Chapter 4

9 0 0
                                    

Yixie.

"Sissies! Huehue.. Pano na 'to? Anong gagawin ko?! Naman eh! Sira na image kooo!" Shemay naman kasi eh. Ano bang problema nila ha?! Pinaglaban ko lang naman yung table namin kahapon eh.

Binunot ko nalang yung mga damo dito. Nasa may garden kasi kami ng Sissies ko. Pinaguusapan namin ngayon yung tungkol sa nangyari kahapon at kung pa'no ko malilinis yung image ko.

Yung mga gunggung na 'yon kasi eh! Aish. Ng dahil sa kanila, nasisira na image ko!

"Ikaw naman kasi Sissy. Sabi naman namin sayo 'wag mo na silang patulan diba? Ayan tuloy." Saad ni Janez. Aba! Sinisi pa 'ko eh, yung mga gunggung nga yung dapat sisihin dito eh.

"Oo nga sissy. Pinatulan mo pa kasi eh, alam mo namang ang gagwapo nung mga papable na 'yon." Sabi naman ni Teresa na parang nagd-daydream pa. Tsk.

"Anong konek ng pagiging gwapo nila, aber?" Tanong ko habang nakataas yung isa kong kilay.

"Madaming fangirls, malamang!" At sabay pa talaga sila. Pwe, showering!

"Yak. Guys, naligo na ako. Di ko na kailangan ng shower." Nagpeace sign lang sila sakin. Tss, pasalamat sila't magkaibigan kami.

"So, anyway highway.. Kasalanan talaga 'to nung mga transferee na yun eh. Kung di dahil sa kanila, di masisira ang image ko. At di rin ako pagtsitsismisan! Argh." Binunot ko ulit yung mga damo. Haaay. Dear damo, pasensya na't ikaw ang napagbabalingan ng inis ko ah. Huehue. Lamyu.

"OMG!"

"Oh, ano nanaman ba?! Ba't sabay nanaman kayo?!" Yung totoo? Anong meron ngayon at parang sabay sila sa lahat ng sasabihin nila?

"I am shocked by this new information!" Sabi ni Janez at hinawakan pa talaga ang dibdib niya na parang gulat na gulat talaga.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"SISSY?! IKAW BA YAN HA?! OMG. ANONG GINAWA NG EXO AT BTS SAYO?! KAILAN KA PA NATUTONG PAKIALAMAN 'YANG IMAGE MO?! KAILAN KA PA NAGKAROON NG CARE SA MGA NANGYAYARI SA PALIGID MO?!? SABIHIN MO SAKIN! BAKIT GANON!? SINABON KO NAMAN. AYAW KUMINIIIS!" Tae. Anong nangyari kay Teresa? Binatukan ko nga. Kulang nalang magwalling na siya eh.

"Aruy naman, bh3. Masaket ha." Yan ang napapala ng puro kalokohan lang. Tsk.

"Sissy. Tama naman kasi si Teresa eh. Wala ka namang pakialam sa image mo noon diba? Wala ka ring pakialam sa mga tsismis tungkol sayo. Teka nga, ikaw ba talaga yan? ASAN NA SI YIXIE HA?! ILABAS MO SIYA!! ALIEN KA BA HA?! KAANO ANO MO SI KIM TAEHYUNG? IKISS MO NGA SIYA PARA SAKIN. PLEASE. HIHI." Binatukan ko na rin si Janez. Isa pa 'to eh.

Pero may point nga naman siya. Hays, ano bang nagyayari sakin? Yung mga gunggung kasi eh. Tsk.

"Leche kayo. Wag niyo ngang isali yang pagfafangirl niyo dito. Mamaya na yan. Pero, sabagay. May point nga naman kayo. Hayaan ko nalang sila. Ge, alis na 'ko may klase pa 'ko. Bye sissies. Mwa!" Tumayo nako at nagpagpag ng damit. Nang paalis na ako, hinawakan ni Teresa ang kamay ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako ng maigi sabay sabing..

"Hindi ang mga papable na yun ang may kasalanan. Yung table. YUNG TABLE ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NASISIRA ANG IMAGE MO. KUNG DI DAHIL DUN, DI MO SANA SILA PINATULAN. I BLAME THE TABLE."

/facepalm/

A/N:
Late update. Hue. :(

Another WorldWhere stories live. Discover now