KABANATA I

7 1 6
                                    

Kabanata I

Yna P.O.V

Hindi na ako mapakali at palaging inom ko ng tubig habang nasa sasakyan ako ni Matt.

“Are you okay?” tanong sa akin ni Matt. “Kanina ka pa hindi mapakali e,”

“Eh kasi love, kinakabahan ako. Makikilala ko na 'yung parents mo, sobrang kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan, ayos pa ba mukha ko, e itong suot ko ayos–”

Shh, ano ka ba love. Mabait naman sila mommy sa tingin ko ay magugustuhan ka rin nila, ang ganda ganda mo kaya!” ngiting saad niya sa akin at hinawakan ang kamay ko habang nag mamaneho.

“We're here!” he said. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto para bumaba rin.

He held my hands as we entered their house. Bumungad sa akin ang malaki at maaliwalas na bahay nila, talaga ngang mayaman sila dahil sa labas palang ng bahay nila ay makikita mo kung gaano kalaki at kaganda ang disenyo nito.

“Oh hi son, andiyan kana pala. Tamang tama at naka-ready na ang lunch,” saad ng mommy ni Matt. Sabi ni Matt ay nasa 40+ na raw ang mommy niya pero kung titignan ko ay parang nasa 20 or 30+ palang ito dahil nga sa makinis at maputing balat nito.

Nawala ang ngiti ng mommy niya nang tignan ako mula paa hanggang ulo, tinignan ko rin ang suot kong simpleng t-shirt at pants, wala kasi ako masyadong damit dahil hindi naman kami mayaman tulad nila.

“Mom, dad, she's Yna, my girlfriend.” Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Matt sa parents niya.

“Hello po! Good afternoon po,” pagbati ko, magmamano pa sana ako ngunit tinalikuran na nila ako kaya ibinaba ko nalang ang kamay ko.

Hinaplos ni Matt ang kamay ko at ngumiti sa akin, pinapagaan niya ang loob ko.

“So, ano ang trabaho ng mga magulang mo?” tanong sa akin ng mommy niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Ansasarap at ang daming pagkain dito, akala mo ay may birthday.

“Ah, si mama po labandera. Ang tatay ko naman po ay may pamilya ng iba,” sagot ko. Bata palang ako noong magloko ang tatay ko, iniwan niya kami at sumama na sa ibang babae, siya ang unang lalaki na nanakit ng damdamin ko.

“Tss what a poor life,” saad pa ng mama niya na ikinabigla ko, bakit niya kailangan magsabi ng mga ganoong salita sa harap harapan ko?

“Mom,” pagsaway ni Matt sa mommy niya.

“What? Baka ikaw pa ang namimili ng panty niyan ah dahil sa kapos sila sa pera?” saad pa ulit ng mommy niya.

“Nako Matt, ang inaakala naming magiging girlfriend mo ay may business din ang pamilya katulad natin. Babagsak ka lang pala sa katulad niyan,” saad naman ng daddy ni Matt. Sa bawat salita na binibitawan nila ay nasasaktan ako.

Nagtatrabaho rin naman po ako sa call center para makatulong sa mama ko at para narin matustusan ko 'yong pangangailangan ko,” ngiting saad ko.

“Tss, let's talk later Matt. Akala ko ba naman ay marunong kang pumili ng babae,” nakangising saad ng daddy niya.

Alam ko naman na mahirap lang kami pero ganito ba talaga mag trato ang mga mayayaman? Kung umasta at magsalita sila ay parang ang taas taas na nila.

“I love Yna, kung hindi ninyo kaya tanggapin iyon kahit onting respeto naman mom, dad.” Tumingin si Matt sa mommy at daddy niya na ngayon ay tahimik na. “Aalis na kami, salamat sa pagkain.” Dagdag pa ni Matt at tumayo na, tumayo na rin ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at dirediretsyo na lumabas ng bahay nila.

“Sorry sa mga sinabi nila sa'yo kanina, pasensya na rin sa naging trato nila sa'yo,” sabi ni Matt habang nagmamaneho. Tumango lang ako at ngumiti.

Nasasaktan ako at nagagalit ako sa mga binitiwang salita sa akin ng parents niya ngunit ayoko nalang magsalita dahil magulang niya parin iyon at girlfriend niya lang ako.

Maya maya pa ay hininto niya ang sasakyan niya sa tabing dagat. Ang madalas namin puntahan, dito rin naganap ang proposal na ginawa niya para maging girlfriend ako.

Palubong na rin naman ang araw kaya hindi na ganoon kainit. Lumabas na kaming dalawa sa kotse niya, bumungad agad sa amin ang malakas na hangin at ang magandang dagat.

Lumingon ulit ako kay Matt at nakita ko siyang nagtatanggal na ng sapatos habang hawak hawak ang dalawang magka-pares na tsinelas.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Ano pang hinihintay mo? Tanggalin mo na rin ang sandals na suot mo para makalad tayo sa dalampasigan,” masayang saad niya.

Nakangiti naman akong lumapit sa kaniya at hinubad na rin ang sandals ko.

Nang matapos na kami ay isinuot namin ang tsinelas na laging nakalagay sa kotse niya. Nasanay na kasi kami na lumakad sa dalampasigan, pinupunta niya ko rito kapag may problema ako o stress at malungkot.

Sobrang swerte ko talaga sa kaniya dahil saulado niya ako, alam niya kapag stress o malungkot ako, he was always by my side through ups and downs.

MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon