CHAPTER 8

5 1 0
                                    

Nakira

"...nililigawan ko."

Paulit-ulit iyong bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Koffer. Parang sirang plakang nagpapa-ulit-ulit at naiinis ako doon. Dahil hindi ko matanggap!

Bakit kailangang iba pa? Bakit hindi nalang ako? Talino lang naman lamang sa'kin ni Naia eh. Pero kaya kong gawin yun, kaya kong mag-aral!

"Naki..."

Napatingin ako kay Tanya na malungkot na nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinungga ang alak ng basong hawak ko.

Pagkatapos nang ginawang pagpapakilala ni Koffer kay Naia sa amin ay hindi ko na alam pa ang nangyari. Naging lutang ako magdamag at hindi ko namalayang nakarating kami sa apartment ni Tanya.

At hindi ko naman akalaing totohanin niya ang sinabi niya, maghahanda siya ng alak kung sakaling ma-broken ako.

"Now that this is happening, I have just realized that I-I really don't know what to say or what to do with this kind of happening. H-Hindi ko rin alam kung anong pwede o dapat kong sabihin sayo. Naki, I'm speechless..." Mahina ang boses na saad ni Tanya, nanlulumo.

"I'm sorry, Naki. Akala ko kapag talagang nangyari 'to sayo, matutulungan kita para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman mo pero ngayon, wala akong magawa. Ang lakas pa ng loob kong sabihin na akong bahala sayo kapag dumating ka sa puntong ganito pero... eto lang ako, sa tabi mo, tinitignan ka'ng masaktan. I'm sorry kung wala akong silbi sayo ngayon, Naki, I'm sorry..."

Nilingon ko siya na hindi makatingin sa akin.

"Tanya," tawag ko sa kanya, nilingon naman niya ako. "As far as I know, moment ko 'to, diba? Bakit ikaw? Bakit ikaw ang nagda-drama kung ako naman talaga dapat 'yon?"

Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Letse! Kahit kailan ka talagang babae ka! Hala, namnamin mo 'yang sakit! Buti nga sayo!" Ekstrahedera siyang tumayo at pumasok sa maliit na kusina niya. Napailing ako at muling nagsalin ng alak sa baso at agad na tinungga ito.

Napatitig ako sa langit, tamang-tama ang pwesto ng bintana sa apartment ni Tanya sa kinalalagyan ko ngayon. Naramdaman ko na naman ulit ang pagtulo ng mga pisteng luha ko.

Kung bakit ba kasi hindi nalang ako ang ginusto ni Koffer. Mahirap ba akong gustuhin o mahalin? Hindi naman siguro diba?

Sinalinan ko ulit ang basong hawak ko ng alak at akmang iinumin na 'yon pero may kamay na humawak sa akin. Nilingon ko ito, si Tanya na hindi ko namalayang nakabalik na pala sa tabi ko.

"Tama na, lasing ka na."

Umiling ako sa sinabi niya at pinilit tanggalin ang kamay na nakahawak niya sa akin, nagtagumpay naman ako kaya nainom ko nang tuluyan ang laman ng baso.

"S-Sinong mas maganda sa amin ni Naia, Tan?" Tanong ko dito na ikinakunot ng noo niya.

"Ha? Bakit?"

Napahikbi ako.

"M-Mahirap ba talaga akong mahalin, Tanya? Ano bang wala sa akin?" Tanong ko habang sinasalinan ang baso. Tinungga ko ito nang mapuno na ang baso.

The Unwanted WomanWhere stories live. Discover now