Paano sisimulan
mga salitang nais mapakinggan
kung sisimulan pa lang,
tila'y labis nang nasasaktan.
Puwede ba na kamay ko muna ang hawakan?
Batid ko sanang ako'y huwag mong saktan at bitawan.
Dahil ito lang ang aking panghahawakan,
Kailan man sa aking puso'y ikaw lang.
Oh, mga salita mong kay tulis ng kustilyo,
puso kong tila'y minartilyo.
Sa dulot nitong hatid,
na sana ay iyong mabatid.
Pagmamahal ko ay huwag sanang sayangin,
Dahil kahit ilang bituin pa ang iyong bilangin,
At sa tingin mo'y ayaw mo na akong kapiling,
Dasal ko lang na ala-ala natin ay huwag mo sanang limutin.
_
July 12, 2022

BINABASA MO ANG
POETRIES (Completed)
PoetryRandom poems from random experiences.💕 #The contents are all original. #Made by the Author #ORIGINAL