Nakira
"They said that the best feelings in this world is to love and to be loved. She did the first one, but still, she never felt the second one—"
"Wait!" Pigil ko kaya napahinto si Annie sa pagbabasa at napatingin sa akin ang mga kasama namin. "Bakit ba ganyan 'yan?" Salubong ang kilay na tanong ko na ipinagtaka nila.
"Anong 'bakit ba ganyan 'yan' 'yan, Daza?" Takang tanong ni Annie.
"Yung story, Annie! Bakit ganyan? Bakit 'yan ang pinili mo?" Iritang tanong ko naman. Mas lalo silang nagtaka sa tanong ko. Hello? Anong nakakataka doon?
"I read this already and I like the flow of the story, Nakira, that's why I choose this." Mahinahong sagot ni Annie. Napatingin ako sa mga kasama namin na tumango lang naman.
"Wala na bang iba?" Natanong ko nalang.
"Meron naman pero gahol na tayo sa oras, nakapagsimula na tayo kaya tapusin nalang natin."
"Pero kasi—"
"Sandali nga, bakit ba napakaapektado mo, Daza? Sa tanang ganito natin, ngayon ka lang nagreklamo." Singit ni Miera, kasama namin.
"Wag mong sabihing... natamaan ka sa—"
"Hindi! Wala! Hindi ako natamaan! Ayaw ko lang talaga sa story, bahala na nga kayo!"
Padabog akong tumayo kaya napatingin sa akin ang ibang kaklase ko. Hindi ko na sila pinansin at deretsong lumabas ng room bitbit ang bag ko, dinig ko pang tinawag ako ng isang kagrupo ko pero hindi na ako lumingon. Mabuti at lumabas ang professor namin, hindi ako mapapagalitan.
Pagkadating ko sa tambayan namin ay naabutan ko doon ang ibang kabarkada ni Koffer na bestfriend ko. Padabog akong umupo kaya napatingin sila sa akin.
"Oh? Anong nangyari?" Natatawang tanong ni Caliv, kaibigan ni Koffer. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala! Chismoso!" Badtrip na sagot ko.
Badtrip kasing story yun eh! Kung bakit naman kasi ayun pa ang pinili nilang kukuhanan namin ng insights! Badtrip silang lahat!
Hindi na ako pumasok sa huling period namin at tumambay nalang dito ng mag-isa dahil nagsipasukan sina Caliv. Oo, nagcutting na ako. Ayaw kong makita ang pagmumukha nila, baka mabadtrip lang ulit ako.
"Hey, Naki!"
Napaangat ako ng tingin sa pamilyar na boses na tumawag sa'kin. Nakangiti itong tumabi sa akin.
"Nag-cutting ka raw?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.
"Sino namang buang ang nagsabi sayo?"
"Si Caliv. Tsk, tsk, napaka-good student mo talaga Nakira Daza." Napapailing na aniya sabay bukas ng bag niya. Nilabas niya doon ang dalawang nagkakapalang libro niya sa Engineering. Yes, he took engineering while I took tourism.
Ang sipag talaga mag-aral.
"Wala ka bang gagawin?" Tanong niya habang binubuklat ang libro niya nang hindi nakatingin sa akin. Napatitig ako sa paggalaw ng labi niya.
Mapula, parang naglagay ng lip tint pero hindi naman talaga, parang nga eh.
"Hoy, Naki!"
Agad akong napaiwas ng tingin nang ma-realized ang ginagawa ko. Nahuli pa tuloy ata ako!
"B-Bakit, Koffer?" Hindi makatinging tanong ko.