06

22 2 0
                                    

Today is the graduation of the kinder students. Kahapon pa kami abala sa mga gusot na dapat plantsahin, medyo nagkagulo din dahil iilan lang ang sumupot sa final practice, ang ilan ay hindi na dahil alam naman na raw nila ang gagawin nila, aniya ng mga magulang. 

Ngayon, naka-linya sila para sa diploma. We waited until the whole program finished. Wala akong gagawin ngayon kung hindi ay bantayan ang mga bata, ang ppt na ginawa ko ay naka-flash sa projector at ibang guro ang nagcocontrol niyon. 

The whole program ended with the smile in the faces of the kids. Bakasyon na nila pero bukas ay babalik pa ako sa paaralan para sa deliberation ng grades nila dahil sa susunod na linggo na nila makukuha ang grades nila, kasama ang mga litrato mula sa graduation nila. 

Pagkatapos ng pagkanta ng mga estudyante ay isa isa na silang tumungtong sa stage para sa class picture, natawa pa ako nang may nagpakalong sa akin na bata. I looked at the camera and smiled, I posed when the camera man said that it's time for wacky. 

Nang matapos ay hinayaan ko na ang mga bata sa mga magulang nila dahil alam kong kukuha pa sila ng pictures sa stage. I walked towards my friends na ngayon ay tipon tipon sa iisang lugar dito sa loob lang ng complex. 

"Gusto niyo isaw?" Alok ko sa kanila nang marating ko ang pwesto nila. 

"Betamax," kontra ni Basti sa alok kong isaw. 

"Na may suka," ani Celeste.

"Sibuyas," saad ni Nina.

"Paminta," dagdag ni Leo.

"At asukal para kontra ang tamis asim." At pagtatapos ni Mira. 

I laughed and rolled my eyes at them. 

Pagkatapos ay hinila ko na sila papunta sa stall sa labas dahil kakain na kami. After naman ng graduation ng mga bata ay wala kaming gagawin dahil pahinga na kami mamayang hapon, babalik lang bukas para sa grades nila. 

Hinanap namin si manong na may masarap na sawsawan na suka, yung hindi gaanong maasim at masakit sa lalamunan. Nang mahanap namin siya ay pumunta na kami sa kanya. He sells two types of street food, may prito at may inihaw, ang kadalasan na kinukuha namin ay inihaw dahil malasa iyon. 

Nang makarating kami doon, sakto dahil iilan lang ang naroon.

"Manong, tatlo nga pong inihaw na dugo at dalawang isaw." Unang bungad ko sa kanya. 

"Ang takaw Amalia," puna ni Basti sa akin, "manong, taglima nga pong inihaw na dugo at isaw." Dagdag niya sa sinabi niya, tinawanan ko siya dahil mas marami naman ang binili niya kesa sa akin. 

 I was eating the betamax I bought when someone tapped my back. Tinignan ko iyon habang nginunguya ang pagkain na nasa loob ng bibig ko. Nagulat ako nang nakita ko ang tatlong driver nila Lai, may hawak hawak silang bouquet at paper bag. 

"Ma'am, pinapabigay po ni Sir." 

Gulat kong kinuha ang bouquet mula sa kamay ng driver na nasa harapan ko, may ibinigay rin siyang paperbag sa akin. I looked around and saw that each of my friends received the same gifts as well, ang kaibahan lang ay mas maraming bulaklak ang akin kumpara sa sa kanila. 

"Sir?" I asked him.

"Sir Nicolai po," he answered, "hihintayin na rin po namin kayo, may nireserba raw pong restaurant si Sir sa bayan para kainan niyo mamaya. Hindi raw po siya makakasama dahil nasa Manila siya hanggang sa susunod pa pong linggo." Mahabang paliwanag ni kuya na nasa harapan ko. 

"Restaurant?" Ulit ko sa sinabi niya. He nodded at my question.

"Bakit raw?" Dagdag na tanong ko.

"Ewan ko po," he answered. 

Warmth In Your Eyes  (Tierra Series 1)Where stories live. Discover now