Chapter 2-The Plan

7 0 0
                                    

ISH POV

July 14,2013

Nagkukulitan ang buong clan ngayon. 5 months na ako sa clan na to kaya marami na din akong close. Sa limang buwan ko dito sa clan ay na promote ako bilang co-founder ng clan. May mga Founders and Admins ang clan na to. Si Justin ay isa sa mga founders. May 2 kasi kaming Founder. Si Nikka yung isa. Minsan nga nagseselos ako kay Nikka eh. Pano ba naman kasi sobrang close nila ni Justin. Tas nagkita na rin sila sa personal. Si Nikka at Justin ang pinaka matagal na dito sa clan kaya ganun din siguro sila ka close. Ugh!!!!! Anong laban ko kay Nikka? Nagkita na sila ni Justin tas kami hindi pa. Founder pa siya. Huhu T.T

Nang dahil sa mga iniisip ko, nag gm ako sa clan.

"Yung masakit? Yung hindi ka gusto ng taong gusto mo T.T"

Hindi ko alam kung bakit ko yan giniem eh hindi naman yan related sa kpop. Siguro para na rin makapag papansin kay Justin. At infairness napansin nga niya ako. Nag reply siya sa text ko.

Justin:
"Bakit kisses? Sino nagpapaiyak sayo susuntukin ko!"

Gustong gusto ko siyang replyan ng 'Ikaw kaya! Suntukin mo sarili mo! Bakit ba hindi mo makita na gusto kita?' Pero syempre hindi yun ang nireply ko.

Ako:
"Haha wala yun hershey. Yung crush ko lang yun. Hindi kasi ako crush ng crush ko."

Justin:
"Tanga yang crush mo."

Nagulat ako sa reply ni Justin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang dahilan. Ayaw niyang tumigil sa pag tibok ng mabilis. Anong ibig sabihin niya dun? Shocks! Ano bang dapat kong ireply sa kanya? "Tanga ka eh!" No no no! Hindi ko pwedeng ireply yun. Sa totoo lang ayoko talagang malaman niya na gusto ko siya. Baka kasi mag bago ang lahat at bigla niya kong iwasan. Sa tingin ko naman hindi siya nakakahalata eh. Manhid kasi siya.

Ako:
"Oo nga tanga siya. Tanga siya kasi manhid siya.

Hindi niya na ko nireplyan. Ganito si Justin. Biglang susulpot tapos biglang mawawala.

Binitawan ko muna ang cellphone ko at humiga sa kama. Huminga ako ng malalim habang naka tingin sa kisame. Ano kayang ibig sabihin ni Justin dun? "Tanga yang crush mo." Ayokong mag assume dahil alam kong sa huli masasaktan lang ako. Pero hindi mawala sa isip ko ang text na yun.

Habang nakatitig lang ako sa kisame biglang tumunog ang cellphone ko. Tunog ng may nag text.

*Beep*

Kinapa kapa ko sa gilid ko ang cellphone at nakatingin padin sa kisame. Binasa ko yung text at mula yun kay Miko.

Si Miko ang bestfriend ko sa clan. Alam niya din kung ano ang nararamdaman ko kay Justin.

Si Miko Villanueva. Kabaligtaran siya ni Justin. Isang maarte, mayabang, suplado, at walang ka humble humble sa katawan na tao si Miko. Oo ganyan siyang tao. Pero mabait yan. Suplado lang naman siya pag ayaw niya ang isang tao. Siya ang lagi kong hinihingan ng advice pag dating kay Justin.

Miko:
"Ano nanamang arte yan? Ako lang dapat ang maarte dito care bear! Haha."

(Care bear ang CS namin ni Miko)

Napa ngiti ako sa text niya. Alam alam talaga ni Miko kung pano ako mapapangiti.

Ako:
"Nyenye~ Hindi kaya ako umaarte! Nag gm lang naman ako nun dahil gusto kong malaman kung mag rere-act si Hershey eh."

Miko:
"Pinansin niya ba naman ang Gm mo? Hula ko dedma no? Haha."

Ako:
"Ang mean mo talaga! Pero sorry ka napansin niya! *Belat*"

Miko:
"Oh? Naks! Congrats! Haha. Ano namang sabi?"

Ako:
"Tss. Sabi niya tanga daw yung crush ko."

Miko:
"Haha. Totoo naman eh. Ang tanga niya! At ang tanga mo rin! Parehas kayo."

Ako:
"Haynako. Lagi mo nalang sinasabing tanga ako! Pero ano sa tingin mo care bear? Bat niya kaya sinabi yun? Sa tingin mo ba gusto na rin niya ako? Alam niya na kayang gusto ko siya?!"

Miko:
"Kawawang care bear. Sa tingin ko? Hmmm. PINAPAASA KA LANG NIYA."

