Mahal, masaya na ako kahit wala ka.
Na kahit wala ka na,
buhay ko ay pilit ko pa ring pinasisigla.
Pinasisigla na kahit umuulan, iniisip ko pa rin na umaaraw.
Na kahit ang lungkot-lungkot ng mga tao sa paligid, pinipilit ko pa ring maging masaya.
Minsan ba mahal, dumako rin ako sa iyong isipan?
Sa iyong isipan na puro masasayang ala-ala lamang natin ang inaalala?
Na walang halong pangamba at pag-aalala na baka isang araw, masaya na ako kahit wala ka?
Ikaw ba mahal, masaya na ngayon kahit wala ako?
Na kahit wala ako, pinipilit mo pa ring mabuhay at maging masaya?
Paumanhin Mahal, pero masaya na ako kahit wala ka.
Na kahit wala ka na, wala nang tayo,
Hindi ibig sabihin non na ang mundo ko ay sayo pa rin iikot at ito'y hindi hihinto.
BINABASA MO ANG
POETRIES (Completed)
PoetryRandom poems from random experiences.💕 #The contents are all original. #Made by the Author #ORIGINAL
