ONCE

6 0 0
                                    

"Saan kana, ate?" Tawag mula sa isa kong cell member.

"Andito na sa jeep, papunta na ko doon na lang tayo magkita kay Ate Nell" Habang nagmamadaling bumaba sa jeepney na aking sinakyan.

Sa araw na ito magaganap ang unang karanasan ko sa paghohost ng isang beauty pageant na kung saan parte ng programa ng Youth Ministry ng aming church.

May halong kaba dahil hindi naman ako sanay sa ganitong gawain pero dahil naniniwala akong kaloob ito ng Diyos ay alam kong kakayanin ko.

----

Alas siyete ng gabi, matapos akong ayusan ni ate Nell  ay nagtungo na ako sa pagdarausan ng beauty pageant. Habang naghihintay na magsimula ay binasa kong mula ang script upang maging maayos ang flow ng progama. Lumapit sa akin ang isa sa mga ate ko dito sa simbahan at ipinakilala sya saking muli.

"Pearl, si Mark nga pala naalala mo pa naman siguro siya hindi ba?" Sabi ni ate Marie

"Ah, opo ate."

"Nice to see you again" Baling ko kay Mark

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang pageant.

---

Alas dose na tapos ang pageant, and for me it was a success dahil alam ko nagawa ko ang best ko at mukhang naenjoy din naman ng mga manonood ang paghohost naming dalawa ni mark.

Habang kumakain, lumapit siya sa akin.

"Hi Pearl, patabi ha?"

"Sige lang." Sabay ngiti ko naman "O nga pala kamusta napagod ka? Tanong ko sa kanya

"Ayos lang, sanay naman na ako sa mga ganitong event at puyatan" Sagot sa akin ni Mark

"Guys tapos na kayo kumain? Tara na at tapos naman na tayo maglinis, para makapagpahinga na rin tayo" Tawag sa amin ni Erich,bestfriend ko na kapatid din ni ate Marie.

Sabay kaming tumayo ni mark at umalis na upang kunin namin ang mga gamit namin.

Nauna na rin akong lumakad habang nakasunod sa mga kapwa ko kabataan pauwe. Nabigla naman ako at hinabol pala ako ni Mark  sabay pala sya sakin.

---
(Sa bahay nila ate Marie)

Habang ang ibang mga kabataan ay umuwe sa kanilang bahay kaming iba naman ay kila ate Marie matutulog dahil malayo ang bahay na uuwian namin.

Natapos ang araw na iyon ng may kasihan dahil sa success ng aming event.

Once In A Life TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon