Ang Kargador Part 13

6.5K 64 3
                                    


Ang Kargador Part 13

By : Android17

Maaga ako gumising para gumayak papasok sa trabaho. Sinipat ko ang orasan at saktong alas tres pa lang ng umaga. Tamang tama at may dalawang oras pa ako para mag ayos, kumain at maglakad papunta sa bigasan ni Mr. Choi. Malapit lang naman ang aking tinutuluyan sa palengke, kulang kulang limang minuto kung lalakarin.

Halos matagal tagal din kaming hindi nagkita ni Mr. Choi sa kadahilanan ito ay umuwi ng probinsya upang asikasuhin ang kanilang palayan. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag usap man lang tungkol sa mga bagay bagay. Katulad na lamang ng kanyang pagiwas sa akin, ang pagpapaubaya niya kila Jon at Bong, at pati na rin sa halik. Naguguluhan ako.

Sinimulan kong magkape at humithit ng sigarilyo. Nagmuni muni at inalala ang mga namagitan sa amin ni Mr. Choi. Ang kanyang ga labanos na kulay, maumbok na likuran at ang malalambot niyang mga labi.

Kakaisip sa kanya ay kusang nagkakabuhay si manoy ! Mas lalong sumisikip sa suot ko na bikini brief. Eto kasi ang pinantutulog ko pag nandito lamang ako sa bahay at mas nakukubli ng bikini brief ung malaki kong burat. Naiipit kumbaga. Kaya puro ganito ang binibili ko.

Katulad ng nakagawian ko sa umaga, sinimulan kong mag ehersisyo para mabuhay ang aking mga kalamnan bago ko simulan ang araw. Nariyan na nag push ups ako para mas lalong humulma ang malalaki kong dibdib, nag biceps, squats at syempre nag abs. Para mas batak na batak ang mga pandesal ko. Gusto ko kapag nakita ni Mr. Choi yung maskulado kong katawan eh mapapaluhod ulit siya para sambahin ang buhay na anito sa pagitan ng aking mga hita. Nakakasabik isipin.

Halos tumagal din ako ng 30 minuto sa pag eehersisyo. Hinagilap ko ang tuwalya, at pinatong sa aking balikat. Bitbit ang sabunan ay lumabas ako sa inuupahan kong kwarto na naka bikini brief lang. Tutal madaling araw pa lang naman at malamang sa malamang ay wala pang tao ng ganitong oras.

Sa dormitoryong ito ay dalawa lamang ang karaniwang banyo. Isa para sa babae at isa sa lalaki. Meron din ditong kusina na ginagamit lahat ng mga umuupa. Nariyan ang lutuan, lamesa at upuan.

Patuloy akong naglakad upang marating ang bahaging iyon ng dormitoryo. Nakita kong nanduon si Kuya Fred, nagkakape sa lamesa. Siya ang katiwala sa gusaling ito. Dahil may katagalan na rin sila na nangungupahan dito ay ipinagkatiwala na rin sa kanya ang pangongolekta ng pambayad upa.

"Magandang umaga Kuya Fred " pagbati ko sa kanya

Nakita kong nagulat siya sa pagsulpot ko sa may kusina. Kamuntikan na rin mabitawan ang tasang hawak niya.

"Ikaw pala yan Garo, Ginulat mo ko ruon "saad niya. Inapuhap niya ang kanyang suot na salamin at agad naman isinuot ito sa kanyang mga mata.

Napansin niya ang ayos ko na tanging kakapirangot na tela lamang ang suot at may hawak hawak na sabunera. Di maitatwa sa kanyang itsura ang pagkabigla sa gawi ko. Ikaw ba naman makakita ng ganitong kabatak na katawan na tanging bikini brief lamang ang suot. Punong puno ba naman kasi ito ng malaki kong burat, kaya hitik na hitik ang bukol nito. Kahit sino siguro ay mabibigla.

"Naku, gagamit ka ba ng banyo ? Sira yung sa babae at gamit naman ni misis ung panlalaking kubeta. " ani ni Kuya Fred

"Ganun ho ba, kakapasok lang po ba ni misis ? " matipid kong saad

"Oo, pero mabilis lang naman iyon, wala namang lima o sampung minuto kung maligo yun. Kung gusto mo antayin mo na lang. " pagpapatuloy niya

Iniaabot niya sa akin ang kaha ng sigarilyo at lighter. "'Nag yoyosi ka ba ? Mag dalawang stick ka muna, pag tapos mo diyan tapos na rin iyon " nahihiya niyang turan sa akin.

Ang KargadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon