas-sais y media sila umaalis ng bahay tuwing Sabado. Si ermat para buksan ang karenderya nina Tita Veron. Si erpat para sa water refilling station. Kapag weekdays naman, alas-kuwatro pa lang, wala na sila sa bahay. Sunday lang nakasarado ang karenderya at water station.
Sa kabilang station ang punta ni erpat ngayon, na dito lang din sa Antipolo. Kalahati na yata ang napapatayo ng mga nagtatrabaho dun at puwede nang buksan next month.
Kay na Risk talaga ang water station, kaso dahil hindi na rin naaasikaso ni Tita Minerva kasi busy sa hospital...pinabayaran niya sa amin paunti-unti—monthly o kung may extra sina ermat panghulog.
Nabayaran na 'yong water station last year. Nakapag-loan yata sina erpat nitong nakaraang buwan at doon nila ginamit ang pundo sa pinapatayong bagong water station.
Kahit na may binabayaraan pa kaming utang—na limang taon na hindi pa namin nababayaran lahat—hindi na ako nagreklamo. It's better to have an extra source of income to pay for our monthly bills, insurance, and daily expenses than nothing.
Looks like I still need to find another sideline besides from my part-time job.
"May lakad ka ngayon?" tanong ni ermat habang nagsasalin ako ng tubig galing sa ref.
Umiling ako't dinikit ang baso sa labi. Tinatlong lagok ko ang tubig.
Tambak ang labahan. Hindi rin nagyaya ng gala si Risk at ang mga kumag kong pinsan. Kailangan kong matapos ang mga gawaing-bahay bago mag-alas-tres ng hapon.
Pinapapunta ako ni M sa apartment nila ng alas-kuwatro. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi naman ako nakatatanggi sa baliw na 'yon.
BINABASA MO ANG
Glimmer in The Dusk (Pereseo Series #2)
Romansa[ Pereseo Series #2 ] Steel Verrill Pereseo