Ako:
"Grabe ka!!! Pano mo naman nasabi na pinapaasa niya lang ako? At naka capslock kapa ah!"

Miko:
"Haha casplock para intense! Lol. Pero sa totoo lang care bear, sa tingin ko alam na ni Justin na gusto mo siya. Lalaki ako kaya alam ko kung ano ang nararamdaman niya. Yung sweetness na pinapakita niya sayo sa tingin ko totoo yun. At torpe lang siya. At dahil nga torpe siya, pinapaasa ka lang niya. Gets?"

Ako:
"Ang obvious ko ba para mahalata niyang gusto ko siya? Tsaka kung alam niyang gusto ko siya at siya yung tinutukoy ko sa gm, bakit niya sasabihing 'tanga yang crush mo'? Feeling ko hindi niya pa alam. At nagseselos siya sa crush ko. Kyaaah! Sana ganun nga! :""") Hahaha."

Miko:
"Kaya ka nasasaktan eh. Sige mag assume ka pa! Sinabi niya yun kasi alam niya sa sarili niyang tanga siya. Tanga siya kasi torpe siya! Tanga siya kasi pinapaasa ka niya! At tanga siya kasi sinasaktan ka niya! Yan ang sa tingin kong dahilan kung bakit niya yun sinabi. At OO ang obvious mo!"

Bigla akong napatayo sa kama habang binabasa ko ang text ni Miko. Totoo ang mga sinabi ni Miko. Masyado kasi akong assuming kaya ako nasasaktan. Pero sht! Alam na ni Justin! Bigla akong nag panick at agad na nagreply sa text ni Miko.

Ako:
"Whaaa! Hindi ko ata kakayanin pag nalaman niya! Shocks! Anong gagawin ko care bear! Hindi niya dapat malaman!"

Miko:
"Huh?! Ano ba talagang gusto mong mangyari? Nung una ang sabi mo ang manhid niya. Tas ngayong alam niya ng gusto mo siya at hindi na siya manhid, gusto mo namang wag niyang malaman! Ano ba talaga!? Sumasakit ulo ko sayo care bear!"

Ako:
"Oo nga naiinis ako kasi ang manhid niya. Pero hindi pa tamang oras para malaman niya. Ayokong layuan niya ako. Tulungan mo ko care bear. Tulungan mo kong mapaniwala si Justin na hindi ko siya gusto kung alam man niya na."

Miko:
"Ha? Pano naman kita matutulungan? Ang arte mo talaga! Dinadamay mo pa ko sa mga kabaliwan mo eh! Bakit hindi ka nalang kay Zoey magpatulong?"

Oo nga pala si Zoey ang isa kong pang bestfriend sa clan. Unlike Miko, close siya kay Justin dahil kuya-kuyahan niya to.

Ako:
"Busy si Zoey ngayon eh. Nagrereview siya for exam. Tulungan mo na ko care bear. Please? :(("

Paawang reply ko kay Miko. Haha. Alam ko namang hindi niya ko matatanggihan eh.

Miko:
"Fine! So what's your plan?"

Ako:
"Hmm let me think."

Miko:
"I hate waiting!"

Ako:
"Ang arte mo talaga!! Ah! Nakaisip na ko!"

Miko:
"Ganun talaga pag gwapo. Haha. So ano ng naisip mo?"

Ako:
"Can you be humble even just for today? Nakakaumay ka eh!"

Miko:
"Ganun? Okey. I wont help you anymore. Bye~"

Ako:
"Ayyyy! Hahaha joke lang care bear! Ito naman hindi mabiro! Haha ikaw kaya ang pinaka gwapo kong bestfriend!"

Miko:
"Jokes are half meant. But okey. Thanks. So ano na yung naisip mo? Ang tagal!"

Ako:
"Ito na po! Papalabasin ko sa clan na ikaw yung crush ko. Iggm ko. Tutal alam naman nila kung gano tayo ka close hindi ba?"

Miko:
"Ehhh? Seryoso ka ba diyan?"

Ako:
"Oo naman! Yan lang naisip kong mabisang dahilan care bear. Kaya please tulungan mo na ko ah? ^^"

Miko:
"Hays. Gusto mo lang atang iprovoke si Justin eh. Gusto mong malaman kung gusto ka niya talaga no? Pagseselosin mo siya. Care bear lalo mo lang gagawing complicated ang lahat."

Ako:
"Oo tama ka. Gagawin ko to para iprovoke siya! Ito lang ang alam kong paraan care bear. Wag ka ng kumontra. Please? Sakyan mo nalang plano ko. *Puppy eyes*"

Miko:
"Fine fine! Pero hindi ko kasalanan kung mahulog ka saakin ha?"

END OF CHAPTER 2.

Never almost had youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon