Wind In Window [03]

140 30 4
                                    

Sa tagal nang mag kakilala ni Ken at Mae. Halos lahat na ata nang bagay bagay na meron sila shi-ni-share nilang dalwa sa isa't-isa. Subalit ang hindi alam ni Ken may isa pang malaking bagay sa pag katao ni Mae ang hindi pa nya alam.


Ganun lang ang Daily routines nila. Papasok si Ken sa umaga uuwi sa hapon, tapos bonding naman nila ni Mae sa hating gabi. Ewan ko nga ba? Kung bakit hindi nag sasawa si Ken sa sitwasyon nilang dalwa ni Mae.


Si Mae naman nabawas-bawasan na ang inggit sa mga batang napasok. Kasi naman kada mag uusap sila ni Ken, kinu-kwento lahat ni Ken rito ang mga nang yayari sa kanya sa School, yung mga natututunan nya school, at dahil rito parang pakiramdam ni Mae ay napasok narin sya sa paaralan kasama si Ken.


Subalit isang araw, isang napaka laking problema ang dumapo sa pag sasamahan nilang dalawa. Sinugod kasi sa Hospital si Mae nang hindi man lang alam ni Ken dahil nasa paaralan ito. Kaya naman nang malaman ni ken ang tungkol sa masamang balitang ito, ay agad syang napa takbo papuntang hospital.


Subalit hindi nya inaasahan ang nadatnan nya doon.


"Sino sya? Sino kayo? .. Ibalik nyo ako kay Ken!" Sigaw ni Mae habang nag wawala sa kwarto nya sa Hospital.


Nanglumo si Ken nang maka usap nya ang mommy ni mae sa labas nang kwarto nito sa Hospital.


"Ikaw ba si Ken?" Seryoso habang naiyak na sabi ng mama ni Mae.


"Ako nga po ma'am .. Ba-bakit po? .. A-ano po ba ang nangyari kay Mae?" Nag aalalang tanong ni Ken rito.


"Ikaw pala!" Sabi nang mama ni Mae sa Malungkot na tono nito.


"Anong ako po pala?" Nag tatakang tanong ni Ken na talaga namang walang ka alam alam sa mga nang yayari.


"Sasabihin ko na sayo hangga't maaga pa .. Si Mae ay may sakit .. Sakit sa utak .. Na namana pa nya sa mga ninuno nya. Buwan buwan nawawala ang memory nya at alam mo bang sa tuwing makaka limot sya? Isa lang ang natatandaan nya .. Ken .. Palagay ko'y minahal kana nang anak ko. Alam kong nag uusap kayo tuwing hating gabi .. Hindi ko lang kayo pinipigilan kasi nakikita ko .. Nagiging masaya sa piling mo ang anak ko .. Na kahit papaano nakakalimutan nya na may sakit sya at may taning na ... Ang buhay nya!" Hindi na napigil nang mama ni Mae at napa hagulgol na ito.


Natulala si Ken sa mga narinig. Hindi nya alam ang gagawin! Nagagalit sya kay Mae dahil bakit hindi ito sinabi sa kanya ni Mae kaagad? Bakit ngayun pa nya nalaman kung kailan .. Kung kailan .. Mahal na nya ang babaeng ito at ayaw na nyang mawala pa ito sa piling nya.


" .. 3 buwan nalang ang itatagal nya .. Kahit papaano naman gusto ko syang sumaya hanggang sa kanyang huling hininga .. Kaya pina uubaya ko na sya sayo ken .. Itakas mo sya sa Hospital mamaya .. Sigurado ako maaalala ka na nya mamaya .. Ken ikaw na bahala sa kanya! .. Paligayahin mo sya!" Sabi nang mama ni Mae sa tono nang pag mamakaawa bago tuluyan nang umalis at iniwang nag iisa si ken sa labas nang Hospital room ni Mae.


Pahakbang na sana si Ken paalis nang hospital dahil hindi nya ata makakaya na mag mahal nang babaeng mawawala rin agad. Subalit isang tinig lang nang babaeng naiyak ang narinig nya sa loob nang kwarto ni Mae, ay napatigil ito.


I never dream
Cause i always thought that dreaming was for kids
Just a childish thingy..


Ken's POV


Bakit? Bakit Mae? Bakit kahit alam ko na na may sakit ka .. Hindi parin kita magawang iwan? .. Naaasar ako sayo. Bakit kaylangan mo pang umalis at iwan ako? Dito ka nalang mae.


And i could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game ...


Till i met you
I never knew what love was
Till i met you
This feelings seems to grow more
Everyday i  love you more each day ..

Hindi ko kaya mae. Natatakot ako na mahalin ka nang tuluyan. Sawang sawa na akong maiwan. Ayuko nang masaktab Mae. Bakit hinayaan mong mahalin kita nang ganto? .. Bakit Mae? .. Bakit?

I believe you
I believe in every word
That you say
I love you all the way
Now i could swear
Love is not a game that childrean play
So tell me that you've stay ...

THIRD PERSON'S POV


Hindi na kinaya ni Ken at tumakbo na ito palabas nang Hospital. Pag ka uwi nya nang bahay nila ay agad syang kumuha nang mga damit nya at inilagay ito sa isang malaking bag. At pag ka tapos nya mag impake ay pumunta na sya sa bahay nila Mae at kinuha na doon ang inihandang damit nang mama ni Mae para kay Mae.


Pag ka tapos ay dali-dali itong pumuntang hospital at doon nalang ito dumaan sa bintana ni Mae, tutal ay nasa 2nd Floor lang naman ang Hospital Room ni Mae. Pag ka pasok ni Ken sa kwarto ni Mae ay naabutan pa nya itong gising.


"Ken?" Agad na nakilala ni Mae si Ken at niyakap nya ito nang mahigpit. Subalit si Ken nag aalinlangan pang yakapin si Mae. Pero sa huli napayakap narin ito kay Mae.


Sinabi kaagad ni Ken ang plano nya kay Mae. Si Mae naman ay hindi na nag isip pa at sumama na ito kay ken. Alam nya kasi na hindi sya pababayaan nito. At gusto rin naman nya na makasama nang matagal ken, hindi yung sa bintana lang sila.


Subalit nang inaalalayan na ni Ken si Mae pababa nang bintana ay biglang may nakakita sa kanilang nag iikot-ikot na guard. Kaya naman dali-dali ang dalawa dahil hinahabol na sila nang guard na ito at humingi pa ito nang tulong sa iba pang tao sa loob nang Hospital.


Sa bilis nilang dalawa tumakbo ay hindi na sila na abutan nang mga nang hahabol sa kanila. Takbo lang nang takbo sila Mae at Ken, hindi nila namamalayan na wala na palang humahabol sa kanila.


Tuwang tuwa si  Mae dahil pakiramdam nya malayang malaya na sya. At nag papasalamat sya na si Ken ang nag palaya sa kanya.


Wind In Window (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon