Part Five - His 2nd POV ♥

57 8 0
                                    

NOTE: Before anything else, I wanna say thank you sa mga nagbabasa parin kahit slow yung update ko. :) I wanna say sorry din kasi ngayon lang ako naka update ulit. So yun nga, hehe sa mga NAKABASA na nang story nato from the very beginning, I RECOMMEND YOU TO READ IT AGAIN. Why? Marami kasi akong idinagdag. I Think all of the chappies dinagdagan ko nang mga scenes at mga lines para connected parin sya sa POV ni Liam. Even the description and the Introduction binago ko din. Wala lang, trip ko lang. Hahaha so ayon, sa mga nakabasa lang naman, basahin nyo ulit. Sa mga MAGBABASA palang, go on. Hehehe. Yun lang salamat :))) so ito na ang update.
.
.
.
.
.
Still HIS POV ~

Ang saya ko noong isang araw. Alam nyo ba bakit? Tingnan mo sa multimedia! May picture na kami ng Mahal ko ♥ Sabi ko sa kanya for collection of friends. Nahihiya pa sya nun, ako din naman. Pero kailangan ko ng remembrance na magkasama kami. Kaya ayan. Ganda Gwapo namin diba? ♥

Oo nga pala, back to reality. Start na ng opening of clubs and I choose to join the Theatre Club. Ewan ko din bat ito yung napili ko, may na sesense kasi akong something eh. Hehe

Papunta palang ako sa place nang club para mag audition nang makita ko SIYA. Papunta din sya sa Theatre Club kasama nang bestfriend nya. Sasali din sya sa club? Is this the time for us?

Agad ko syang nginitian, na nagpa lakas naman ng tibok ng puso ko. Ugh nababakla na naman ako. Putspa! Lalapitan ko na sana sya nang mag salita si Pia na nasa likuran nya. Pia is a special friend of mine. Special kasi para ko na syang kapatid slash bestfriend. Alam nya din na gusto ko si Drei, pinapagalitan na nga nya ko dahil dun. Kasi ang torpe torpe ko daw. Tss akala nya ba ang dali? Ugh

"Goodluck Liam!" At nginuso naman nya si Drei na kung saan eh nasa harapan nya at ngumisi, bali katapat ko si Drei tapos nasa likuran sina Pia kasama sina Amber. Nakita kong lumingon si Drei sa kanila kaya nakangiti akong tumingin kay Pia. Kinakabahan kasi ako. Putspa talaga!

"Thanks", sagot ko kay Pia nang nakangiti at tiningnan ulit si Drei with a smile plastered on my face. Umalis ako agad kasi di ko na kinayanan yung nararamdaman kong kaba kasi kaharap ko sya. Bakla alert. Ugh pumasok na ako sa loob ng club. Hinihintay ko sina Drei na pumasok. Bat ba ang tagal nun? Tss may ginawa na naman ba sina Amber? Di ko talaga alam bat naging kasama yan ni Pia eh. Ang sama nang ugali, at sa dami ba naman ng ma bubully nila yung mahal ko pa talaga!

Naknang talaga! Yung nangyari dun sa locker, may ginawa daw sina Amber sabi sakin ni Pia. Ang sarap manapak nang babae nun. Kung alam lang ni Amber kung ilang beses ko na syang sinapak sa isip ko. Ayoko sa lahat yung inaapi ang mahal ko.

Another scene, nung nakita kong naka subsob sa putikan si Shaldrei. Sh*t! Anong nangyari? Tinanong ko sya pero umiling lang sya at saka alanganing ngumiti. Puno nang putik yung katawan nya at may sugat pa sya sa may tuhod nya. Nilingon ko yung bandang kaliwa ko at nakita ko ang grupo nina Amber na tumatawa. Ang bait talaga neto kahit kailan ayaw pang sabihin kong sino may gawa eh. Ugh! Sh*t talaga! Ano bang problema nang Amber na yun? Tinulungan ko agad si Drei, naramdaman ko pa ang ilang boltahe nang kuryente na dumaloy sa kamay ko.

