I treasure my family more than my life."Basta po, Lola, 'yung clay ko, ha? 'Wag niyo po kakalimutan." I stared at my younger sister as she wiggle her foot while talking to our grandmother on the phone.
"Oo. Bibilhin ko na mamaya. Siya sige na. Nandito na ang amo ko. Bye. I love you."
Hindi ko mapigilang hindi malungkot nang natapos na ang tawag nang hindi man lang nakakamusta ng kapatid ko kung okay lang ba sa ibang bansa si Lola.
"Yah, Ate. Sabi ko sa 'yo, e. Akala mo lang walang pera si Lola pero marami naman talaga. Bibilhin na nga raw niya 'yung clay ko mamaya!" ipinagyabang agad sa akin ni Tine ang clay na sinasabi niya. Nagustuhan lang naman niya 'yon dahil nakita niya sa kaklase niya.
"Clementine! 'Yung kalat mo rito sa lamesa! May kakain na!" We both heard our eldest sister outside the room.
"Oo, nariyan na!" Dali-daling bumangon si Tine at lumabas ng silid para maligpit ang naiwan niyang kalat sa lamesa kanina.
I was staring at my homework for a while after what happened when my phone vibrated.
Sinusubukan kong matapos na ang assignment para makapaglinis na ako sa harapan mamaya kaya naka-silent mode ang telepono ko.
My brows furrowed when I saw the caller ID. Lumapit ako sa pinto at ini-lock iyon bago sinagot ang tawag.
"La?" nagtatakang tawag ko dahil kakaputol niya lang ng tawag nila ni Tine.
"Cacen, kumusta?"
"Okay naman po, Lola. Kayo po? Kumain na po ba kayo?"
"Kakain pa lang mamaya kapag natapos ako rito sa pinaglilinisan ko. May allowance pa ba?"
Ako ang cinontact niya dahil ako ang naghahawak ng pera sa bahay. Ako rin ang siyang bahalang magbayad sa mga bayarin.
Kinagat ko ang aking labi at natigilan saglit. Naaalalang wala naman na kaming allowance pero ayaw ko pang humingi ulit ng pera. Hindi naman 'yon napupulot lang. "Mayroon pa po. Huwag niyo po muna isipin. Kumusta po kayo riyan?"
"Ito nga at namromroblema ako. Pinapaalis na ako sa tinitirhan ko tapos iniwan pa ako noong roommate ko. Napakamahal pa naman ng apartment dito kapag mag-isa ka lang. Mamumulubi ako."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko rin alam kung paanong paraan. Nanatili na lang akong tahimik at nakikinig sa kaniya.
"Ang hirap-hirap dito sa abroad. Nakakapagod. Hindi ko na alam ang gagawin ko..." she sighed. I can sense how exhausted and sad she is. "Hindi naman ako puwedeng lumapit o humingi ng tulong sa ibang Filipino rito kasi mabubuking ako–ewan ko na talaga. Yes, coming! Buh-bye na. Tawag ako ng amo ko."
My grandmother has never come home since she left for London. Weeks after my mother gave birth to me. Ilegal ang pagpunta niya roon kaya kapag umuwi siya ay hindi na siya kailan man makakabalik pa. She'll be banned.
A group of syndicates helped her back then. Gamit ang passport ng ibang babae ay nakalusot siya sa airport. She copied the hair and the mole of the girl in the passport. Kapalit ng pagtulong sa kaniya ay pera.
Her journey there at the beginning was okay until lately, she's been having problems. Karamihan sa mga kaibigan niya, iniiwan na siya sa ere. Ang isa niyang amo ay gusto na siyang sisantehin dahil mas napalapit daw ang anak kay Lola kaysa sa ina.
Everything will get easier if... Lola has a visa.
Madali siyang makakahanap ng apartment dahil kumpleto sa IDs at visa. There'll be more jobs for her to take and she'll be able to come home here in the Philippines once in a while.
And there are three ways for her to have a visa.
One, marry someone who's a British Citizen.
Two, wait for the UK Embassy to grant the visa to those people who stayed in their country for a long time now. But this one will take way too long.
Three, have connections in the UK Embassy, so they can help you grant a visa.
And I have a person in mind for the last resort.
Kinabukasan sa school, nilapitan ko kaagad si Gaverine nang ma-dismiss na ang klase namin. I leaned on his desk while he was packing his things.
He was weirdly looking at me but he didn't say anything. Hindi niya ako pinansin kahit gaano kalaki ang ngiti ko sa kaniya.
"Hello!" I greeted him.
He got his bag and walked away so fast when I spoke. Maraming tao sa hallway kaya kahit sinubukan ko siyang habulin ay hindi ko na naituloy.
Cenizeo Gaverine Ayalde is half-British, half-Filipino. Alam kong sa UK Embassy nagtratrabaho ang nanay niya dahil naging malaking usapan na iyon dati noong first-year high school kami. Everyone was questioning why he lives with his father here in the Philippines and away from his mother.
Napakatahimik. Napaka-suplado. Walang humor. Walang kaibigan. Mayaman. Matalino.
'Yan ang mga katangian niyang kilalang-kilala ng tao. We've been classmates from Grade 7 until now, Grade 11, but I never had a proper conversation with him. Ever.
Kaya inabangan ko na lang siyang pumasok noong sumunod na araw. Pareho kami ng pupuntahang classroom kaya hindi niya ako matatakasan.
"Hello!" bati ko ulit at sinabayan siya sa paglalakad mula sa drop-off area.
"Ano?" walang buhay niyang tanong pabalik at blangko ang mukha nang tapunan ako ng tingin.
"Uh..." Medyo nakalimutan ko ang sasabihin dahil hindi ko sukat akalain na ganito siya kalamig sumagot kapag kinakausap. "Sa UK Embassy nagtratrabaho ang Mama mo, 'di ba?"
"Chismosa ka rin pala?" he asked back which made me halt. He scoffed and continued walking without saying anything further.
Well, who said getting a visa was easy?
YOU ARE READING
Realm of Truth
قصص عامةPas Clair #1: Between herself and her family, Yaryna Cacen Estayan wouldn't think twice to choose the latter. She is ready to die for her loved ones. She is willing to sacrifice and gamble everything-all for her family. Including befriending the m...