Reality

57 2 0
                                    

Chapter 3

Louie's POV

Nagulat ako sa nalaman ko nang mga oras na yun parang biglang tumigil ang oras at gusto ko na lang biglang bumuka ang lupa at lamunin na lang ako bigla akong nagmistulang bingi ni hindi ko narinig na paulit ulit akong tinatawag ni mommy basta tuloy tuloy ako sa paglabas ng bahay lakad takbo ang ginawa ko at parang may sariling isip ang paa ko at dinala ko sa lugar kung saan ako nagiging komportable...

Hindi ko alam kung kelan huhupa ang luha ko halo halo ang feelings na nararamdaman ko saya lungkot at higit sa lahat guilt...

Sobrang naguguilty ako kasi hindi naging maganda yung pakikitungo ko kay daddy simula nang nalaman ko yung tungkol kay tita bettina tapos malalaman ko na si mommy pala ang other woman napaka ironic nang nangyari sakanila. Parang nang mga oras na yun gusto kong tawagan si daddy pero wala akong lakas ng loob ni hindi ko nga alam kung may mukha pa akong maihaharap sakanya eh...

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko si patrice...
"hoy babae ka naasan ka na naman? tumawag sakin si tita eloisa hinahanap ka saka may kasalanan ka saki---" hindi na naituloy pa ni patrice ang sasabihin nya nang marinig nyang umiiyak ako.
"pat i need you now. alam mo naman kung san ako pupuntahan eh" sabi ko sakanya sa pagitan ng pagiyak
"ok sige hintayin mo ako dyan ha" yun lang at nawala na sya sa linya.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang luha ko at parang hindi ito nauubos kahapon umiyak na din ako ngayon umiiyak na naman ako hindi ko alam kung hanggang kelan matatapos tong nararamdaman ko.
Maya maya pa ay nakita ko na si patrice tuloy tuloy na namang tumulo ang luha ko.
"louie ano na namang nangyari?"
"pat alam ko na."
"na ano?"
"hindi ako tunay na anak ni daddy. bakit ba nangyayari sakin to pat bakit ganon pinarurusahan ba ko ni lord. Naguguilty ako pat kasi sa lahat nang magandang ginawa nya para sa amin ni mommy kasalbahihan pa yung iginanti ko sakanya." sabi ko habang yakap yakap ako ni patrice at umiiyak "alam na ba ni tito enrique na alam mo na?"
"hindi pa hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa mga ipinakita kong panget na ugali saknya hindi ko alam pat hindi ko alam." at muli na naman akong napahagulgol.
"louie mapapatawad ka ni tito mahal na mahal ka non ano ka ba. tahan na pati ako naiiyak sayo eh"
Sabi ni patrice habang hinahagod ang likod ko
"umuwi ka na magusap kayo ng maayos ni tita eloisa"
"ayoko munang umuwi pat tawagan mo nalang si mommy na nandoon ako sayo para hindi magalala ayokong umuwi ng ganito ang itsura ko" sabi ko kay pat habang pinupunasan ang luha ko na unti unti ng humuhupa.

Ewan ko ba napakaswerte kot may kaibigan ako na matatakbuhan ko sa tuwing darating ang ganitong sitwasyon matagal na kaming magkaibigan ni patrice sa dami ng pinagsamahan namin daig pa namin ang magkapatid.

pakiramdam ko nailabas ko na lahat ng luha ko nong umiyak ako.
Un ang akala ko biglang tumunog ang cellphone ko si daddy hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi "sagutin mo na mamaya nay importanteng sasabihin si tito enrique" at sinagot ko nga "louella ang mommy mo nandito sya ngayon sa hospital" garalgal na sabi ni daddy "ho bakit anong nangyari kay mommy?" takang tanong ko eh ang pagkakaalam ko wala naman syang sakit "bastat pumunta ka nalang dito bilisan mo"
Yun lang at nawala na ito sa linya natulala ako.
"hoy anong nangyari sayo?" pitik sa hangin mi patrice ang nagpabalik sakin. "samahan mo ko sa hospital pat si mommy nahospital".

____________________________________
To be continued...

Between Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon