Chapter 3

1.9K 100 72
                                    

┕━»•» CHAPTER 3 «•«━━━━

PRESENT


"Wait, Lindsey..." I grabbed her wrist. Muntik ko na siyang bitiwan nang maramdaman ang mga peklat niya doon.

She stared at me. Until now, I couldn't read her. I've been dying to know what's in her mind. Kung anong iniisip niya. Kung anong pinaplano niya. Pero wala pa rin akong nakukuha.

I just want an explanation from her. Gusto kong maliwanagan. Gusto kong malaman ang totoo. Ang dami kong tanong. Nadagdagan pa ngayon.

Ayokong magpatuloy na para akong bulag, may nararamdaman pero walang nakikita.

But I didn't hear anything. Siguro hindi ko rin malalaman kung anong ginagawa niya dito. About her bruises and wounds.

And about that gunshot. What was that?

Instead, she held my hand just to pull her wrist from my grip. "Don't follow me."

I felt like I was staring and talking to a gigantic iceberg I couldn't melt. She's just too cold.

Sobrang layo sa kung ano siya... noon.

Agad akong sumunod nang bumaba siya ng sasakyan.

"Kahit konti, wala ka na ba talagang pakialam sa akin?"

As if she didn't hear anything, she continued walking, fast. Pinilit niya talagang maglakad nang diretso kahit paika-ika pa rin makalayo lang sa akin.

"Ang sakit naman niyan, Lindsey!"

She didn't look back. And now... she's almost running just to maintain a vast gap between us.

"Bakit ba ang hilig mong tumakbo?" Ikinuyom ko ang mga kamao.

Words can kill you. But I think that actions can bury you...alive.

"Just for once, stop running." I stopped my tears from falling. "Please..."

I don't chase. I don't beg. It's a waste of time.

Matagal ko na ring ipinangako sa sarili ko na kailangan kong magmatigas. Hinding-hindi na ako lalapit sa kanya.

And I've already accepted her decision back then.

Because if she was the person who had a big impact and caused a vast change in my life, I wasn't that important to her.

You'd never hurt someone you care the most. Intentionally.

Evenif you didn't do it on purpose, you wouldn't leave that person hanging, empty,shattered, and let them question themselves about what they did wrong.

But she did. She left. She ran away without leaving a trace.

Kaya tinanggap ko 'yong tuldok na ibinigay niya. Kasi wala naman akong pagpipilian kahit na ellipsis o comma.

Ayos lang. Kasi baka hindi lang talaga siya kuntento at masaya sa akin. Ilang beses ko nang sinasabi na hinding-hindi ko ipipilit ang sarili ko kahit na kanino. Kahit sa kanya pa.

But why?!

Why am I still lost in the world of 'whys'?

Why, Lindsey?

Huminga akong malalim at pilit isinantabi ang mga bumabagabag sa isipan.

Hindi ito ang oras para balikan at kuwesyunin ang mga nangyari sa nakaraan.

Umuulan. Masama ang timpla ng kalangitan. Basang-basa na kami pareho. May mga sugat siya. At hindi ko alam kung hinahabol pa rin ba kami nung lalaki na nagpaputok ng baril kanina.

Glimmer in The Dusk (Pereseo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon