Kabanata III,
Mahigit limang buwan na rin si Matt sa Australia, hindi niya pa raw alam kung kailan sila makakauwi.
Sa una ay ayos naman kami, nahahandle naman namin ang long distance relationship. Umaga at gabi ay mag kavideo call kami. Maghapon din kami magkausap.
Nagkakamustahan at nagkukwento sa mga nangyayari sa buhay. Miss na miss ko na siya, gustong gusto ko na ulit siya mayakap at mahalikan.
Pero pag dating ng anim na buwan, nangyari ang hindi ko inaasahan.
Nag deact si Matt sa lahat ng social media niya.
Sinusubukan ko siya itext pero naka block na ang number ko sa kaniya.
Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ko, umaasa na sana siya iyon ngunit nabigo ako. Si Tiffany ang tumatawag.
“Hello Yna, are you okay?” tanong niya sa kabilang linya. I sighed, mukhang nakita na niyang naka-deact si Matt.
“Can we meet? Sa coffee shop na madalas mong puntahan,” saad ko, tumugon naman siya at binaba na ang tawag.
Wala akong gana na nag-ayos ng sarili, andami dami nang tanong na tumatakbo sa isip ko. Bakit kaya, may nangyari kaya sa kaniya? Bakit nagawa niyang putulin ang komunikasyon naming dalawa?
“Oh, maupo ka. What happened, nag away ba kayo ni Matt, bakit naka-deact lahat ng social media niya?” salubong na tanong sa akin ni Tiffany nang makaupo ako sa table namin.
“Hindi ko rin alam, pag gising ko wala na. Hindi ko rin siya ma-contact,” sagot ko. Bakas din ang lungkot sa mukha ni Tiffany.
“Si Clarence ba, alam ba niya kung bakit nag deact si Matt?” tanong ko pa.
Malungkot naman siya na umiling. “Tinanong ko siya at hindi niya rin daw alam, wala raw sinabi sa kaniya si Matt,” dugtong niya.
***
Pagkatapos namin mag usap at mag meryenda na Tiffany ay umuwi na ako. Sinearch ko sa facebook ang name ni Matt ngunit walang lumalabas, halos tinignan ko na rin ang facebook ng parents niya at page ng company nila ngunit wala talaga akong nakita na Matt. Bakit kaya naisipan niya ideact ang facebook niya, tuluyan na niya ba ako iniwan?
Dumilim na ang paligid at nakahiga lang ako sa kama ko. Pati ang mama ko ay nag aalala sa akin ngunit sinabi ko na huwag siya mag-alala at huwag niya ako intindihin dahil kaya ko pa naman tiisin ang sakit. Baka bumalik pa si Matt kaya hihintayin ko siya.
***
“Matt!” masayang sigaw ko nang makita ko siya sa labas ng bahay namin.
“Bumalik ka, sabi ko na nga ba at hindi mo ako magagawang iwan e,” maligayang saad ko, yayakapin ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako.
Napahinto ako at nagtaka ako kung bakit ayaw niyang magpayakap sa akin.
“I'm sorry Yna,” saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“Bumalik ako para tapusin 'yung relasyong meron tayo,” saad pa niya. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko sa pisnge at unti-unti rin sumakit ang dibdib ko. Tinignan ko lang siya sa mga mata niya, nakatingin lang siya sa malayo at walang reaksyon.
“B-Bakit Matt, ayaw mo na ba sa akin?” umiiyak na tanong ko.
***
Bigla akong nagising at kinapa ko ang pisnge ko na basa, umiiyak ako habang nanaginip. Panaginip lang pala ang lahat.
Umupo ako sa kama ko at tuluyan nang naiyak dahil sa pangungulila sa kaniya. Ang panaginip ko ay sobrang sakit, bakit ko napanaginipan iyon. May ibig sabihin ba iyon?
BINABASA MO ANG
MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BE
Short StoryPaano kung ang matagal mo nang hinahanap at matagal kang nilisan ay muling makipag-kita sa'yo? Magagawa mo kaya siyang harapin at pagbigyan after all the pain na idinulot niya sa buhay mo?