Kabanata II
“Happy 3rd anniversary love!” sigaw ni Matt at tinanggal ang takip sa mata ko.
Bumungad sa akin ang lamesa sa gitna ng gazebo at puro ilaw ang nakapaligid dito.
Lumapit ako sa lamesa at nakangiti, tatlong taon na kami at lagi ako nakakatanggap ng surprise galing sa kaniya sa tuwing anniversary o kaya naman ay monthsary namin.
Kinuha ni Matt ang bouquet of flowers na nasa ibabaw ng lamesa. Binigay niya sa akin ito at hinalikan ako sa labi.
“Happy 3rd anniversary, love!” pagbati ko sa kaniya nang naka-ngiti.
Umupo na kami parehas at maya maya pa ay dumarating na sila Clarence at Tiffany na parehas naming kaibigan ni Matt. May dala dala silang plato na may laman na pagkain.
“Kami muna ang waitress n'yo rito,” saad ni Tiffany at kinindatan pa ako habang binaba ang pagkain sa mesa.
“Oy, salamat sa inyo ah!” pagsasalamat ni Matt sa kanila dahil sa tulong na ginagawa nila.
Noong first anniversary kasi namin ay kumain kami sa mamahaling restaurant kasama ang mga kaibigan namin. Ang second anniversary naman namin ay nagpunta kaming dalawa sa Baguio City at doon nag celebrate.
“Naisip ko na rito naman tayo mag celebrate ng anniversary natin. Ang lugar kasi na ito ay saksi sa pagmamahalan natin simula umpisa, remember sa beach na 'to rin ako nag propose sa'yo upang maging girlfriend ko,” saad niya habang kumakain kami, ngumiti nalang ako at tumugon sa sinabi niya.
Simula umpisa ay palagi na kami rito, saksi ang lugar na ito sa relasyon namin ni Matt, tuwing magkakalabuan kami ay dito rin kami nagtutungo upang ayusin ang away namin. Sa tuwing may okasyon kami ay madalas din kami rito.
Natapos na kami kumain, naghintay lang kami ng ilang minuto bago lumakad lakad sa dalampasigan. Sa bawat hakbang namin ay kasabay ng alon na dumadampi sa mga paa namin.
“Anyway, i have something to tell you.” Basag ni Matt sa katahimikan ng paglalakad namin.
Tumingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya.
“I have to go in Australia,” saad niya na nakapag-patigil ng paglalakad ko.
“Why?” i asked.
“Kailangan namin pumunta doon nila daddy, para sa business namin, para sa company namin. I know you will understand it, right?” saad pa niya.
“Ah.. y-yeah, i understand.” Nakangiting saad ko, naiintindihan ko naman na magiging busy na siya dahil sa business nila, sa kaniya lang ipapamana ang company nila kaya naiintindihan ko iyon pero malalayo kami sa isa't-isa.
“Kailan ang alis n'yo?” tanong ko pa.
“Sa isang araw na, gusto ko na ihahatid mo ako sa airport ah!” sabi niya habang nakangiti. Tumango nalang ako at niyakap siya.
“Mamimiss kita,” saad ko.
Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
“Mamimiss din kita, araw araw kita tatawagan okay?” saad din niya.
Nakakalungkot dahil kapag nagpunta sila ng Australia ay iyon ang unang beses na malalayo kami sa isa't-isa.
***
“Mag iingat ka roon ah? Kumain ka sa tamang oras, huwag ka mambabae roon ah! Ayusin mo buhay mo,” bilin ko kay Matt. Nasa airport na kami at ilang minuto nalang ay lilipad na sila papuntang Australia.
“Bakit ako maghahanap ng babae roon e ang ganda ganda ng girlfriend ko oh,” saad niya habang ngumingisi at hinahawakan ang mukha ko.
“Mag-iingat ka rin dito ah, lagi kitang tatawagan kaya dapat laging nakatabi sa'yo ang phone mo, tatawagin kita kapag nakarating na kami sa Australia,” wika niya habang hinahaplos haplos ang kamay ko.
“Oy, Tiffany at Clarence, kayo na bahala kay Yna ah. Kapag may lumapit o pumorma na lalaki dito suntukin mo agad Clarence ah,” pabiro pang saad ni Matt kaya nagtawanan kami.
Tuluyan na siyang nagpaalam sa amin, nagpaalam din ako sa parents niya kahit na ang sungit ng tingin sa akin.
Hays, sisimulan ko na ang relasyong long distance.
BINABASA MO ANG
MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BE
Short StoryPaano kung ang matagal mo nang hinahanap at matagal kang nilisan ay muling makipag-kita sa'yo? Magagawa mo kaya siyang harapin at pagbigyan after all the pain na idinulot niya sa buhay mo?