03 - Dream

2 0 0
                                    

nakarealize ako ng marami after ko malaman na ayaw na talaga ni Andrei sakin. dami kong need baguhin sa sarili ko para lang sa kanya pero ewan ko ba, naging character development lang pala ako sa kanya. nagmove on sya kasi akala niya wala nang chance kahit meron naman talaga.

wala naman akong ginawa kundi titigan ang pader tsaka magpamusic ng kung ano-ano. nafefeel ko talaga na need ko ng kausap kaya nag instagram story nalang ako. naalala ko kasi na may babaeng kajoin si Andrei nung isang araw, kasama pa nga ako. oh diba, ako pa ginawang third party.

pinost ko na ang video na nakatakip ako ng aking baba at umiiling-iling sa harap ng camera na may caption na : grabe ito pala feeling na ayaw na sayo yung tao.

nagreply ang kaibigan ni Andrei non na si Christian kaya nagulat ako. I mean oo, di naman kasi kami nagchachat not until about kay Andrei na ang pinag uusapan namin e.

stianch: dasurvvvv

gago talaga oh. nireplyan ko nalang siya ng "k" at nagreact sya ng like sa message ko.

sa loob ng ilang weeks, lagi nalang si Christian kausap ko kapag nagvevent out ako tungkol kay Andrei. ang komportable nya kasi kausap tsaka may vibe talaga na sya nagugustuhan ko. hindi ko lang alam kung ano 'yon pero kusa nalang talaga na sya yung lagi kong nilalapitan para magvent out.

inaya niya ako maglaro ng valorant kaya ayun okay lang naman kaso ang tahimik niya maglaro, ang awkward kasi ako puro nagsasalita sa mismong game.

"ah, andyan si sage. minus 140, dinked." sabi ko kasi nagbibigay ako ng comms sa aming party.

"ah saan nga ulit yon?"

"dyaan sa pillar."

hanggang sa natapos yung laro, tahimik parin siya. ang awkward magsabi pero hinayaan ko nalang at kumuha ng pagkain.

"France, ayoko na maglaro. nice g, nice g," wika nya at umalis na siya sa party lobby.

at ako ulit mag-isa pero nagnotif naman ang Instagram ko. pagtingin ko, nagchat pala sakin si Christian doon.

stianch: hoy nice g. bot frag ka parin kahit ano gagawin mo

napangiti naman ako kahit papano pero, walang malisya yon.

wala naman ako masyadong ginagawa araw-araw, gumigising lang ako para maglaro tapos minsan gumagawa ng activities. alas 10 na ng gabi kaya natulog na ako.

"hala oh, buti naman nasa tamang tao na si Christian," sabi ko habang tumitingin sa story ng aking kaibigan na babae na naka light brown yung buhok.

"sana ako rin.." napangiti ako at bumulong sa sarili ko.

leighmonade: hoy grabe laki na ulo mo nyan???

stianch: gago ampota HAHSHAHA salamat nalang???

leighmonade: stay strong sa inyo, boi.

pero huh natulog ako kanina so ibig sabihin, nanaginip ako. bakit ba ako nanaginip? si Christian pa nga napaniginipan ko. gago?

nagising nalang ako dahil sa gulat. nakakagulat talaga na napaniginipan ko si Christian. of all people, siya pa e pwede naman kasi si Andrei tsaka yung mga gagawin ko with him pero hindi e, si Christian talaga.

tinawag ko nalang ang dalawang kaibigan ko at buti naman ay dumating rin sila sa bahay.

"tita, hello! may pagkain kayo dito?" tanong ni Henna tsaka inopen pa yung ref namin.

"walang hiya talaga oh, pero oo nga tita, hello!" sagot naman ni Chantelle.

natawa nalang ang aking inay at tumango kaya napakunot ang noo ko sa bati nila kay mama. mga siraulo talaga, ewan ko ba.

"so ano ba chika mo?" nakangiting tanong ni Chantelle sakin habang hawak-hawak ang yogurt na nakuha niya sa ref, umiinom na rin siya ng tubig.

"may weird thingy ang nangyari sakin kagabi."

tumango naman si Henna at inayos niya ang kanyang buhok. "anong weird thingy ba?"

"napaniginipan ko ang pinsan mo, Chantelle."

parang umurong ang lalamunan ni Chantelle at nabilaukan siya sa aking sinabi. umuubo na siya at hinawakan ko naman ang likod niya para malabas yung tubig na nastuck sa kanyang lalamunan.

"ano sabi mo? pakiulit nga," pakiusap ni Chantelle.

"sabi niya yung pinsan nya daw napaniginipan  niya."

"di mo naman siya gusto diba?"

umiiling ako at sumimangot. "magkaibigan lang kami pero ito kase, may instagram story siya sa panaginip ko tapos ito yung filter gamit," pinakita ko naman kina Chantelle ang filter na dazz cam sa instagram. "browned hair yung babae don, nakayuko."

"hmm, baka may feelings ka na sa pinsan ni Chantelle ah." nang aasar na sabi ni Henna sakin, tinusok pa nga tagiliran ko.

"hoy, hindi ah! walang malisya, baka gusto ko lang talaga na magkaroon siya ng strong love kasi nga diba, shitty yung lovelife niya dati."

tumango naman si Chantelle na nakadownward smile, tumitingin pa nga kay Henna na parang nang-aasar.

"di mo alam kung ano susunod na mangyayare, bes. minsan nagsisimula talaga yan sa panaginip kasi diba lagi naman kayo magkausap ni Christian? bukambibig mo nga siya e, dati si Andrei tas ngayon puro si Chanchan Chanchan, pwe." umirap si Chantelle at natawa.

"e lagi naman kami nag uusap non e, alam ko namang napapagod na kayo sa sad girl phase ko kaya sa iba ko nalang ibubuhos, hehe"

napailing sila dalawa at nagbuntong hinga. may nasabi ba akong mali? friends naman talaga kami ni Christian, pero if meron man, di naman ako magcoconfess kahit kelan kasi nga pagod na ako mareject.

nagsscroll ako sa Facebook at nakita ang promotion poster para sa libreng concert sa lugar namin pero malayo sa bahay pero di naman ako fan ng mga banda kaya di ko na binigyan ng pansin yung poster.

"hoy, be! december avenue! punta tayo pleaseeee," pagmamakaawa ni Chantelle habang pinakita niya yung poster galing sa phone niya.

"uuwi na ako sa mindanao bukas e, sayang naman!" napalingon kaming dalawa ni Chantelle kay Henna kasi wala naman siyang sinasabi sa amin.

"bakit ngayon mo lang nasabi?"

"e busy kayo both e, puro lovelife rin natin yung pinag uusapan natin sa gc pero babalik naman ako sa april. fights na yan! di lang ako makakasama sa concert."

"ayyy, ingat. ano ba oras flight niyo?" tanong ni Chantelle.

"mamaya na." napataas ang kilay namin ni Chantelle. tumango lang si Henna at ngumiti.

gagi, hindi man lang kami sinabihan na aalis pala si gaga today e. sabi niya kasi tomorrow sila uuwi kaya akala ko tomorrow pa talaga. ang ibig sabihin pala ay nasa mindanao na siya bukas.

lumapit kami ni Chantelle kay Henna at niyaka siya. natatawa naman si Henna sa amin.

"ano ba yan, parang di na magkikita e."

"kaya pala dressed up si gaga."

"ingat ka haaa, labyu bessywap."

kumalas na kami ni Chantelle yakap namin ni Henna at ayun nagpaalam na rin silang dalawa kasi nagchat na daw ang namay ni Chantelle sa kanya tapos si Henna naman ay ilang oras na para sa flight nila.

pero ano ba ang meaning ng aking panaginip?

we broke upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon