A Secret Revealed

71 2 0
                                    

Chapter 2

Eloisa's POV

Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa anak ko ang matagal ko ng lihim tungkol sa pagkatao nya... matagal ko na sanang ginawa to pero ayokong masaktan sya kahapon pa ko nagaalala kung nasaan sya salamat sa diyos at sinagot nya ang tawag ko at nalaman kong nasa bahay sya ni Patrice.

Kapag dumarating yung time na nagaaway kami ng daddy nya hinahayaan ko na lang sya na umalis muna dahil alam kong naguguluhan sya sa mga nangyayari.

At ngaun nga hinihintay ko syang dumating handa na ko na sabihin sa sakanya ang matagal ko ng itinatagong sekreto tungkol sa tunay nyang pagkatao...

Louie's POV

Hayyy pauwi na naman ako sa bahay ano na naman kayang daratnan ko. nasa gate pa lang ako naamoy ko na ang niluluto ni mommy ang favorite ko bigla tuloy akong nagutom nagmadali akong pumasok at dumeretso sa kusina naabutan ko na nagluluto nga si mommy ng paborito kong tapa.
"good morning ma" bati ko sakanya at halik sa pisngi "nandyan ka na pala anak sandali lang malapit nang maluto ito." "sige po ma" sabi ko sakanya at naghanda na ko ng pinggan at kubyertos "anak anong gusto mo hot chocolate o gatas? ipagtitimpla kita." sabi ni mommy habang sinasalin na ang niluto nyang tapa sa plato. "ako na po ang magtitimpla ma" at sinimulan ko ng magtimpla napakaswerte ko sa mommy ko kasi simula pagkabata hanggang ngaun eh asikasong asikaso nya ko feeling ko nga bata padin ako. "louella anak may paguusapan nga pala tayo pagkatapos nating magalmusal" sabi ni mommy sakin habang nilalagyan ako ng sinangag sa plato. "tungkol po saan ma?" tanong ko sakanya pero di sya kumibo at nagsimula kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan namin na pinagtalunan muna namin ni mommy bago ko tuluyang nagawa. Pagtapos kong maghugas ay dumeretso ako sa veranda kung saan naroon si mommy.
"louella anak maupo ka rito sa tabi ko. Hmmm hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito." naupo ako sa tabi ni mommy napansin ko na may namumuong luha sa mga mata nya "ano pong ibig nyong sabihin ma? May kailangan ba kong malaman?" nagtatakang tanong ko sakanya "anak iiwan na tayo ng daddy mo" sabi ni mommy sa pagitan ng pagiyak bigla akong napangiti "ma may bago pa ho ba? Hindi bat lagi naman nya tayong iniiwan?" bigla akong nainis sa nangyayari sana pala di na muna ako umuwi "anak hindi mo alam ang sinasabi mo."
"bakit ma totoo naman di ba? Palagi sya don sa kabit nya bakit ba pumapayag ka na ginaganyan ka ni daddy hahayaan mo na lang ba na habang buhay ka nyang gawing tanga?" isang malakas na sampal ang nagpatahimik sa akin sa kaunaunahang pagkakataon sinaktan ako ni mommy "wala kang karapatang magsalita ng ganyan dahil wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan ko gusto mong malaman ang totoo ha?" pasigaw na sabi sakin ni mommy "hindi mo sya tunay na ama at yung sinasabi mong kabit sya ang tunay na asawa ng daddy mo." nashock ako sa sinabi ni mommy parang gusto kong maglaho na lang bigla. Hindi kaya nananaginip lang ako? "ano pong ibig nyong sabihin pano nangyari yun ma?" sabi ko habang naguunahan ng magalpasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan "matalik na kaibigan ko si bettina ang asawa ng daddy mo at kasalukuyan kaming magkarelasyon noon ni enrique alam kong matagal na syang may gusto sa daddy mo pero hinayaan ko lang" sabi ni mommy habang walang tigil sa pagiyak "nagbabalak na kami non na magpakasal nang isang araw nagkayayaan silang uminom sa bahay ni bettina hindi ako sumama dahil masama ang pakiramdam ko. Pero malakas ang kutob ko na may binabalak si bettina kaya pumunta ako saknila kahit mabigat parin ang pakiramdam ko at hindi nga ako nagkamali naabutan ko silang walang saplot ni enrique. Naaktuhan din sila ng magulang ni bettina" nagulat ako sa mga nalaman ko pero gusto kong malaman kung saan ako nanggaling kaya pinakinggan ko lang ang kwento ni mommy "nang makita ko yun agad akong lumabas sa bahay nila bettina hinabol ako ni enrique pero hindi ko sya pinakinggan nagpakalasing ako nang araw ding yun kahit hindi ako marunong uminom kasama ko ang tunay mong ama si manuel ang kababata ko sa sobrang kalasingan ko hindi ko alam na may nangyari sa aming dalawa at nagbunga yun at ikaw nga. Pero wala akong pinagsisisihan nagsisi lang ako kung bakit hindi ko pinakinggan ang paliwanag ni enrique matapos silang makita ng magulang ni bettina sa ganong sitwasyon pinilit sila nitong ipakasal halos madurog ang puso ko noon sa sakit ng ginawa nila sa akin. Pero hindi naging maganda ang pagsasama nila dahil hindi nga mahal ng daddy mo si bettina at binantaan nya tong iiwanan nya kung hindi papayag si bettina na makikipagkita sakin ang daddy mo.
Hindi ako pinanagutan ni manuel matapos nyang malaman na buntis ako ay bigla syang nawala at kailanman hindi na nagpakita sa akin. At doon nabuo ang pasya ko na tanggapin ang alok ng daddy mo na sya ang tatayong ama mo wala akong choice anak hindi ko alam kung paano ka bubuhayin wala naman akong malalapitang iba kundi si enrique lang. Walang magawa si bettina nong mga oras na palaging nasa piling ko si enrique lalo na ng mailuwal na kita wala syang magawa dahil alam nyang kahit kelan hindi nya mabibigayan ng anak si enrique dahil baog sya. Kabayaran siguro sa lahat ng ginawa nya sa akin" hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko parang nawala ako sa sarili ko nang mga oras na yun para akong biglang nabingi lumabas ako ng bahay tuloy tuloy ang lakad ko dinala ako ng paa ko sa lugar kung saan ako nagiging komportable

_____________________________________
To be continued...

Between Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon