A/N...
Pinalitan ko po ang book cover at title ng The Confessions of an Unfaithful Wife. Isa-isa na po ang kuwento nila. Inilipat ko sa ibang book si Mrs. Ramiro. At ang mga susunod pang confession ay may solong book rin po. Maraming salamat po. :)
.
The Confessions of an Unfaithful Wife (Series)
Isang katotohanang nagaganap sa buhay ng mag-asawa.
Hindi man ngayon... ngunit tiyak na darating ang isang pagsubok sa pagsasama ng isang babae at isang lalake na kung hindi makapagpapatibay ay wawasak naman sa pamilyang mayroon sila.
Kundi ang lalake ay ang babae naman ang daraan sa tulay ng mapanganib na tukso at pagkakasala.
Sapat ba ang kontratang nilagdaan sa harap ng altar, upang magamit na kalasag sa tuksong ang taglay na lakas ay di mapapantayan?
Tunghayan natin ang kanilang kasaysayan upang ating malaman.
Dapat ba natin silang husgahan at pandirihan?
Kaya ba natin silang maunawaan at kaawaan?
O para silang sakit na dapat iwasan?
UNFAITHFUL WIFE CONFESSION #1- MRS. MIRAFLOR
Ang nilalaman ng kuwentong ito ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng inyong lingkod bagama't ito ay hango sa tunay na buhay. Karamihan ng pangyayari ay hinabi na lamang. Walang nais saktan, sagasaan at partikular na taong pinatutungkulan ang ilalahad ko sa inyong lahat. Ito ay isang makatotohanang kasaysayang tunay na nagaganap sa ating lipunan at nawa'y kapulutan ng magagandang aral sa buhay ng makakabasa.
Ang pagkakahawig sa pangyayari, pangalan, lugar at pagkakataon ay hindi po sinasadya.
BABALA: May mga eksena at pananalita sa ilang kabanata na hindi angkop basahin ng mga bata ganoon din ng mga nasa hustong gulang ngunit may sensitibong pananaw. Maraming salamat po.
Copyright © ajeomma
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
The Confessions of an Unfaithful Wife #1
Ficción GeneralPaano kung dumating ang pag ibig na hindi na maaaring angkinin? Lalaki lamang ba ang maaaring patawarin kapag nagkamali? Sadya bang ang paghusga ay ipinapataw agad kahit ang paliwanag ay hindi pa naririnig? Totoo ba o gawa-gawa lamang ng malisyo at...