Getting to know each Other

39 1 0
                                    

Chapter 5

Patrice POV

Hay buti na lang at dumating si xander at naihatid kami sa hospital nandito na naman sya paniguradong kukulitin na naman nya ko si xander ay matagal ng nanliligaw sakin mula pa ng high school kami ayoko saknya kasi balita sa campus madami na syang napaiyak na babae at parang nagpapalit lang damit kung makapagpalit ng babae at ayokong madagdag sa mga babaeng yun. pero parang nagbago lahat mula ng makita ko sya kahapon malaki ang pinagbago nya mula sa pananamit at pagsasalita hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Pagkakain namin kanina ay nagpasya na kaming umuwing tatlo binilin nga ni tita eloisa na sakin muna matutulog si louella pagkat bukas pa raw sila makakalabas at para makapagpahinga ng husto si tita eloisa...

Nahinto ako sa pagiisip nang biglang umupo sa tabi ko si louella "parang ang lalim naman ng iniisip mo?" kakatapos nya lang palang magshower bakas pa sa mga mata at ilong nya ang pagiyak namumula kasi ang ilong nya kapag sobra sa iyak "iniisip ko lang madami na rin naman akong ipon bakit kaya di tayo magnegosyo nakita mo yung bakanteng pwesto sa tapat ng school sa bayan?" pagiiba ko ng sabi sakanya kapag kasi sinabi ko dito ang tungkol kay xander malamang kukulitin na naman ako nito sa pagpapakwento saknya..
"anong negosyo naman?"
"yung matagal na nating pangarap para magamit nadin natin yung mga pinagaralan natin tapos ka sa fine arts and ako sa bussiness management perfect combination tutal may ipon ka din naman galing sa allowance na ibinibigay ni tito di ba pwede din tayong humingi ng tulong kay daddy or kaya kay kuya what do you think?" palog alog na sabi ko sakanya habang sya nakatingin lang sakin.
"sige maganda yang naisip mo nakakaboring rin kasi yung maghapon tayo dito at sa burol so kelan natin sisimulan?" naeexcite na tanong nito "bukas puntahan natin yung pwesto don sa bayan then patulong tayo kay xander na pinturahan at ayusin yun para maasikso natin kinabukasan yung tshirt estante at mga pinturang gagamitin sa mga obra mo hahaha"
Tawa kami ng tawa habang nagkkwentuhan matagal nadin kasi naming pinangarap na magkaroon ng sariling negosyo parehas kasi namibg ayaw ng may naguutos at nappressure sa lahat ng gagawin namin ewan ko ba at parang lahat ng bagay ay nagkakasundo kaming dalawa hanggang sa pagpili sa damit at panlasa sa pagkain minsan nga inisip ko baka kapatid ko talaga sya hahaha nang gabi ding yun ay tinawagan ko si papa at pinaalam ko ang binabalak naming negosyo nong una ay tutol pa ito pero napapayag ko rin nang sinabi kong si louella ang kapartner ko pero ng si kuya ang tinawagan ko tutol na tutol dahil baka magsayang lang daw ako ng pera kilala kasi ako ni kuya happy go lucky, party goer kaya wala tong tiwala sakin.
Pagtapos kong makipagusap ay kumain kami ng noodles ni louella ng biglang tumunog ang doorbell nagkatinginan kaming dalawa "may inaasahan ka bang bisita?" takang tanong ni louella sakin sya namang iling ko tumayo ito at binuksan ang pinto "hi may dala akong pagkain" nakangiting sabi ni xander pagkapasok "paano mo nalaman ang bahay ko?" kunot noong tanong ko dito "hindi ba ko pwedeng magtanong? Saka mas mahalaga ba yun kain nalang tayo" nakangiting sabi nito at umupo sa silya masaya kaming nagsalo sa dala dala nitong pizza at binanggit na rin namin na kakailanganin namin ang tulong nito sa pagtatayo ng negosyo namin at pumayag naman to "oo ba basta sasagutin mo na ko" pabirong sabi nito sakin sabay kindat "che hanggang ngayon ba naman xander? ang babata pa natin non no" natatawang sabi ko dito "joke lang naman hehehe"
"makapaghugas na nga lang baka pati ako langgamin" natatawang sabi ni louie habang nililigpit ang pinagkainan namin "ikaw louie may boyfriend ka na ba?" tanong ni xander iling lang ang sagot nito kay xander at sinimulan ng maghugas maya maya lang ay nagpaalam na si xander at kaming dalawa ay pumanik na sa taas at natulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising naghanda ng almusal at naligo paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si louie na naghahanda na ng almusal "pat pwede paggaling natin sa bayan punta tayo sa hospital?"
"oo nga pala ngayon ang labas ni tita di ba? Kain na tayo para maasikaso na natin yung mga kakailanganin" at tahimik naming pinagsaluhan ang almusal na hinanda ko maya maya ay tumunog na naman ang doorbell "ang aga ng prince charming mo ahh" tudyo sakin ni louie "ewan ko sayo louie" natatawang sabi ko kay louella naya maya pa ay nakatayo na sa likuran namin si xander at may hawak na dalawang rosas "para sa inyo magagandang binibini" at lumuhod pa ito "tumayo ka nga dyan para kang tanga hahaha saluhan mo na lang kami ang aga mo na naman kaming bbwisitin" natatawang sabi ko dito "ahh ganon sige uuwi na ko" kunyari ay patampong umalis ito hinabol ko naman to at hinawakan sa kamay "ito naman hindi mabiro halika na dito masyado ka namang matampuhin" pahila ko itong dinala sa hapag kainan at pinaupo hinadaan ko ito ng pinggan at kubyertos at nilagyan ng pagkain ang pinggan nito "yan ganyan kung ganyan ka ng ganyan magkakasundo tayo" at hinapit ako nito sa bewang sya namang hampas ko dito "ano ba mahiya ka nga hahaha" natatawang sabi ko dito "bahala kayo dyan basta ako kakain na lang" sabi ni louella habang nakain umupo na ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagtpos naming kumain ay dumeresto kaming tatlo sa bayan at pinuntahan ang pwestong uupahan namin nakausap namin to at nakuha namin un sa murang halaga agad naman akong nagdeposito ng limang bwan dahil medyo malaki laki naman ang pinadala ni papa.
Paggaling sa bayan ay pumunta kaming hospital naabutan namin si tito enrique na hinahanda ang paglabas ni tita eloisa binanggit naman dito ni louella ang plano namin "sige anak ako na bahala sa mommy mo asikasuhin mo na yung negosyo nyo kailangan mo ba ng pera anak?" tanong ni tito enrique "wag na po dad my savings panaman po ako don na lang po ako kukuha ng kakailanganin namin" tanggi ni louella dito binunot nito ang wallet sa bulsa at may inabot kay louella "idagdag mo na to"
"naku wag na dad"
"sige na kunin mo na to"
"salamat dad" yun lang at humalik na kami kay na tito at tita at nagpaalam dumertso kami sa hardware para bumili ng pintura at iba pang kakailanganin pagtapos ay bumalik kami sa bayan sinimulan naming linisin ang magiging botique namin inumpisahan na namin itong pinturahan habang nagpipintura ay wala kaming tigil sa kakatawa pano ay nagkahalohalo na ang mga kulay napakakulit pa ni xander nangpupunas ng pintura sa kakaharot nya ay natabig ang hagdan kung nasaan si louella buti na lang at nasalo nya ito tuloy na naman ito sa pagharot nang matapos kami ay binakat namin ang mga kamay namin sa dingding natapos kami ng puno ng pintura ang apron at muka namin "minsan naman maghappy happy tayong 3 then tatawagan ko si mike para may kapartner si louie" sabi nito habang nakahiga kaming tatlo sa sahig napapagitnaan namin ni louella si xander "sige ba a night before natin buksan tong shop para celebration na din" nakatawang sabi ko kay xander busyng busy kami sa kwentuhang dalawa di namin alam na mahimbing na palang natutulog si louella "ilipat mo kaya sya sa sofa" meron kasing sofa don na ayon sa may ari ay iniwan ng dating nangungupahan don maingat namang binuhat ni xander si louella at inihiga sa sofa.

