┕━»•» CHAPTER 5 «•«━━━━┙
The moment she introduced herself to me, I remembered why the name Tita Mara mentioned was so familiar.
Ariyah Lindsey Akinley.
Siya 'yong babaeng nag-order ng pagkain para sa mga pusang nadaanan sa kalsada.
Pero hindi niya yata ako nakilala o namukhaan. O baka hindi importante sa kanya ang gabing 'yon para tandaan. Kaya binura ko na lang din sa isipan.
I just noticed that she likes pets. I saw two cats, pure white and one with painted colors of black, orange, and white. I don't know the breed because I only know Siamese and Persian. Other than those cats, there's also a big dog in the garden. I'm not sure how many dogs they have in total because there are two cute puppies playing in the living room.
Wala rin akong ganang magbilang. Gustong mag-isang linya ng mga kilay ko dahil hindi pa rin sumusunod sa amin si Magnet Mace.
Itinuon ko na lang ang atensiyon sa kasama ko dahil mukhang kanina niya pa pinag-aaralan ang reaksiyon ko.
Hindi ako mapakali. Kung dahil baka ano ng kalokohan ang ginagawa ni M sa labas o dahil sa mga titig niya, hindi ko alam.
"What do you want to eat, Ma'am?" tanong ko dahil lumagpas na ang oras para sa almusal. Akala ko pang lunch at dinner lang ang lulutuin. Kaso maaga pa naman para sa tanghalian. Pero puwede na siguro quick brunch recipe.
"Surprise me?" sabi niya at naghila ng upuan. Ipinatong niya ang mga siko sa mahabang lamesa.
Kinagat ko ang labi. Ayan ang mahirap, eh. 'Yong ako ang bahala sa gusto niyang kainin. Wala ba siyang cravings ngayon?
She must have read my thoughts because she suddenly pointed to the two massive refrigerators behind me. "Anything you can cook from the fridge will do. Sorry, I don't even know the names of the dishes that Tita Flora often cooks for me." Nakapangalumbaba siya habang nakatitig pa rin sa akin.
It's like her eyes want to ask something or will make you wonder what she's thinking when you meet her gaze.
"Is it okay with you if I watch you cook?" tanong niya kaya napakurap ako.
Hindi ako nakaimik agad. Seryoso ba siya? Hindi ako kumportable kapag pinapanood akong magluto. Napatunganga lang ako sa kanya pero naghihintay siya ng sagot. Sumasayaw ang makakapal niyang pilikmata sa bawat pagkurap at unti-unting kumukulubot ang tungki ng ilong.
I rubbed my palms together. "Okay, Ma'am..." Dali akong tumalikod para tumikhim.
I simply turned my eyes to every corner of the kitchenwith the Oslo gray and white combination. I think their kitchen is bigger thanthe kitchen of the restaurant I previously worked at. Kumpleto rin sa appliances magmula sa microwave, coffee maker, toaster, at mixer. 'Yong gas stove sa ibang bansa pa yata binili. Mayroon pang water purifier at dish washer.
I think almost all the things I dream of having in our kitchen are here. Kung bahay lang namin 'to, baka sa kusina na ako natutulog.
"Do you have any food allergies?" Hinarap ko siya.
"Any food with shells. Oysters, clams, scallops, abalones, or mussels. Aside from those, I'm good."
Bawal sa kanya ang tahong? Masarap pa naman 'yon.
Tumango lang ako't isinuot ang apron na kanina pa nakahanda. Pagbukas ko ng isang ref, nabusog ang mga mata ko. Dalawang linggo kaming hindi magugutom kung ganito ang laman ng ref namin.
Nahirapan akong mag-isip dahil grocery store na yata ang kusina nila, kaya nagluto na lang ako ng bacon frittata and buttermilk pancakes.
Favorite ni M ang pancakes.
BINABASA MO ANG
Glimmer in The Dusk (Pereseo Series #2)
Romance[ Pereseo Series #2 ] Steel Verrill Pereseo