Nakira
"Bakit kasi hindi ka nalang magsarili—I mean mag-condo ka or apartment? Well, pwede rin naman tayong dalawa sa inuupahan kong apartment!"
Natapos nalang ang pang-umagahang klase namin ay hindi pa rin makaget-over si Tanya sa kinwento ko sa kanya kaninang umaga. Nandito kami ngayon sa cafeteria para maglunch at habang kumakain kami ay sinasabayan niya rin ng talak.
"Naki, ano ba? Nagsasalita ako dito baka hindi mo alam?" Sakrastikang tanong niya nang hindi ako sumagot sa kung anong mga sinasabi niya.
"Kumakain ako, mamaya na." Sabi ko nang manguya ang nasa bibig. Inikutan niya ako ng mata pero umismid lang din ako.
"Alam mo, ako yung naiimbyerna sa ginagawang pagtitiis mo diyan sa pamilya mo. Kung pwede ka naman kasing umalis nalang diba? Peaceful pa ang life mo." Talak niya ulit.
Sinubo ko ang panghuling kanin at uminom ng tubig. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko bago humarap kay Tanya na patapos na rin sa pagkain niya.
"Alam mo kasi, kinukuha ko ang loob ng pamilya ko. Paano ko makukuha yun kung aalis ako sa bahay? Tsaka hindi ko kaya, hindi ko kayang wala sila sa tabi ko kahit parang hangin nila akong ituring, pinapansin lang kung masama ang amoy in short, may maling nagawa."
Parati naman akong napapansin, parati naman kasi akong mali.
"Pero Naki, sobra na. Nandoon na tayo sa part na nagalit sila sa ginawa mo kahapon kasi loka-loka ka rin naman kasi. Alam mo namang numero unong pinakaayaw ng magulang mo kapag may mali kang ginawa tungkol sa pag-aaral mo. Pero sa kabilang banda rin, hindi naman tama yung palabasin ka dahil lang sa simpleng pagkabasag ng paborito niyang plato. Gabing-gabi at umuulan pa, jusko naman sa nanay mo! Kahit saan mo tignan, mali at talagang sumusobra na!"
"Nangyari na eh, hayaan mo nalang. Hindi naman siguro na mauulit yun." Tanging nasabi ko.
"Aba dapat lang! Dahil kung hindi, aawayin ko yang mama mo kasehodang nanay mo pa siya at magalit ka sa akin!"
Napangiti ako sa sinabi niya na ikinasimangot niya.
"Mahal mo talaga ako 'no?" Nakangising tanong ko.
"Syempre, baka wala na akong makopyahan ede kawawa ako, diba?"
Nawala ang ngisi ko at hinila ang dulong buhok niya, hindi naman masyadong malakas. Pabiro siyang napaigik.
"Paano ka ba makakasagot kung absent ka nang absent—speaking of absent! Bakit nga ba absent ka kahapon?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Nagsalubong ang kilay ko nang binigyan niya ako ng malaking ngisi.
"Alam mo na, may bigtime akong costumer, friend!" Tumili pa siya nang kaunti.
Sumeryoso ako at napansin naman niya iyon kaya napatigil siya patili-tili niya.
"Hanggang kailan mo 'yan gagawin? Alam mong hindi magandang tignan—"
Pinutol niya ako."Naki, akala ko ba naiintindihan mo ako? Alam mo ang rason ko kaya ko 'to ginagawa diba?" Nagpapaintinding aniya. Napabuntong-hininga ako.
"Pero Tanya—"
"Naki, please? Pag-aawayan na naman ba natin 'to?"
Umiwas ako ng tingin.
"Nag-aalala ako para sayo. What if malaman ito ng school? What will happen to you?"
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.