Louie's POV

Nagising ako sa mabangong amoy na kumikiliti sa ilong ko pagmulat ng mata ko ay muntik na kong mapasigaw si xander titig na titig sakin "ang ganda mo pala" nakangiting sabi nito "nakatulog pala ako nasan si patrice?" tanong ko dito "bumili ng pagkain dont worry wala naman akong balak na gahasain ka hahaha" pabirong sabi nito madali ko itong napalagayan ng loob madaldal sya at makulit masarap kasama. Naabutan kami ni patrice na nagtatawanan may bitbit itong pagkain "bakit ngayon ka lang baby"
"baby mo muka mo" naiiritang sabi ni patrice dito at pinagsaluhan namin ang dala dala nitong pagkain.

Natapos namin ang pagpipintura bukas naman ay ang materyales na kakailanganin namin sa paggawa ng costumize tshirt pagtapos naming kumain ay inayos namin ang lahat ng ginamit namin at niligpit ang mga kalat maya maya pa ay nagpasya na kaming umuwi nagpahatid na lang ako kay xander sa bahay dahil gusto ko namang makasama si mommy at daddy humalik ako sa pisngi ni patrice ganon din kay xander pero nang dadampi na ang labi ko sa pisngi nya ay bigla itong lumingon kaya imbes na sa pisngi ko sya mahalikan eh sa labi ko sya nahalikan.

Feeling ko tuloy namula ang buong muka ko kaya nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at dali daling pumasok sa gate.

=========================================
Maraming salamat po sa lahat ng bumabasa sa gawa ko...enjoy lang po :)

Between Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon