It's my third day here in the hospital. My vitals were stable ever since the first day yet Nato insisted that I should stay here as I heal the fresh stitches of my wound. Hindi rin naman daw kasi ako makakagalaw nang maayos sa bahay kaya dito na lang raw muna ako habang nagpapagaling.
Kahapon lang din nang inilipat ako sa mas malaking kwarto para raw kahit papaano ay makagalaw ako nang maayos at makapaglakad sa safe na lugar. Dito rin nagsestay si Nato, kahit sila tita ay bumibisita sa akin. Si Attorney naman ay galing din dito kahapon at naghatid ng iilang prutas at bulaklak sa akin.
Bukas na ang labas ko kaya inaayos ko na ang mga gamit ko na andito. Kila Nato ako didiretso dahil sabi ni Tita ay doon daw muna ako habang nagpapahinga para raw ay mamonitor ako. Pinapaayos rin nila ang lock ng mga pinto at bintana sa bahay dahil 'yong lalake raw ay sa bintana dumaan papasok dahil may basag ang bintana sa kusina.
Hindi pa rin namin kilala kung sino ang lalakeng nagtangka sa buhay ko dahil wala silang mahanap na lalakeng nagmamatch sa description na ibinigay ko kay Elijah.
"It is possible that he just used it as a disguise and was paid a hefty amount to do so. Malinis ang pagkakagawa, walang ibang may damage sa bahay mo kundi pinto lamang ng kwarto mo, Maya." Elijah faced me.
"I think it best to stay with Nicolai." He said seriously while looking into my eyes.
"Sol won't stay in her house for now." Nato said as soon as he entered the door kaya sa kanya bumaling ang mata namin. "Tito is handling the security of her house and currently monitoring the safety measures and locks of her doors and windows, lalo na ang sa kwarto niya. Nagbabalak ring magpagawa ng mataas na wall doon bilang bakod at gate na may alarm kapag pwersahang binuksan." Paliwanag niya habang naglalakad papunta sa akin.
Inaayos niya ang mga pagkain sa mesang hindi kalayuan sa kinahihigaan ko ngayon. Lumabas siya para kuhain ang mga pinadala ni Tia Josefina, ang mayordoma nila, na pagkain para sa akin. Halos lahat iyon ay gulay ngunit nagpadala siya ng sabaw, sinigang na baboy.
"Kumusta pala ang conference, Elijah?" Pagbaling ko kay Elijah na ngayon ay nakaupo na sa sofa sa tabi ng kinahihigaan ko.
May naganap kasing meeting sa hotel sa Manila ngunit hindi ako nakadalo dahil sa kalagayan ko ngayon kaya si Elijah muna ang nag-attend no'n para sa akin.
"It went well. The boards accepted you immediately as soon as I presented them your credentials, some hesitated dahil hindi rin naman daw business-aligned ang kursong natapos mo. Also, the boards are planning to throw you a welcome party after your months of training." Sabi niya sa akin habang may binabasang papel.
"What's that?" I asked him dahil kunot ang nuo niya.
"Wala, sa iba ko itong kliyente."
It's been 2 months ever since I was in that accident. Pansamantala ko munang itinigil ang pagtuturo at pag-aaral dahil ngayon ay nagtetraining ako dito sa main ng kompanya namin. I am in Tagaytay, malapit lang sa Sky Ranch ang building namin, halos katapat lang nito.
I am staying in Amoureux, ang condominium unit namin dito sa Tagaytay.
"What's my schedule for tomorrow?" I asked Tori as soon as I finished my work for today.
"You'll meet with Attorney Tan tomorrow for the quick briefing of the companies. After that, by 11, you have a meeting with the board of Amoureux. From then until 2, your schedule is vacant and by 2:30, Engineer Nicolai Alcoser for the construction of your cafe and bakery in Tierra de Verde. After, you're done for the day. "
I have decided to make construct my own bakery in Tierra de Verde. The plan I had before of making my own cafe in the said province, I decided to incorporate it with bakery para 2 in 1 na rin siya. Itatabi ko rin siya sa school para malapit lang ang access ng mga estudyante sa good quality yet affordable pastries and drinks.
YOU ARE READING
Warmth In Your Eyes (Tierra Series 1)
Fiksi RemajaAlia is a kindergarten teacher whose life is as normal as everybody else. Her everyday includes waking up, teaching, and going home. One sunny day changed her whole life, messed up her sleep routine, and made her smart head all chaotic.