"Tssk. Sa susunod kasi mag iingat ka. Kahit kailan talaga ang lampa mo." Sabi ko sa kanya. Alam ko naman na sina Amber ang may gawa at alam ko din na ayaw niya talagang sabihin na sila ang may gawa. Kilala ko na kasi sya, at kung papatulan ko kasi sina Amber baka di nya magustuhan. Ayaw nya kasi talaga nanggulo kahit inaaway na sya.

Inihatid ko sya sa kanila. Alam ko nang dito sya nakatira, anong silbi nang pagiging admirer ko diba? May pagka stalker din kasi ako minsan. Hehe.

"O-Okay nako Liam. Thanks" alanganin syang ngumiti sakin.

"Are you sure? " paninigurado ko.

"Oo, okay nako. Thank you talaga :)" ayun nakita ko na yung tunay na ngiti nya. Ang cute nya.

Nagpaalam na ako para umalis. I smiled and wave my hand to her.

-

I was busy reminiscing those nang,
.
.
.
.
*blag*

Shet! What happened? Tumingin ako sa harapan ko nang marinig ko yung kalabog, laking gulat ko nalang nang makita ko si Drei na nasa sahig.

"Drei? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Tutulungan ko na sana sya pero agad naman syang tumayo.

"Ah-eh hehe. O-Okay lang di naman masakit eh. Hehe Eh kasi a-acting lang yun, I just tried it if madulas nga ba ang sahig, madulas nga hehe" Ba't ang weird nang mahal ko? Ngumiti sya at agad na umalis at umupo sa may likuran. I still love her even sometimes she's weird, haha I laughed at that thought.

Nag umpisa na ang audition, they will just give us a particular scene, and we will do our part in the stage. Marami rami din yung nag audition.

"Alexander Liam Chen" tawag sa akin kaya tumayo na ako at umakyat nang stage.

"Imagine nawawala yung kapatid mo, at ulilang lubos na kayo. And you asked for a help sa mga pulis, yet they just ignore you. Na para bang walang balak na kumilos at hanapin sya. What would be your reaction?"

Nagsimula na akong mag act. I just go with the flow. LOL

"Kung hindi kayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayun, kailan? Kapatid ko po yung nawawala, hindi ang kung sino lang pong bata. Kaya nagmamakaawa ako. Tulungan nyo po kong mahanap sya", ba't ang drama ng mga pinaggagawa ko? Saka ko pa natanong ang sarili ko nung lumuhod ako bigla at parang naluluha. Ambakla! Amputs!

Natapos na ako kaya bumalik na ako sa upuan ko na nasa unahan.

"Shaldrei Smith", eto na sya. Hehe

"So, Ms. Smith, what if the person you love, loved someone else? I mean you love each other pero nalaman mong may mas mahal pa pala sya. Anong masasabi mo sa kanya?" Tanong nung judge. Tiningnan ko sya at nabigla ako nang makitang nakatingin sya sakin, at bumalik ulit yung tingin nya sa judge. Naghihintay lang ako sa kung ano yung gagawin at sasabihin nya.

"Oo, mahal kita siguro nga mahal mo din ako pero alam kong mas mahal mo sya. Na mas lamang sya jan! Jan sa puso mo! Na sya talaga ang totoong mahal mo at hindi ako." Umiiyak sya sa mga sinasabi nya. Naknang! Bat nyo pinaiyak yung mahal ko?

"Now I will let you go. I know it's hard pero susubukan ko. I just want you to be happy. And if being with her can make you happier then I'm setting you free." Why does I felt this sudden pain on my chest? Why does I felt hurt hearing those from her?

Natapos na sya at bumaba na sya nang tuluyan sa stage.

To be Continued ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Little Thing Called LOVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon