Nakira
"So, where do you wanna go?"
Napalingon ako sa lalaking katabi ko na nagmamaniobra ng kotse. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya na sana ako ang dahilan. Maagang natapos ang klase niya kaya alas-kwatro pa lang ay umalis na kami sa school. Inaya kong sumama si Tanya pero may gagawin daw siya, may ime-meet na bigtime na naman daw.
"Ikaw ba, saan mo gusto?" Tanong ko
Kunyari siyang nag-isip na tumingin pa sa itaas pero sandali lang at agad ibinalik ang tingin sa kalsada. Lumingon siya sa akin.
"Napuntahan na ba natin lahat ng pasyalan dito? I think yes. What do you think? Wala na akong maisip na pasyalan na hindi pa natin napupuntahan."
Napatitig ako sa mukha niya pababa sa matangos niyang ilong hanggang sa labi niya habang nagsasalita siya at hindi ko maiwasang hindi paulit-ulit na gawin yun. Ang gwapo niya talaga, hindi nakakasawa.
Mabait, masipag mag-aral at matalino, gwapo, mayaman, matangkad na alam kong gustong-gusto ng mga babae kagaya ko. Ang swerte ng babaeng mamahalin nito. Kung sana ako nalang yun.
Natawa ako sa huling naisip ko pero sa isip ko pa rin. Naalala ko kasi yung uso sa facebook ngayon, yun bang 'Girlbestfriend moments' lol.
"Naki? Are you okay? What's with my face?"
Napakurap-kurap ako nang mapagtanto ang ginagawang pagtitig kay Koffer. Nahuli pa ako, nakakahiya.
"A-Ah wala naman! May a-ano... may naalala lang ako..." utal na sagot ko. Tumango-tango siya.
"Anyway, may napili ka nang pupuntahan natin?"
Napatango ako agad. Binigyan niya ako ng tinging nagtatanong.
"Sa Amusement Park! Hindi pa tayo nakapunta doon eh! Naalala mo yun, pupunta sana tayo kaso may biglang emergency na nangyari sa inyo?"
"Oh? Nakalimutan ko na, d*mn! Tibay ng memorya mo ah?"
Pabiro naman akong kumindat dito.
"Syempre, ako pa ba?" Mayabang na tanong ko na ikinatawa niya.
Tamang-tama naman at madadaanan namin ang Amusement Park sa tinatahak naming daan kaya madali lang kaming nakataring. Hapon na kaya medyo marami-rami ng tao, lalong-lalo na ang mga bata.
"Sa Roller Coaster tayo mauna, Kof!" Agad kong aya kay Koffer nang makapasok na kami sa entrance. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at basta nalang siyang hinila papunta sa roller coaster booth.
"Are you serious, Naki? Hindi ka ba natatakot dito? You see how it works, right?" Problemadong saad ni Koffer sa tabi ko. Magiliw ko siyang tinignan.
"Syempre hindi 'no! Ang exciting kaya! Wag mo sabihin sa'king ikaw mismo e' natatakot?" Nakangising kong tanong ko dito.
Napamaang siya sa sinabi ko.
"Of course not! Wala sa vocabulary ko ang matakot, Naki!" Mayabang na sagot niya.
Inismiran ko siya bago nakangiting nilingon ang tagabantay ng booth.
"Manong, dalawang ticket po."
Nakangiting binigyan ako ni Manong at tinanggap ko naman ito. Pagkatapos magbayad ni Koffer ay muli ko siyang hinila dahil sakto namang paghinto ng ride.
Excited akong inokupa ang pinakaunahang parte. Dito tayo sa harap para thrilling haha.
"Woaaaaah!" Malakas na sigaw ko nang mabilis na napadausdos pababa ang coaster. Napataas ako ng kamay dahil doon.