02 - Friends

2 0 0
                                    

naglaro muna ako saglit habang hinintay ang reply ni Christian. 3 weeks na rin akong ganito e, para bang gusto ko ng clear answer. pero clear naman talaga yung tweet n'yang "move on na tangina", e. bakit ayaw niya ako bigyan ng chance? kaya ko naman kasi mag bago.

ano bang gusto ko kay Andrei? bakit ko ba pinipilit na bigyan niya ako ng chance? pero never give up nalang talaga yung motto ko, ano? ewan ko ba. ang dami kong what ifs dito, nakakapagod minsan pero syempre si Andrei naman ang pinaguusapan dito kaya hindi ako mapapagod.

nung bagyo kasi, that was last month, nawalan kami signal sa buong lugar namin. nag effort ako na maghanap ng signal para lang makareply sa kanya kahit na pinapaopen ko lang account ko sa kanya na magbabasakaling may internet siya non kaso wala. nagkamustahan kami tas hindi ko alam na ayun na pala yung closure namin na wala na talaga. lumandi pa naman kasi siya, hinanap niya reply ko non tas syempre sabi ko sa kanya na wala masyadong signal.

nung pumunta ako sa school for 2nd semester enrollment, bukambibig ko siya. epic lang, kung sino ang nawalan ng interes nung una, siya pa ang baliw na baliw ngayon. ayun, don ko nalang narealize na may feelings pala ako sa kanya. indenial lang pala ako nung una. natapos na ako maglaro sa isang game ko kaya chineck ko na rin yung message ni Christian.

Christian Almarez
active now

Christian:  kung magkakabalikan kayo, bigyan mo ako ng skin ah.
never give up tayo dito
walang break break
dapat comeback
HAHAHAHAHA

France: sige pag-iipunan ko tanginang skin mo depota ka

Christian: wait

1:20 PM

Christian: ay namo
wala na pala talaga e

France: bakit? ano ba sabi mo?

Christian: send ko sana screenshot kaso baka iiyak ka na naman.
ikaw muna oh
https://open.spotify.com/playlist/1EyTrB3ws7PoQWcWIltJyJ?si=h11UCCECTcWYjTKINP_OIQ&utm_source=copy-link

France: tangina mo HAHAHWHAHAHAHAHA
ano ba kasi sabi

Christian: sabi niya hayaan ka nalang daw
wala na
walang skin
yung skin ko huhu

France: ay ganon
kahit friends lang kami, okay lang naman shdhshdbaj bat ganon

Christian: move on ka nalang, yan lang magagawa mo.
pakinggan mo yung playlist

France: sound trip ko nga ngayon yung Pano ni Zack Tabudlo e HAHAHAHAHA inamo
x10 pa

Christian: bro wtf
HAHAHAHAHAHHAHAA

Christian: bro wtfHAHAHAHAHAHHAHAA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

natawa ako sa sinabi niya. wala na raw. pero bakit feel ko may pag asa pa? tanga tayo for todays video. nag react nalang ako ng haha tsaka bumalik ulit sa valo. kailangan ko idistract sarili ko kasi ayoko talaga maubos ako nito.

nang nagmatch point na ang score sa laro, biglang tumulo ang luha ko at nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. ano ba tong nararamdaman ko? okay lang ako kanina ah, bakit ngayon ang sakit na? napabuntong hinga ako sa sudden actions ko at pinunasan ang aking luha. hindi naman masama umiyak pero lagi nalang ako ganito e, ilang weeks na rin.

"magcoconfess kaya ako?"

"ikaw bahala! basta wag ka nalang mag expect kahit na mukhang may gusto sayo si Andrei," sagot ni Mika, ang aking pinsan na tumatawa pa.

"sige." hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtype na kaagad sa aking mga sasabihin kay Andrei.

Andrei Sandoval
active now

France: hoy may survey ako

Andrei: ay, ano yon?

France: if gusto kita ulit, may chance pa ba?

Andrei: wait ingame ako HAHAHAHA

2:00 PM

Andrei: ano ulit survey mo?

tangina, napakaslow ng tao grabe. message nalang nga, di pa marunong mag back read. napairap ako pero syempre crush ko e, gusto ko yung tao so wala akong choice kung gusto ko maghingi ng 2nd chance. inulit ko yung sinabi ko at nasaktan ako sa sinabi niya, masakit sya oo pero kailangan ko tanggapin yon.

Andrei: huh? nakamove on na ako.

napatingin ako sa aking pinsan na nakangiti pero iba ang meaning ng aking ngiti, lungkot na ngiti ang aking pinakita. ang sakit. wala na nga talaga, ayaw na nya. siguro ayaw niya rin magsettle sa babaeng katulad ko. walang kasiguraduhan sa buhay.

"hoy, start mo na. bakit ang tagal mag queue ng leader dyan?" reklamo ni Jhoe, ang aking kaibigan na kalaro ko sa valorant.

napabuntong hinga ako at pinindot ang start button. naghintay kami saglit at syempre, di naman mawawala ang maiingay na kalaro ko na kung ano ano nalang yung sinasabi. nakapush to talk naman ako kaya di nila ako maririnig na malungkot moments ako ngayon. di ko lang talaga matanggap na yon na pala ang katapusan ng aming kwento ni Andrei.

willing naman kasi ako magbago, o baka nagawa lang yon kasi gusto ng lahat na magbago ako. inaamin ko naman na mali ako e, gusto ko lang ng 2nd chance. pero kailangan ko na talaga siguro umahon sa hukay at gawin ang mga gagawin para makalimutan tong feelings ko kay Andrei.

he fell too early and she fell too late.

we broke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon