Wind In Window [07]

51 23 0
                                    

Kasalukuyan nang tulog si mae subalit si ken, gising parin. Hindi maka tulog dahil sa ginawa nanaman sa kanya ni mae kanina.

Napakamot nalang ito sa ulo nya sabay itinakip ang unan sa ulo nya. Ilang minutong ganon ang pwesto nya subalit hindi parin sya maka tulog. Daig pa nya ang may Insomia.


Kaya naman na pag pasyahan na ni ken na mag pahangin muna sa labas.  Umupo sya sa mahabang upuan na kahoy sa labas nang bahay ni manong henry.


Tumingin sya sa kalangitan tyaka bumuntong hininga.


Ken's POV


Bakit? Bakit nyo lagi akong hinahayaan na mahulog sa isamg taong kukunin nyo lang din naman nang ganun ganun lang?


Sawa na ako. Sawang sawa na ako mag mahal. Kaylangan ko nanaman bang gawin ang ginawa ko dati??

Kaylangan ko nanaman bang makonsensya at mag hirap para maka limot?

Ayuko na po eh! Ayaw ko nang mag mahal ulit nang taong alam ko namang mamamatay rin agad. Ayaw ko mag mahal nang taong mamamatay lang din agad.

Kaya naman kung kaylangan kong gawin ulit ang ginawa ko rati? .. gagawin ko .. hanggat maaga gagawin ko .. para hindi na masakit para sa akin kapag dumating na ang araw na yun.


Third Person's POV


Nag taka si mae pag kagising nya. Wala kasi sa sahig si ken. Agad itong bumangon para hanapin si ken.

"Asan na kaya yun? .. ang aga gumising .. alas singko palang nang madaling araw oh .. madilim pa!" Bulong ni mae sa sarili. Iniingatan nya kasing makagawa nang ingay. Baka kasi maka bulabog sya nang natutulog.


Hinanap na ni mae sa buong bahay si ken subalit hindi parin nya ito makita. Kaya naman na isipan na nyang hanapin sa labas. At hindi nga sya nag kamali. Nakita nya si ken na nakahiga sa mahabang kahoy na upuan sa labas nang bahay.


"Ano kayang ginagawa nang lalakeng to dito? .. hindi ba to nilalamig?" Tanong ni mae sa sarili.


Agad naman naka isip nang magandang ideya si mae. Kinuha nya ang makapal na kumot sa kwarto nila ni ken at itinakip ni mae ito sa katawan ni ken.


Hindi na nya ito ginising dahil halata naman na malalim ang tulog nito. Para ngang katutulog lang nito eh.


Nag iintay lang si mae sa pag tilaok nang mga manok. Subalit nainip ito sa kakaintay na mag umaga. Eh hindi naman na sya makatulog dahil nawala na ang antok nya.


Kaya naman naisipan nalag nito na mag luto nang pang aalmusal-in nila, para naman malibang libang naman sya habang hinihintay na mag umaga.

Isa pa ay ngayun nalang ulit sya makakapag luto kaya naman excited sya. Agad itong nag hanap nang malulutong pag kain sa ref, at nang maka hanap ay nag luto na.


Natapos si mae mag luto eksakto alas-sais na, subalit hindi pa ganun kaliwanag sa labas. Kaya naman nag isip pa sya nang pwede nya pang magawa.

Agad naman itong naka isip. Kumuha sya nang papel at ballpen, at doon nag sulat nang mga bagay na gusto nyang gawin kasama si ken.

Habang nag susulat ito ay kinikilig. Para itong baliw na sigeng ngiti habang nag susulat.


Things That I Like To Do With Ken▩

1. Gusto kong mag tanim nang strawberry kasama sya.

2. Gusto kong maligo sa batis kasama sya.


3. Gusto kong mag simba kasama sya.


4. Gusto kong mamalengke kasama sya.


5. Gusto kong manuod nang sine kasama sya.


6. Gusto kong mamasyal kasama sya.

7. Gusto ko mag bike kasama sya.

8. Gusto ko ma mangka kasama sya.

9. Gusto ko lumipad sa himpapawid kasama sya.

10 .. uhm...

Nagulat si mae nang may marinig na nag salita sa kanyang likuran. "Mae?" Agad namang itinago ni mae ang isinusulat nya dahil natunugan na nya agad ang boses nang lalakeng nasa likod nya. Humarap sya rito at ibinigay rito ang malalapad nyang ngiti. "Good morning .. gising kana pala!" Hindi mapakali na sabi ni mae. Idinuduyan duyan pa nga nito ang dalawa nyang kamay.

"Ah .. ah eh .. sino nag dala nang kumot nato dun sakin?" Nag tatakang tanong ni Ken. "A-ako!" Nahihiya na sabi ni mae. Ewan ko ba! Kung bakit nahihiya sya kay ken. "Ah ganun ba? .. salamat" sabi ni ken kay mae habang pilit na nakangiti. Pagka tapos ay nag lakad na ito papasok sa kanilang kwarto.

Nakihiga naman dun nang maluwag si mae. Akala nya kasi nakita ni ken ang mga pinag sususulat nya. Balak pa naman nyang itago ito sa binata.

Si mae, habang naliligo si ken, ay dahan dahang pumasok sa loob nang kwarto nila ni ken. At doon maingat na itinago ang listahan nya sa ilalim nang kutson nang kama nila.

Subalit hindi alam ni mae na pinag mamasdan na pala sya ni ken kung ano ang ginagawa nya.

Nang tapos na ni mae itago. Ay nag lakad na ito palabas nang kwarto. When suddenly nag kabungguan sila ni ken. Na sadya naman ni ken, para hindi mahalata ni mae na sinusundan nya ito.

Subalit wala sa plano nya ang madulas si mae at saluhin nya ito, hanggang sa natumba silag dalawa. Ngayun mag ka patong na sila sa isa't-Isa. Parehas nagulat ang dalawa. Matagal tagal din silang nag ka titigan sa mata. Tyaka lang nag hiwalay nang magising sa sari-sarili nilang wishu.

Hindi naman mag ka tinginan ang dalawa. Kapwa silang dalawa nag kaka ilangan sa nangyari. Nagulat naman si ken nang makitang namumula si mae.

"Ah .. eh sige! .. labas muna ako!" Pag papalusot ni mae kay ken. Dahil ang totoo, gusto nya matakasan ang kahihiyang nangyari sa kanilang dalawa ni ken.

Si ken naman pumasok na sa loob nang kwarto at ini-lock ito, para siguradong hindi makaka pasok si mae. At nang ma i lock na ang pinto ay dali-daling tiningnan ang itinatago ni mae sa ilalim nang kutson nang kama nila.

May nahawakan itong papel mula sa pangangapa. Kaya naman agad nya itong kinuha at tiningnan kung anong laman. Kung ano ang itinatago sa kanya ni mae.

Bigla naman syang namula at nag init nang malaman kung anong laman nang papel nato.

Wind In Window (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon