/Loving Regine Chapter Eighteen/
TAHIMIK silang nagkatitigan. May namumuong luha na rin sa mga mata ni Ogie. Natatakot siyang malaman kung totoo bang may sakit ang asawa niya.
"May sakit si Regine 'di ba?"tuluyang bumagsak ang mga luha ni Ogie"Ano ang sakit niya,Lea?"
Napalunok si Lea dahil sa sinabi ni Ogie. Saan niya nakuha ang impormasyong iyon gayong wala ni kahit kanina maliban sa kanilang dalawa ni Dawn ang nakakaalam na may sakit si Regine.
"Sakit? Anong sakit?"umayos ng tayo si Lea upang hindi mahalata ni Ogie na may tinatago siya"Oy!Siguro narinig mo 'yon sa mga chismosang nurses ano?"tumawa pa si Lea"Atsaka,sa tingin mo ba magagawa ko pang tumawa kung may sakit ang kaibigan ko?Damn, siguro kung may sakit si Reg ako mismo ang unang iiyak."
Pinunasan ni Ogie ang kaniyang luha. Naging kampante naman si Lea dahil mukhang nakumbinse niya si Ogie sa kaniyang sagot.
Ka-agad na iniwan ni Lea si Ogie na tulala. Tinawagan naman ni Lea si Dawn na pumunta ng opisina ni Regine dahil siguradong kukulitin siya ni Ogie.
"Salamat sa inyo ha,alam niyo talagang pinagkakaingatan ko ang sakit na ito."
"A real friend can hide secrets Reg."tugon ng dalawa.
Tumango na lamang si Regine dahil mapagkakatiwalaan niya talaga ang dalawang ito.
"Pero minsan 'di na ako natutuwa."Lea rolled her eyes
"Ako rin."second demotion naman ni Dawn
"Ako rin naman."pina-ikot-ikot ni Regine ang ballpen na hawak niya at may nakasulat ito na Dr. Villarama. Pagulat naman na lumingon ang dalawa kay Regine.
"No'ng college tayo?"
"Past is past."komento ni Dawn
Pinagsiklop ni Regine ang kamay sa ibabaw ng mesa niya.
"Pero sinusubukan niyo ako."mapang-asar na saad ni Regine.
Napanguso na lamang ang dalawa dahil sa sinabi ni Regine. Talagang huwag niyong kakalabanin si Regine dahil marami siyang bala na pwedeng ikasira ng buhay niyo.
"Nagbibiro lang naman kami e."saad ni Lea
"Oo nga. Joke lang,ikaw naman!"
"Good girl. Now,pwede niyo ba muna akong iwan?May mga kwarto kayo 'di ba? Ba't dito kayo lagi?"Regine rolled her eyes.
"Ah-ano-kasi-e,wala lang. Binabantayan ka lang siguro namin."tugon ni Lea
"Okay,now can you leave?"
Walang nagawa ang dalawa kun'di ang lumabas ng kwarto ni Regine. Pagkaalis ng dalawa ay nagbalik na naman si Regine sa pag-re-research. She's not done yet.
Paging Doc. Villarama. Come to room 257 now. Again,Paging Doc. Villarama. Come to room 257 now.
Narinig iyon ni Regine kaya ka-agad niyang sinara ang laptop. Nang nasa pintuan na siya ay saka lamang niyang napagtanto na kwarto iyon ng pasyenteng malapit sa kaniya. Si Tricia.
Napahawak siya sa kaniyang puso ng makaramdam ng kaba. Noong kumalma na siya at muling tumunog ang information ay ka-agad siyang nagmadaling maglakad papunta sa kuwartong iyon.
Nasa pintuan na siya ng makita na ang mga kaibigan niya na malapit na sa kanya.
"Reg."
"Kinakabahan ako,Lea."natatakot na sabi ni Regine kay Lea"Bakit kayo nandito?"
"Narinig namin 'yung information, they've been calling you sa room na ito. Kinabahan kami kasi last time we checked Tricia,okay siya."
"Let's go inside."singit ni Dawn.
BINABASA MO ANG
Loving Regine (Completed)
RomanceFormer Title: ALPAS "I'll do Loving Regine until my last breath." Title:Loving Regine Genre: Fanfiction, Romance Started:June 14, 2022 Finished: December 25, 2022 Revision Started: January 30, 2023 Revision Finished:July 29, 2023