pinag-isipan ko ng mabuti kung ano yung magiging desisyon ko pero baka di lang ako payagan ng aking mga magulang. binalewala ko nalang yung concert tsaka nakaramdam na naman ako ng lungkot na nakapaligid sa akin.
nag-open ako ng riot account ko at iniba ko yung pangalan ng aking smurf account sa valorant. baka naman siguro ito rin yung way ng pagmomove on ko kay Andrei. from snowie to butterfly na pangalan ko sa valorant. naging komportable naman ako sa paglalaro doon na walang overthinking na nangyayari kaya naman ay napangiti ako sa ginagawa ko. ito, tama 'to.
ilang laro na rin ang aking nalaro, may narinig akong message tone sa valorant kaya nagulat naman ako.
galing ito kay Andrei.
(Whisper) ayanokoji: sino 'to? kakilala ba kita?
may nabuong ideya ako para naman maramdaman ni Andrei kung ano yung nararamdaman ko. hindi ko alam pero sure akong nakakatawa 'to, masaya 'to. ngumiti ako at nagreply sa kanya.
(Whisper) butterfly: huh?
(Whisper) butterfly: hindi ee. baka nakalaro kita dati at magaling ka kaya kita inaadd
(Whisper) ayanokoji: anong laro ba yun? haha
(Whisper) butterfly: hindi ko matandaan e~
(Whisper) ayanokoji: gusto mo ba laro tayo 1 game?
(Whisper) butterfly: sige ba! wait lang.
bigla akong nakaramdam ng masama sa aking binabalak pero natatawa talaga ako kung ano susunod na mangyari. kakaibiganin ko siya rito tapos makakamove on na ako ng matindi. agad ko naman kinuha ang phone ko na biglaang nagvibrate, tumawag sakin ang isa pang kaibigan ni Andrei na si Lance. napakunot naman ang aking noo at sinagot ito.
"oh, bakit?" inis na tanong ko sa kanya kasi naman nag lalaro ako e, istorbo.
"wala lang. ano ginagawa mo?" kitang kita ko yung malaking noo nya sa screen.
"naglalaro. bakit?"
"ako rin!!" sabi niya tapos pinakita yung monitor nya, may isang pamilyar na boses ang napansin ko kaya tinaas ko ang isa kong kilay para naman makaramdam si Lance na curious ako kung sino yon.
"oh andito yung bebeloves mo oh," binigay niya kay Andrei yung phone at kaya naman napatawa ako pero agad ko naman iyon tinago ang aking mga ngiti.
"oh tangina mo." sabi niya tsaka binalik niya yung phone ni Lance. pero nascreenshot ko yung mukha namin before niya isauli yung phone.
oh ayan, remembrance. kinikilig na naman ako.
"may gagawin ba na activities?" tanong ni Lance.
"aba't malay ko. student ka naman diba, check mo kaya,"
"ay wala nga. sige ayun lang." binaba agad ni Lance ang tawag kaya napafocus na ako sa laro.
9-3 pa yung score kaya naman nung namatay ako dahil sa headshot ni Reyna na kalaban, agad ko naman kinuha ang aking phone at nag open agad ng instagram para mabalitaan ko si Christian about dito. siya lang talaga yung kaibigan na nilalapitan ko kaysa sa ibang friends ko. masyado silang busy sa buhay tsaka siya lang din yung nakakaalam sa nararamdaman ko kasi parehas kami medyo.
leighmonade: HOY! MAY KWENTO AKO
ADGSAHDGASHDGASH
WAG MO SABIHIN NA AKIN YUNG ACCOUNT NA BUTTERFLY HAstianch: pinagsasabe mo?
leighmonade: BASTA ASJDGSAHDGASDHAGSHDA NAGKAUSAP NGA RIN KAMI
leighmonade sent a photo
AYAN <33stianch: wow china all.
kilig na naman yung pwet mo dyaan.
nirereject ka na nga, dyaan ka parin
jett main pa, e magdadash naman yan sa ibang tao HAHAHAHAHAHAleighmonade: tangina mo
wag na nga!!stianch: joke lang e! ito naman HAHAHA
nga pala may nireto sakin kaibigan ko
ito name niya
Nicole Manuel
bigyan mo naman ako ng banatleighmonade: HAHAHAHA OY EASY LANG YANNN
sabihin mo "hi miss, pwede pakiss?"
o kaya "ang nicolelang sa buhay mo ay ako"stianch: HAHAHAHHAHA GAGO
mas marunong pa sakin oh
bigyan kita ng pera kapag successful to
type ko rin kasi since thicc siyaleighmonade: marami pa naman akong banat dito, baka gusto mo turuan kita?
stianch: HAHAHAHAHAHHAHAHA ano ba gcash mo, sendan kita mamaya
leighmonade: sabi mo yan ah!! baka scam
stianch: hindi ah HAHAHAHA bet na bet ko yung mga banat mo e.
natapos rin yung laro ko na solo gaming lamang kaya naman ay nagchat si Andrei na "g?" kaya naman sumali na ako sa party niya. para hindi ako mabuking ay nagtatype nalang ako kasi mahahalata kung sino ako kapag ginamit ko yung party voice. tinatamad pa naman ako mag type pero huhu sige, panindigan natin 'to.
"may discord ka ba, butterfly?" tanong ni Andrei sa malambing niyang boses kaya naman ay napa-open ako ng browser para makagawa ng bagong discord.
may email naman ako na extra kaya naman ay discord tsaka code nalang ang kailangan ko para makagawa ng account. nagtype na rin ako sa chatbox na "oo" kaya ayun, nanghingi siya sa discord ko; ni butterfly.
ito na yung simula ng pagpapanggap.
BINABASA MO ANG
we broke up
RandomFrance Leigh Hernandez, a red flag girl who is inlove with another red flag, Christian Almarez. ctto for the album art