Wind In Window [04]

106 29 4
                                    

Tumigil silang dalawa sa isang park. Gabi na kaya naman wala na masyadong tao roon. Umupo sila sa isang bench at doon nag pahinga. Ang saya saya ni Mae kahit pa pagod na pagod na sya. Ngayun nalang ulit kasi sya naka takbo nang ganun. Habang si ken naman ay hindi parin komportable na kasama si Mae.


"Masaya ka ba?" Nag aalinlangang tanong ni Ken kay Mae.


Tango lang naman ang naisagot ni Mae habang naka ngati ito sa malayo at nag duduyan nang kanyang mga paa.


Ang layo nang pagitan nang upo nilang dalawa, na agad namang napansin ni Mae.


"Bakit ang layo mo?" Tanong ni mae rito na may bahid pag tataka. Agad namang umuwas nang tingin si Ken. Matagal ito bago makasagot. Nung wala nang maisip na dahilan ay umurong nalang ito palapit kay Mae.


"Yan! .. " tuwang tuwa na sabi ni Mae. Sabay yakap kay Ken. Hindi naman malaman ni ken ang gagawin. Hindi sya mapakali. Pakiramdam nya init na init sya. Pakiramdam nya namumula sya.


"Ah .. wait lang .. Di-dito kalang huh? .. Bibili muna ako nang pag kain natin!"  Pag papalusot ni ken. Sabay dali-daling lumayo kay Mae. Si mae naman naiwan sa upuan na nag tataka. "Anong nangyari dun?" Tanong ni Mae sa sarili nya.


Nung malayo-layo na si ken kay mae ay tyaka ito huminga nang malalim. Pinunasan nya ang mga namumuong pawis sa kanyang nuo.


Hindi nya alam kung bakit sya nag kakaganun. Kung bakit sya kinilig at nag init bigla. Mabuti nalang talaga at naka takas kaagad sya kung hindi ay baka sumabog na sya ron.


Huminga nalang ulit sya nang malalim bago pinag patuloy ang pag lalakad para bumili na nang pag kain nila ni Mae.


Pag kabili ni ken nang pag kain nila ni Mae ay agad itong pumunta sa lugar kung saan iniwan nya si Mae. Subalit laking gulat nya nang makitang wala na roon si Mae. Agad na kinabahan si Ken. Inikot na nya ang buong park subalit hindi parin nya makita si Mae. Hindi naman sya maka hingi nang tulung sa pulis dahil tumakas lang itong si Mae sa hospital.


Mag iisang oras nang nag hahanap si Ken subalit hindi parin nya makita si Mae. Nagulat nalang ito nang may maramdamang humawak sa kanya sa braso.


"Ken!" Sumalubong sa kanya ang nakangiting si Mae.


Nagulat si ken at syempre nakahinga narin sya nang maluwag. Umayos sya nang tayo at humarap kay mae na naka ngiti nang todo.


" .. San ka ba galing? ..." Inis na sabi ni Ken rito.


"Wala! .. Tiningnan ko lang kung hahanapin mo ako!" Lokong sabi ni Mae habang pinag didikit ang mga dulo nang daliri nya.


" Haaayy!" Malalim na buntong hininga ni Ken Habang naka kunot ang nuo.


"Ayeeee .. Nag alala ka noh?" Pang aasar pa ni Mae kay Ken.


Umiwas naman si Ken nang tingin rito. "Hindi ah! .. Hinanap kita kasi baka mamaya .. May kumidnap sayo!" Palusot na sabi ni Ken.


"Oh edi nag alala ka nga!" Sabi ni Mae habang binabangga bangga ang bewang ni Ken.


"Hindi nga sabi!" Indenial parin na sabi ni Ken.


Sakto naman na may napadaan nang bus pa maynila kaya naman naka isip si Ken nang magandang idea para makatakas sa pang aasar sa kanya ni Mae.

"Tara na andun na yung bus oh!" Sabi ni Ken habang hinihila si Mae.


Pinigilan naman ni Mae ang pang hihila sa kanya ni Ken. "Bakit san tayo pupunta?" Tanong ni Mae.


"Sa Probinsya namin!" Sabi ni Ken sabay hila nanaman kay Mae. Pero pinigil nanaman ito ni Mae.


"Aalis tayo na ganto suot ko?" Tanong ni Mae habang naka tingin sa Hospital Dress nya.


"Ano kaba nakatakbo ka nga na naka ganyan, ano pa kaya kung naka sakay na tayo?" Inis na na sabi ni Ken.


"Oo nga no? .. Oh sige na nga!" Tapos nag pahila na si Mae kay ken at Sumakay na sila sa Bus pa maynila.


Habang na byahe, hindi maalis ni ken sa isip nya ang mga ginawang pang aasar sa kanya ni mae kanina. Ngayun lang nya nalaman na may ganung side pala na kakulitan si mae.


Tiningnan ni ken ang mukha ni Mae habang natutulog ito at naka patong ang ulo sa balikat nya.


Ngayun lang nya nakita na ganun kasaya si mae. Ngayun lang nya nakita ang ganung kalalapad na mga ngiti ni mae. Masaya sya dahil masaya si mae. Pero bakit paki ramdam nya may mali sa nararamdaman nya? Ito ba ay dahil sa sakit ni Mae?


Bigla syang may naalala sa sinabi sa kanya nang mama ni mae.


FLASHBACK

"ken naki usap sakin si mae na wag ko daw sabihin sayo na may sakit sya .. Ngayun hindi nya alam na alam mo na .. Isa lang ang hihilingin ko sayong pabor .. Wag na wag mong sasabihin sa kanya na alam mo na .. Kasi magiging mahirap ito para sa kanya!" 

"Sige po tita!"


END OF FLASHBACK

Patawad mae kung mag sisinungaling ako sayo ..

At inayos nya ang buhok na tumakip sa mukha ni Mae. Sabay halik sa Noo nito.


Dalawang oras na ang naka lilipas subalit na byahe parin sila. Pati si ken di nya namamalayan na naka tulog na pala sya. Nagising nalang sila nang pumreno bigla ang bus dahilan para mapayuko silang dalawa at magising.

Nag katinginan naman ang dalawa. Napatawa naman si Mae nang makita si Ken na inis na inis, habang kinukuskos nito ang mga mata nya.

"Ayaw mo palang na iistorbo ko sa pag tulog?  Parehas tayo .. Sa wakas may alam na ako na ayaw mo!" Nakangiting sabi ni Mae habang naniningkit ang mata dahil mula ito sa pag tulog.

"Bakit mo naman inaalam ang mga ayaw ko?" Nag tatakang tanong ni ken.

"Para di ko na magawa .. Lalo pa ngayun na mag sasama na tayo sa iisang bahay!" Kinikilig na sabi ni mae sabay patong nang ulo nya sa balikat ni Ken.

Nagulat naman si ken sa sinabi ni mae. Hindi nya kasi akalaing lalabas ito sa bunganga ni mae. Totoo ngang di pa nya kilalang lubusan si mae.


Wind In Window (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon