Chapter 3

17 1 0
                                    

Yixie

Monday na. Earphones in.

Habang nag lalakad ako papunta sa room namin and daming mga babaeng nagsisitabukhan papunta sa Inner court. Ano kayang meron? Pssh as if I care.

Nakarating na din ako sa room namin nasa 3rd floor! Hays sakit ng mga paa ko kakalakad sa hagdan, wala kasing elevator dito eh. Haha djk masyado nang sosyal pero dapat naman talaga diba kasi private toh? Haha nevermind.

Dumating na ang Prof namin. Tinawag niya yung new classmate daw namin, pero di pa pala dumating.

30mins later.

Nag klase at nag klase lang si sir ng may nagbukas ng pinto na napakalas. Grabe di man lang siya rumespeto kita niyang nag kaklase na tsaka late pa talaga! Urghh! Di ko talaga gusto ang mga taong walang respeto!

"Mr. Caden Thompson!! Wala ka bang respeto ha?!! Late ka na nga tapos padabog ka pang mag bukas ng pinto!! Ganyan ka ba talaga!?" pagalit na sabi ng prof namen. Pumunta lang siya (Si Caden) sa hulihan niyang upuan tapos di pinansin ang prof namen. Parang cool lang siya, ano ba naman klaseng tao to?!

"Pssh." Yun lang sinabi niya. Tapos umupo na siya at what the-?! Siya lang nakagawa niyan dito! First time!! Umupo lang naman siya na nakapatong ang mga paa sa table tapos yung dalawang kamay nasa likod ng ulo niya. Grabe ang kapal ng pagmumukha! Di nalang siya pinansin ng Prof namen at nagpatuloy na siya sa pag kaklase. Hays di ko na nga lang siya papansinin ma ha-highblood lang ako!

@School Canteen

Nandito kami ngayon kumakain ng tanghalian ng dalawang bestie ko! Sana kase naging kaklase ko nalang sila eh.

"Sissy, ba't parang bad mood ka ata ngayon?" Sabi ni Teresa na sabay inom sa coke niya.

"Ewan ko ba basta naiinis ako sa bago kong classmate! Masyadong makapal ang pagmumukha!!" paliwanag ko.

"Sino ba yun Sissy?" Sabi ni Janez.

"Si Thompson daw? Ay ewan basta yun na yun." biglang nagtitinginan si Janez at Teresa. Tsaka nag titilian para bang may nakitang gwapo! Sus talaga tong dalawang toh!

"Waaaaaah! Sissy classmate mo si Caden Thompson?!! In what subject?!"

"Omg!" Grabe ha sabay-sabay pa sila nagsasalita!

"Eh ano naman kung classmate ko siya?! Nakakainis lang yun kung nakita niyo lang pinaggagawa niya sa room kanina! Tsaka Math subject ata?"

"Sayang Sissy di naten classmate si Baby Caden pero okay lang baka sa ibang subject o diba sa course naten?! Tska classmate naman naten mga katropa niya kaya pwede na rin. Haha" sabi Teresa kay Janez. Mga loka loka talaga tong dalawang to. Pero mahal ko sila.

"Oo nga sissy huhu. Tapos-" naputol ang sinabi ni Janez tapos biglang lumaki yung mata at pinaghahampas si Teresa. Ano ba naman yan?

"OMG! OMG! OMG! SISSY YIX!! TINGIN KA SALIKURAN MO MAY MGA NAG GAGWAPOHANG LALAKE!!! OMG! OMG! SI BABY CADEN SISSY TERESA!!" grabe ang lakas ng boses niya! Ay di pala sumisigaw na siya! Basta talaga mga gwapong lalake yung mga mata nito! Parang Matanglawin! Hahahaha!

"OO NGA!! OMG! BRAYDEN BABY!!!" sigaw naman ni Teresa haha natatawa ako sakanila!

Tumingin ako sa likod ko tapos- woah! San ba sila nanggagaling? Sa ibang planeta ba?! Ang gagwapo parang One Direction lang! Tsaka wait, ba't kasama nila si kapal?! Pssh biglang pumanget ang paningin ko nang nakita ko si kapal. Ba't pa kasi napasali siya dun. Bigla akong humarap sa mga Sissies ko na nagtitilian. Kainin ko na lang 'tong lunch ko. Nang biglang dumilim.

Gabi na ba? Ba't ang dali lang naman? Ganyan naba ako kabagal kumain? Umuulan ba?! Pagtingin ko sa kanila ng mga Sissies ko nabigla ako nang pinalibutan kami ng mga naggagwa- ay este ng mga gunggong pala. Anong ginagawa nila dito?!! Waaah bata pa ako! Wag muna! Marami pa akong pangarap sa buhay ko!! Ay ano ba tong pinagsasabi ko.

"This is our table." Sabi nung blue ang mga mata. Sinabi niya ng pa cool lang. Wow ang ganda ng mga mata niya! Nakaka-inlove pero what?! Table nila ito?! Since when?!!! Ba't di ako na-inform?! E di sana di nalang kami umupo dito! Pffft!

Nakita kong inayos na ng mga sisies ko ang mga gamit nila at kinuha yung mga pinagkakainan nila.

"Sis!! Hali ka na!!! Ano pang tinititig titig mo dyan?!" Sabi ni Teresa na pabulong na pasigaw. Aba di to pwede nuh! Kami na una dito!

"Hoy kayong-" binilang ko muna sila one, two, three, four, five. "Kayong lima!!! Kailan pa kayo nag kakaroon ng table dito?!! Tsaka sino kayo ha?!" Sabi ko ng sabay tayo tapos tinuturo sila! Ang yayabang para lang sa table! Madami namang bakante dyan!

"Don't you know who we are, huh?!" Sabi nung matangos ang ilong. Gwapo din parang si Justin Bieber lang pero gunggong pa rin. Silang lahat!

"Hindi! Sino ba kayo?!! At kailangan ko ba talagang malaman yan?!" Di ko alam na lahat pala ng mga tao dito sa school canteen nakatingin na samen. Omg! This is soooo embarrassing! Urghh! Dahil to sa mga gunggong nato eh!! Sana di ko nalang pinatulan pa! Nasisira na image ko dito!! Kung pwede lang mag teleport ako at pupunta sa ibang lugar ginawa ko na! Aiisssh!

"Sissy hali ka na kasi!" Sabi ni Janez.

Bigla akong tumakbo papalayo sakanila! Nakakahiya!! Sino ba kasi yung mga gunggong na yun?!

"Sissy hintayin mo kami!" Sigaw ng nga sissies ko! Pero di ko sila pinakinggan susundan rin naman nila ako eh.

Huminto ako sa sa likuran ng gym namen. Di na pala ako nasundan ng mga sissies ko, siguro masyado lang akong mabilis. Nakakahiya na nakakainis tong araw nato! Sobra!! >_< Hays maka-uwi na nga lang ako! Half day lang naman kami eh. Mag spa-spazz nalang ako sa mga husbands ko, baka may marami nang nangyayari.

@House

Nanuod lang ako ng EXO NEXT DOOR ep 7 w/out Eng sub! Eh pano ba naman yung Line di nilagyan ng Eng sub, Chinese lang! Nakakaiyak na nakakasakit sa mata! Kala ko ba di ako ma ha-highblood dito! Hays maka Facebook na nga lang.

Woah, ang daming nag add saken! First time to ah? At andaming notifs, ano kayang meron?! Tinignan ko isa-isa yung mga nang-aadd sakin. Psssh di ko naman sila mga kilala at konti lang mutual friends yung iba nga walang mutual kaya ignore lang. Nang-aadd lang kasi ako pag maraming mutual at kung kakilala ko. Tiningnan ko rin ang mga notifs may nag tag saken ng video at what the hell?!! Ay sorry djk, sorry sa bad word guys. Yung video ko toh kanina ah?!! Waaaaaaah! Nakakahiya!! Isa-isa kong binasa yung mga comments at--

"Wow! Grabe lakas ng loob makipaglaban sa mga nag gagwapong lalake ah?! Pssh!"

"Kapal ng mukha!"

"Di man lang siya nahiya?!"

"Kala ko ba mabait yan? Patago lang pala yung totoong attitude!"

"How dare she yell at our boyfriends!? Ahihihi 'boyfriends'"

"What a bitch! Kala ko pa naman mabait!"

Waaaaah! Nakakainis ganyan ba sila kadali mag judge ng isang tao?! Di ko naman kasi talaga alam kung sino sila at table pala nila yun eh! Tsaka ano daw?!! Boyfriend nila yun? Pinatulan talaga nila yung mga gunggong na yun? Na puro lang mayayabang!? Grabe iba na talaga ngayon! Di na nila tinitingnan ang attitude, ang mahalaga sakanila gwapo kahit panget ang attitude okay na!

Urghh! Lagot talaga ako nito sa school tomorrow! Siguro puro pang babash lang sila sakin bukas!! Ay dibale meron naman yung mga sissies ko eh. I'll just ignore them nalang. THINK POSITIVE YIXIE!!! YOU CAN DO THIS!! AJA! HWAITING!!!!

Another WorldWhere stories live. Discover now