Chapter 1-From the start

12 0 0
                                    

ISH POV

July 13,2013

Sumali ako sa isang Kpop clan upang magkaroon ng instant friends. Im a kpop fan since 2009. I love Kpop. I love Korea. I love Hangul. I love Seoul. I love SS501 and Bigbang. I love everything in Kpop. Sa madaling salita, KPOP IS MY LIFE.

Yep. At dahil sa Kpop nakilala ko si Justin. Ang lalaking hindi ko inakalang magugustuhan ko. Bakit? Dahil isa siyang suplado, nakakawalang gana katext, at higit sa lahat BORING NA TAO. Pero lahat ng yan ay maling akala ko lang. Hindi mo pala talaga dapat husgahan ang isang tao kung hindi mo pa siya kilala ng lubusan. Nag bago ang paningin ko sa kanya ng maging close kami. Mabait pala siya, Masayang kausap at higit sa lahat, may Sense na tao. May sense siya kausap hindi tulad ng iba. Sobrang understanding niya. Pag hindi mo maintindihan ang sarili mo, siya ang iintindi sayo. May mga oras na hindi ko siya maintindihan. Mabilis kasing mag bago ang mood niya. Minsan masaya siya tas biglang magiging cold. Siguro nga may mga bagay pa kasi akong hindi alam sa kanya.

So heto ako ngayon nakahiga sa kama habang nakatapat sa aking mukha ang aking cellphone. Ganito lang ang gawain ko pag walang pasok at walang ginagawa. Masaya na ko sa ganito basta nandiyan ang aking cellphone. Sabi nga ng tita ko, ang buhay ko daw ay nasa cellphone na. Siguro dahil napapansin niya ang kabaliwan ko pag nakatutok sa cellphone ko. Minsan kasi nahuli niya kong tumatawa ng malakas habang nag tetext. Hindi siya actually'ng nakakatawa pero tumatawa ako ng malakas. Bakit? Dahil ka text ko si Justin. Pagka text ko si Justin, feeling ko nasa ibang mundo na ako. Nag-uusap kasi kami nun about sa kpop group na ico-cover nila. Isang dancer si Justin. Nagco-cover sila ng mga Kpop groups. Portrayer kum baga.

Ako: Anong Kpop group ba icocover niyo?
Siya: Nu'est sana eh. Kabisado ko na kasi ang steps ng 'Yobeoseyo'.
Ako: Oh? Edi yun nalang. Pero feeling ko bagay din sayo ang sayaw ng Exo. Hihi ^^
Siya: Haha hindi ako Exo stan pano ba yan?
Ako: Bakit naman? Ayaw mo ba sa Exo?
Siya: Hindi naman sa ayaw. Hindi lang nila ako Fan. Haha
Ako: Ah. Pero sana talaga makita kitang sinasayaw ang mga songs nila.
Siya: Haha malay mo minsan mag cover ako.
Ako: Sige ipag p-pray ko yan. Haha

End of conversation.

Oh di ba wala namang nakakatawa? Tumatawa lang naman ako dahil kinikilig ako pag kausap ko si Justin. Ang saya saya ko lagi pagnakakatext ko siya. Hindi buo ang araw ko pag hindi ko nababasa ang pangalan niya sa inbox ko. Ganyan ko siya ka gusto. Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Yung totoo hindi ko rin alam. Bigla ko nalang naramdaman na parang nagkakagusto na ko sa kanya. Nung una 'crush' palang. Hindi nag tagal ay naging 'like' na. Ano kayang mangyayari pag naging 'love' na?

Okey tama na ang pagbabalik tanaw. So heto nga. Katext ko ngayon si Justin. Sabado kasi kaya nakatutok nanaman ako sa cellphone ko.

Nag gm ako sa clan ng mga callsigns:

"Guys, CS tayo ^^ Pm niyo sakin kung anong gusto niyo."

-Hershey/Kisses
-Puff
-Hetty/Twirly
-Lolo/Lola
-Munch
-Etc...

Ang unang nagreply saakin ay su Justin. Kyaaah! So kilig!!!!

Justin: Haha gusto ko hershey and kisses.
Ako: Sige. Ikaw si Hershey tas ako si Kisses ^^
Siya: Haha sige Kisses. Chocolate tayo. Haha.
Ako: Sweet nga eh. Haha

Ganito kami lagi. Sweet sa isa't-isa pero friends lang. Flirting. Pero kahit ganun lang kami masaya padin ako. Basta makausap ko kang siya masaya na ako. Ganun naman talaga ata eh pag gusto mo ang isang tao. Tatanggapin mo ang lahat kahit maging kaibigan ka lang. At least nasa friends content ka, hindi sa stranger. Yun nga lang FRIENDZONED.

END OF CHAPTER 1.

Never almost had youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon