Chapter 9

13 1 0
                                    

Caden.

Tsk. Makauwi na nga lang. Wala akong mapapala dito eh. Yung mga gunggung may kanya kanyang ginagawa, yung panget na yun naman, ewan. Umuwi na agad kanina eh. Magspa-spazz pa daw siya. Spazz?

Ano ba yun?

Tss. Paki ko? Tsaka wala rin siyang kwentang kausap. Peste. Di niya rin daw alam kung bakit ayaw niyang sabihin sa Foster na yun na nakaapartment na lang siya eh.

Aish. Ewan. Ay teka, di ko pa nga rin pala alam yung pangalan niya. Pero yung narinig ko kay Foster parang 'Yix' yata. Ay ewan. Bat ko naman aalamin pangalan nun? Sus.

Tsaka yung babaeng yun naman kung maka 'Fossy', ang landi pakinggan. Yung Foster naman, halatang kinikilig nung pinisil nung panget na yunyung pisngi niya. Ang bakla lang. Halatang halata ngang gusto niya si panget eh.

Noon ko pa yun napapansin. Sa klase namin laging nagpapapansin. KSP! Tss.

Aish. Bakit ko ba 'to iniisip? Hays.

Nasa harap na pala ako ng apartment namin ng di ko namamalayan. Kinuha ko nalang yung susi at ipinasok sa door knob. Pero, teka.. Bakit bukas na 'to? Di ko pa nga naiikot yung susi. Shit. Napasukan yata kami.

Binukas ko ng padabog yung pinto at inikot yung tingin ko sa boung apartment.

"HOY! MAY TAO BA DYAN?!" Sigaw ko. Pumunta naman ako sa kusina, walang tao. Kumuha nalang ako ng kutsilyo, in case of emergency.

Doon naman sa second floor at tiningnan ko yung mga kwarto, wala rin. Pumunta nalang ako sa may CR at idinikit yung tenga ko sa pinto para pakinggan kung may tao sa loob. Wala naman akong narinig pero binuksan ko pa rin.

Pero, takte. Ayaw bumukas. May nakapasok nga yata talaga. Taena.
Ginamit ko yung kutsilyo at kinalikot yung door knob. Ayaw parin. Gigibain ko nalang 'to.

Nang magiba ko na ang door knob, bumukas na ito.

At dahil sa nakita ko, dali dali akong pumasok at lumuhod para macheck ko kung buhay pa ba siya.

"Sht. Hoy. Gumising ka!" Tinapik tapik ko yung mukha niya at pilit na itinatayo siya.

Nagulat naman ako nung niyakap niya ako bigla at umiyak siya. Niyakap ko nalang siya pabalik at hinagod yung likod niya.

"Shh.. Okay na. Okay na." Taena, hindi ako sanay sa mga ganito eh.

"*sob* bakit kasi ngayon ka lang dumating? Dalawang oras na kaya akong nalock dito. *sob*"

"Magpasalamat ka nalang kaya't dumating na ako at nabuksan ko agad." Lalo lang siyang umiyak. Sht, she looks so fragile.

"Na..natakot kasi ako. Ayoko ng..ayoko ng maulit ang nangyari noon." Sabi niya at kumalas na sa yakap. Tumayo na rin siya at pinunasan yung luha niya. Tumayo na rin ako.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Ah nako. Wala yun. Hehe, sige labas na ako. Salamat talaga ah. You're a lifesaver. Thank you talaga." Nginitian niya lang ako at lumabas na siya.

Nangyari noon? Ano bang nangyari noon at parang takot na takot siya?
Aish. Caden, its none of your business. Paki mo sa babaeng yun? Tss. Makababa na nga lang.

**

Yo yo yo man~ whatcha think?
Vote and comment. Labyu. ××

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Another WorldWhere stories live. Discover now