May kuwento akong ikukuwento,
Sana man lang ay marinig niyo.
Marinig at maintindihan mga salitang matagal na panahon ko nang itinatago.
Itinatago dahil naghihintay lamang ng tamang tiyempo,
upang sa inyo ay masabi ang totoo.
Totoong napapagod na ako,
pagod nang mabuhay ng ganito.
Ganito ba ang gusto niyo?
Na habang kayo ay mahimbing na natutulog sa kwarto,
ako naman itong umiiyak sa isang kanto.
Sa isang kanto,
na puro hikbi ko lamang ang narininig ko.
Ni minsan ba,
nagtanong kayo kung okey lang ako?
Kung kamusta ako?
At kung nakakakain o nakakatulog ba ako ng maayos?
Hindi di ba?
Ano ba ang nagawa ko,
upang tratuhin ninyo ako ng ganito?
Sa pagkakakalam ko kasi,
isang pamilya tayo.
Isang pamilya na nagtutulungan,
hindi nagbabangayan.
Patawad dahil sa mga oras na ito,
Nais ko nang sumuko,
Mabuti pa sigurong ako ay lumayo.
At siguro sa pag-alis ko,
Hindi niyo na makikita kahit anino ko.
-
Hi Guys! How are you all? :)
Kindly vote if nagustuhan niyo :)
And feel free to comment too if you guys liked my new work <3
Thank you for the support <3
(March 08, 2020) <3

BINABASA MO ANG
POETRIES (Completed)
PoetryRandom poems from random experiences.💕 #The contents are all original. #Made by the Author #ORIGINAL