Isang linggo na rin nang nagsimula si Lai na sunduin ako sa paaralan, minsan nakakasabay namin ang iilan kong kaibigan, minsan naman ay hindi dahil nahihiya raw sila.
Sabado ngayon, pupunta ako sa paaralan para kuhain ang mga test paper ng mga bata. Ilan doon ay hindi ko pa nachecheckan dahil napakarami naming inasikaso nang nagdaang linggo.
"Magandang umaga kuya!" Bati ko sa guard na nagbukas ng gate para sa akin.
"Good morning Ma'am! Paganda nang paganda ka ma'am ah, anong sikreto?" He asked me.
I laughed hard at what he said.
"Tubig at dasal manong." Biro ko sa kanya.
"Baka malunod at maging santo ka niyan Ma'am." Pagbibiro niya sa akin.
Nagpaalam na ako at pumunta na sa loob ng classroom ko. Mayroon ako doong cabinet na pinagtataguan ng mga gamit gamit katulad ng test paper ng mga bata o extra record books dahil ang nga gamit na ay nasa cubicle ko sa faculty room.
Habang kinukuha ko ang mga test paper ay naalala ko ang usapan namin nila Isa na mangangabayo sana kami ngayong araw, wala kasi siyang pasok ngayon dahil nga Sabado pero nagpaalam ako na hindi ako makakasama dahil may gagawin ako.
Inilagay ko sa ibabaw ng isang mesa ang mga test paper at sa isa naman ang kalahati dahil hindi doon kasya ang lahat ng papel.
It was around lunch when all my friends visited me.
"Alia, Amaliaa, Mayaaa, Solannaaa, Soooollll, Annnnaaaa." Pag-iisa isa ni Celeste sa pangalan at palayaw ko.
"Torreeee," dinugtong naman ni Basti ang apelyido ko.
"Mali, Alcoser." Pagtatama ni Mira.
I rolled my eyes at her joke at hindi na sila pinansin dahil andito lang naman sila para magpahinga. Classroom ko lang kasi ang aircon, classroom lang namin ni Mira dahil kami lang naman ang kinder teacher dito.
"Funny mo naman Mira, pwede ka na sumali sa gobyerno." Pagjojoke ko sa kanya.
"Sorry ha, funny lang ako pero hindi ako magnanakaw." Sagot niya sa akin.
"Huy, ma-red tag ka." Pananakot sa kanya ni Leo.
Tinawanan ko sila at hinayaan na lang na mag-stay dito sa loob ng classroom. Mas gumagaan rin naman ang trabaho kapag may kasamang kaibigan na katawanan.
Around 3, someone knocked on the door of the room. Lahat kami ay napaangat ng tingin at nakita namin doon ang manliligaw ni Celeste, nakatayo at may hawak hawak na paper bag at bouquet ng bulaklak.
We looked at Celeste and teased her, tinawanan niya lang kami. Ang ngiti niya ay mula mata hanggang sa isa pang mata, nangungunahan sa pagkutya sa kanya ay si Basti at Leo na ngayon ay kung ano ano na ang pinagsasabi.
"Ay Celeste ha, hindi pa ako handa magkaroon ng inaanak pero kung anak niyo naman, ayos lang sa akin." Sabi ni Leo na nakapagpatawa sa aming lahat.
"Bibig mo naman Leonardo." Saway sa kanya ni Mira.
"Hahalikan mo na ba, mahal?" Leo said in his deep voice.
We all laughed, "ako lang pala makakapagpa-straight sa'yo, hindi mo sinabi." Mira said as she flip her short hair.
Leo acted as if he was about to vomit, Basti immediately went behind him and smacked his back, his action made Leo cough so loud.
"Tangina mo Sebastian." Pagmumura sa kanya ni Leo.
I covered Nina's ears, "huy may bata," pagbibiro ko.
"Punyeta ka Amalia," Nina said as she removed my hands from her ears.
YOU ARE READING
Warmth In Your Eyes (Tierra Series 1)
Roman pour AdolescentsAlia is a kindergarten teacher whose life is as normal as everybody else. Her everyday includes waking up, teaching, and going home. One sunny day changed her whole life, messed up her sleep routine, and made her smart head all chaotic.