Chapter 8

8 1 0
                                    

Yixie.

Finally, last subject na. Hays.

"Yix." Tawag sakin ni Fossy. Fossy nalang yan daw gusto niya eh. So anyway, napalingon naman ako sakanya. Magkaklase kasi kami sa subject na 'to. Kaklase ko rin si monster kapal. -,- ay teka, bat ba siya nasali? Tsk. Paki ko sakanya?

"Huy. Yix!" Napatingin naman ako kay Fossy nung tinawag niya ulit ako. Tsk. Yan kasi Yix. Isip ng isip kay monster kapal eh. Aish. Hindi ko siya iniisip. Ano ba?! Ge lang Yix. Awayin mo sarili mo. :3

"Huy. Ano ba?! Pansinin mo naman ako. Tampo nako sayo, Yix." Luh, si Fossy nga pala.

Tiningnan ko naman siya, at aba. Nakapout ang loko. Hahahah cute ng bestfriend ko. Pinisil ko naman pisngi niya.

"Oy, sorry na. May iniisip lang ako. Ano na?" Aba't inisnob ang beauty ko!

"Fossy, huy. Sorry na. Ano na ba sasabihin mo?" Sabi ko sabay lapit sakanya at iniyugyug yung balikat niya.

"Fossy.. Nye, nye, nye. Pwe. Landi."

Ano nanaman bang gusto nitong monster kapal?! At ako pa ang malandi?! Argh. Hindi ko nalang siya pinansin at tiningnan kong muli si Fossy.

"Oh, ba't nakakunot noo mo?"

"Ba't kay Caden ka nakatingin?" Caden? Sino raw?

"Ha? Sinong Caden?" Sino nga ba yun? Parang narinig ko na yang pangalan na yan ah. Aish. Makakalimutin na yata ako. Nahawa na yata ako kay Yixing. Omg. Yixie, Yixing. MEANT TO BE. Harthart. Ahe. :3 sensya na, fangirl eh.

"Pffft! Sa gwapo kong to, di mo ako kilala?!" Napatingin kaming dal'wa ni Fossy kay monster kapal.

"Ah. So, Caden pala pangalan mo? Ok." Oo nga pala, siya nga pala yung Baby Caden kuno ni Janez. Ers. Lakompake.

"Taena." Aba't nagmura pa. Badboy talaga. Tss, wala nga kasi akong paki!

"Oy Fossy, ano na nga?" Tinuon ko nalang ulit yung pansin ko sa bestfriend ko.

"Ay oo nga pala. Ano, movie marathon tayo sa bahay niyo. Isama mo na rin sina Janez at Teresa." Patay. Eh nakaapartment na kaya ako. At roommate ko pa yung Caden na yun. Pano na 'to?!

Nagulat naman ako nung napaubo si Caden. Pagtingin ko sakanya, nakasmirk na naman. Langya.

"Ah, ano kasi.." Aish. Bat kasi di ko masabi kay Foster eh? Argh. Basta.

"Kasi..?"

"Ah..eh.."

"Sasama 'tong panget na-- este, sasama siya sakin mamaya. May project kami sa isa naming subject at partners kami. So yeah. Next time nalang, dude."

Napatingin saming dal'wa si Fossy. Lalo na sa kamay ni Caden na nakaakbay sakin. Abat, chansing 'to ah. Porket tinulungan niya kong magpalusot, chachansingan niya na ako?!

"Ehem, kamay mo po." Bulong ko sa kanya. Pero, mas hinigpitan niya pa yung pagkakaabay sakin.

"Hayaan mo na. Pasalamat ka ngat inaakbayam ka ng gwapo." Bulong niya pabalik. Tae, ang hangin.

"Close pala kayo? Kailan pa?" Tanong ni Fossy habang nakatitig pa rin si kamay ni Caden at nakakunot na naman yung noo.

"Ngayon lang." Eto nanaman po siya sa smirk niya.

"Oh, nagring na yung bell. Tara na. Ge dude. Una na kami." Hinila na agad ako ni Caden palabas ng room. Di man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Fossy.

Hinila ko naman yung kamay ko pabalik. Napahinto naman siya sa paglalakad at tumingin sakin.

"Bat moko hinila agad? Di na tuloy ako nakapagpaalam ng maayos." Tanong ko at nakataas pa ang kilay ko.

"Magpasalamat ka nalang at tinulungan pa kitang makalusot dun. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa kanya na nakaapartmemt ka nalang?"

Bakit nga ba?

**

Walang laman utak ko. :( pasensya na. Bawi ako next time. :)

Vote and comment. ××

Another WorldWhere stories live. Discover now