ISH POVMiko:
"Fine fine! Pero hindi ko kasalanan kung mahulog ka saakin ha?"Hindi mawala sa isip ko ang huling reply saakin ni Miko. After ng text niyang yun hindi ko na siya nireplyan.
Itutuloy ko pa ba ang plano? Ugh! Si Miko kasi eh! Ginugulo ang utak ko! Pero kailangan kong malaman ang nararamdaman ni Justin! Okay! Itutuloy ko na! Its all or nothing!
July 14,2013 (6:00 pm)
Nag gm na ako sa clan.
"Guys, may confession ako. Sa totoo lang nandito sa clan yung crush ko.
Clue: Isa siyang Maarte/Dancer/Mayabang.
Kilala niyo na ba?
-Ish"
Si Miko ay isa ring dancer katulad ni Justin.
After kong mag gm ay iniwan ko muna ang cellphone ko sa kwarto at nag cr muna. Pagka balik ko, may 38 unread messages na ko. Gash! Ganun sila ka curious kung sino yung crush ko? Sabagay macu-curious talaga sila dahil ang lalaki sa clan namin ay 5 lang.
Nagulat ako ng mabasa ko kung sino ang unang nag text saakin. Sht! Si Justin!!! Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang ayaw kong buksan ang text niya saakin! Hinga ng malalim Ish! At binuksan ko na.
Justin:
"Si Miko?"Ako:
"Pano mo naman nasabing si Miko?"Justin:
"Eh maarte eh."Haha tama siya. Pag maarte alam na talaga nilang si Miko. Sobrang arte kasi talaga nun. Haha.
Ako:
"Oo si Miko nga."Justin:
"Bakit si Miko?"Sa reply ni Justin na yun ay bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko! Nagwawala na ito!
Ako:
"Bakit? Dapat ba hindi si Miko?"Justin:
"Hindi naman. Kung gusto mo talaga siya okey na sakin."Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Suko na agad?
Ako:
"Sa tingin mo dapat ko ba siyang gustuhin?"Justin:
"Sa tingin ko? Hindi."Ako:
"Bakit?"Justin:
"Ano ba kasing nagustuhan mo dun kisses? Ang arte niya. Ang yabang. At higit sa lahat walang ka humble humble sa katawan."Haha natawa ako sa reply ni Justin. Totoo kasi ang lahat ng sinabi niya.
Ako:
"Alam ko. Gusto ko kasi yung mga lalaking Bad boy type eh."Justin:
"Ah. Sige bahala ka kisses. Ikaw naman ang gugusto sa kanya hindi ako eh. Haha."End of conversation. Hindi ko na nireplyan si Justin.
Binasa ko yung ibang messages saakin.
Shane:
"Si Justin?"Ako:
"Nope."
-
Zoey:
"Baves anong nangyari? Si Miko na gusto mo ngayon?!Ako:
"Mahabang kwento. Kwento ko nalang sayo pag tumawag ka."
-
Nikka:
"Si Justin?"Ako:
"Aneoh."(Aneoh=No)
-
Miko:
"Hoy hindi ako mayabang no!"Ako:
"Haha dinagdag ko lang yan. Thankyou care bear. Success ang plano.Miko:
"Oh? Eh bakit parang hindi ka masaya?"Ako:
"Eh kasi parang hindi naman niya ko gusto eh."Miko:
"Bakit? Ano bang nangyari?"Ako:
"Boto siya sayo para sakin."Miko:
"Aw. Haha. Oh edi sakin ka nalang. Hahaha."Lumaki ang mata ko sa reply saakin ni Miko!
Ako:
"Haynako care bear wag mo nga akong pag tripan!"Miko:
"Hahaha aw. Basted agad. Haha."Ako:
"Bahala ka na nga diyan. Wala na ko sa mood. Mamaya nalang tayo mag-usap."Hindi na nagreply ulit si Miko. Ganito kami ni Miko lagi. Hindi kami masyadong nag-uusap pag umaga. Pag dating ng 10:00 pm ng gabi hanggang madaling araw dun kami nag-uusap. Nocturnal kaming tao. Haha. Si Justin naman laging maaga natutulog.
July 17,2013
3 days na ang nakakalipas simula ng confession ko sa clan. 3 days ko na ring hindi nakakatext si Justin. Para kasing iniiwasan niya kong kausapin. Laging cold ang mga reply niya sakin pag tinitext ko siya. Ito na ata ang sinasabi ni Miko na magiging complicated lang ang lahat. Hayy.
Nasa school ako ngayon at nakatunganga habang nagtuturo ang prof namin. Favorite ko ang subject na personality development pero ngayon parang tinatamad akong makinig. Whaa! Si Justin kasi hindi ako tinitext eh!! :((( Habang nakapalumbaba ako at pinapaikot-ikot sa daliri ko ang aking ballpen, biglanv nag vibrate ang phone ko. May nagtext!! Palihim kong binasa kung sino ang nagtext.
Justin:
"Kamusta guys? Buti nalang volleyball ang P.E namin. Makikita ko nanaman si Ateng maganda sa kabilang section Haha. Ingat kayo guys :)-Justin"
Nag gm si Justin. At ang sakit ng gm niya. Nagseselos ako. Kasalanan ko naman to eh. Pinagseselos ko siya pero bakit parang baliktad ang nangyayari? Whaa! Gusto ko ng umuwi!! Biglang nag vibrate nanaman ang phone ko.
Elle:
"Ish! Tignan mo yang hershey mo ang manhid! Kukutusan ko yan ng maalog ang ulo eh! Okey ka lang ba?"Si Elle. Isa rin siya sa mga nakakaalam ng tungkol kay Justin. Sobrang maaalahanin niyan. Lagi niya kong binibigyan ng advice at kino-comfort pag dating kay Justin.
Ako:
"Haha matagal ng manhid yan Elle. Sanay na ko. Haha. Oo naman okey lang ako no!"Pero ang totoo hindi ako okey. Gusto ko ng umuwi. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at dito ako umiyak. Nakakainis! Bakit kasi napaka iyakin ko!
Elle:
"Alam kong hindi ka okey no! Hays! Sabi ko kasi sayo mag hanap ka nalang ng iba eh! Walang mangyayari sayo kung aasa ka ng aasa diyan kay Justin! Masasaktan ka lang. Sige later na tayo mag-usap. Nandito na prof namin. Wag kang iiyak ah!!!"Bigla akong napangiti sa text ni Elle. Kung kaya ko lang na pigilan ang nararamdaman ko kay Justin matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi ko kaya. Gustong gusto ko talaga siya. Siguro nga hindi talaga ako gusto ni Justin. At umaasa lang ako sa wala.
END OF CHAPTER 3.

BINABASA MO ANG
Never almost had you
Roman pour AdolescentsA story about a girl whose inlove with someone who cant love her back. A One sided love story.