The Confrontation

65 0 0
                                    

Chapter 10

Louie's POV

Ilang araw na akong balisa iniisip ko lahat ng posibilidad na mangyari sa mga gagawin kong desisyon pero buo na talaga ang pasya ko mahal ko si xander. Ilang araw narin na akong magisa ang nagaasikaso ng shop.

nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si xander bakas sa mukha nito ang lungkot "bakit ka naparito?" takang tanong ko dito "hindi pa ba umuuwi si patrice?" iling lang naisagot ko rito parang nakaramdam ako ng malakas na suntok sa dibdib ko "sya nga pala gusto kang makausap ni daddy" natigilan ito at napatingin sa akin "tungkol saan?" nakakunot noong tanong nito sakin "hindi kasi sinasadyang narinig ni daddy ang usapan namin ni mommy at ang sabi nya lang sakin gusto ka daw nyang makausap."
"hindi pa ako handang makipagusap kay tito pasensya na pumunta ako dito para lang tanungin ka kung umuwi na si patrice." yun lang at lumabas na ito ng shop halos madurog ang puso ko sa sakit ng nararamdaman ko hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Maya maya pa ay sunod sunod na ang costumer na pumapasok sa shop nahirapan man ako sa umpisa na magisa ay nasanay rin ako. Bukas ay isasara ko muna ang shop at sasadyain ko si patrice sa laguna minsan nya na akong nasama doon ng magdebut sya natatandaan ko naman ang papunta sa kanila.

Isang buong araw na naman ang lumipas pagod na pagod ako pagkasara ko ng shop ay umuwi na ako naabutan ko si mommy na nanonood ng tv nilapitan ko ito at humalik sa pisngi "kumain ka na ba anak ipaghahain kita" sabi nito sakin "wag na po ma kumain na po ako" tumabi ako dito at humilig sa balikat nito, hinaplos ni mommy ang ulo ko "may problema ka ba?" tanong nya sa akin "wala po ma napagod lang po ako"
"hindi pa ba nauwi si patrice?" tanong nito sakin iling lang ang tangi kong naisagot sa kanya "matutulog na po ako ma kayo po ba?" tumayo na ako pinatay na ni mommy ang tv at sumunod sa akin "hinintay lang kita talaga" kumapit ito sa kamay ko at sabay kaming pumanik sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ko'y di rin agad ako nakatulog iniisip ko ang mga posibleng mangyari sa paghaharap namin ulit ni patrice bukas, madaling araw na rin nang tuluyan akong makatulog...

Kinabukasan ay maaga akong nagising naligo ako at dumeretso sa kusina naabutan ko si mommy na naghahanda ng almusal "san ang punta mo?" tanong ni mommy sakin "sa laguna ma pupuntahan ko po si patrice" sabi ko dito habang kumukuha ng hotdog at tinapay "magiingat ka anak"
"yes ma dont worry" pagkaubos ko ng tinapay ay uminom lang ako ng tsokolate at ngtoothbrush. humalik ako kay mommy at tuluyan ng lumabas ng bahay.

paglabas ng village ay sumakay ako ng taxi papunta sa sakayan ng bus papuntang laguna. pagdating ko don ay medyo madami ring tao nakasakay naman agad ako, isat kalahating oras lang ang bayahe dahil hindi naman matraffic pagbaba ng bus ay sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nila patrice malayo palang akoy tanaw ko na ang marangyang bahay nila. Ligtas naman akong nakarating at ngayon nga ay nakatayo na ko sa harap ng malaking bahay nila nakadalawang pindot na ko sa doorbell ng may lumabas na kasambahay yata ito "sino po ang kailangan nyo mam?" tanong sakin ng medyo may edad ng babae "nandyan ba si patrice kaibigan nya ako" pagpapakilala ko rito binuksan nito ang gate at pinapasok ako nito at pinaupo sa upuan sa garden. "upo po muna kayo dyan at tatawagin ko ko lang po si senyorita" saglit lang at lumabas nga si patrice nakasimangot itong lumapit sa akin "ang lakas din naman ng loob mong magpakita pa sa akin pagkatapos ng ginawa nyo sa akin ni xander" sabi nito sakin "pat hindi ako pumunta dito para pagusapan yan" pagak na tawa ang isinagot nito sakin "ahh yung shop bahala ka na don wedding gift ko na sayo yun kapal ng mukha mo eh" napayuko na lang ako "hindi ko matatanggap yun" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko "bakit naman kulang pa ba yun? hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo sakin may lakas ng loob ka pang ipakita sakin yang makapal mong mukha" galit na sabi sakin nito "akala mo ba hindi ko nakita yung ginawa mo nong gabing yon kayong dalawa ni mike? hindi bat lihim mong pinagtataksilan si xander" nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito "wala kang alam sa sinasabi mo" tumalikod ito sakin "kitang kita ng dalawang mata ko ang kababuyan nyo sinagip ko lang si xander sa kataksilan mo" sabi ko dito habang naguumpisa ng pumatak ang luha ko "hindi mo alam kung ano ang totoo sa hindi kaya wag mo kong akusahan na akala mo alam mo ang lahat makakaalis ka na" yun lang at pumasok na ito sa loob naiwan ako sa labas na luhaan nagpalipas lang ako ng ilang sandali bago nagpasyang umuwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Secrets and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon